Dalawang buwan na ang nakalilipas ay wala namang problema ang nangyayari sa mansyon. Pwera nalang ang pagbabago ni Sienna. Paiba- iba ito ng mood. Minsan ay masaya. Minsan din ay malungkot. Nagiging matakaw na din siya at madalas ay natutulog. Nagiging antukin na siya. Hindi rin alam ng kanyang ina kung bakit nag-iba ang mood ng anak. Pag nagluto ito ng paborito nitong pagkain ay kakainin niya agad-agad. Pero nang nagluto ang kanyang ina nitong buwan ay halos hindi niya manguya o malunok manlang ang paboritong niluto ng ina. Kung ano pang ayaw kainin niyao ay iyong kinakain. Kahit sabihin na mabaho kahit wala naman ay sasabihin niya sa mga ito na maligo o kaya naman ay itataboy niya palayo kung sino man ang malapit sa kanya. Pag may gusto naman siya at hindi nasunod ay iiyak nalang siya b

