Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, kaya't nagmamadali ako na bumangon. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo, pagkatapos ko ayusin ang aking sarili ay tinungo ko ang silid ng aking anak na si Cassandra pero pagbukas ko ng pinto ay wala ng tao sa loob. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kusina. Doon ko nakita ang aking anak na kumakain ng cookies. “Hi daddy! Good morning po.” “Good morning din baby. Pwede ba tayong mag-usap?.” “Sure daddy, ano po ba ‘yun?.” “Baby, nahanap ko na ang babaeng mahal ko noon pa man at may anak kami na ka edad mo. Naalala mo yung bata sa toy section sa mall?. Kapatid mo s'ya anak.” Sabi ko sa aking anak na halata na nagulat sa aking sinabi. Tumayo ito at iniwan ako sa kusina. Nanghihina ako na napasandal ang likod sa upuan na kahoy. Ito an

