[PRIAM] Agad nilang pinuntahan si Sofer sa kwarto nito. Mabilis na katok ang ginawa nila sa pintuan nito at walang anu-ano'y pinagbuksan din sila ng pinto nito. Pumasok sila sa loob ng kwarto nito. Kita nila Priam ang pagtataka nito sa kanila. "Anong meron?", takang tanong nito sa kanila. "Ikaw ba nagsabi kay Thalia na nandito ako?", tanong niya dito. "Ano?!", tanong din nito sa kanya. "Tumawag kanina si Thalia. Ang akala ni Priam ay ako ang nagsabi na nandito siya. Pero bigla ka namin na-isip.", kwento ni Eros. Napataas naman ng isang kilay si Sofer, "So anong connect ko?" "Stupid... Syempre ikaw lang naman madaldal sa atin.", saad pa ni Eros. "Wow ha!!! Nahiya naman ako sa inyo.", sarkastikong sabi ni Sofer. "Edi... Hindi ikaw?", takang tanong ni Eros. "Malamang hindi. Isa pa,

