Days have past ay ganoon pa rin. Alam na ni Liling at Manong Dan na nagdadalang-tao si Sienna. Hanggang doon lang iyon pero hindi din nila alam kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. *** Hindi pa naman halata ang kanyang tiyan kaya na-itatago niya pa. Kahit lumaki man ng unti ang tiyan niya ay hindi mahahalata dahil sa kanyang suot pangkatulong. Hindi rin siya makapagcheck up dahil kulang pa ang kanyang pera. Nagtatabi rin siya ng pera kung may emergency ngunit dahil meron ng nabubuo sa kanyang tiyan ay dito mapupunta ang kanyang mga na-ipon. Nasa mini garden siya ngayon at nagdi-dilig ng halaman. Mapilit siya. Gusto niya pa rin magkikilos. Kahit magaang gawain lang para nakakapaglibang siya. Iniisip niya rin na baka sitahin siya ng mga amo dahil wala siyang ginagawa. Napalingon siy

