Mabilis lumipas ang mga buwan at heto, medyo halata na ang tiyan ni Loraine dahil limang buwan na itong nagdadalang tao. Natutuwa naman ako dahil si Isagani ay totoong bumawi. Hindi na din problemado ang aking kaibigan dahil si Diane naman ay nasa isang Center sa ibang bansa at nagpapagamot. Bawal nga lang bisitahin ng bisitahin kasi kasama yun sa treatment. “Love, gusto ko ng dragon fruit na kulay white at strawberry na kulay white. Napanood ko sa television kanina mukhang masarap.” Napakamot ako ng aking ulo dahil sa gusto ni Loraine, noong nakaraan gusto nya mangga na kulay pula, sa Thailand pa kami nakabili ngayon naman ito puti naman ang trip nya. “Love, narinig mo ba ang sinabi ko?.” Tanong nito sa akin na may mukhang nakasimangot. “Oo love, wait lang tawagan ko si Isagani.”

