Habang nagli-libot sila Lavender ay may nakita silang bench na kung saan ay mapagma-masdan ang dagat. Umupo sila doon at namahinga sandali. Iginitna nila si Naila. "So Naila. Introduce yourself nga sa amin." Sabi ni Lavender na nasa kaliwa ni Naila. Ilang sandaling katahimikan bago magsalita ito. "Hmm.. Since alam niyo na buong pangalan ko.. I'm 24 yrs. old.." Magsasalita ulit si Naila nang magsalita si Lavender. "Oh? I thought you are just..just the same age with Ate Sienna. You look so young." Hindi makapaniwalang sabi ni Lavender. Natawa naman ang dalawa at sumagot din si Liling. "Oo nga. Akala ko talaga ay kasing edad mo lang si Sienna. Kasi si Sienna ay bente lang. At ako naman ay bente-dos. Kung ikukumpara ka kasi sa iba ay hindi halatang iyon ang edad mo." Sabi ni Liling. "Rea

