Dalawang beses lang may nangyari sa amin ni Loraine at ngayon ay nagbibihis na ako para umalis. Sinulyapan kong muli ang babae bago ako lumabas ng silid at binuksan ko naman ang silid ni Halia, humarap ito sa akin. Nanonood pala ng peppa pig sa you tube. “Baby, iiwan ko sa'yo phone ni daddy ha?. Ikaw bahala mag order ng gusto mo na food okay?. Gisingin mo din si mommy mo after 1 hour para kumain. Kailangan ko na talaga umalis dahil baka hinihintay na ako ni Cassandra sa bahay.” Tumango ang bata na may malungkot na mukha, parang may gusto itong sabihin sa akin. “Anong gusto mo itanong o sabihin kay daddy?.” “Anak mo po ba talaga si Cassandra?.” Ngumiti ako at kinandong ang aking anak. Hinalikan ko ito sa noo at niyakap. “Yes baby, she's my daughter by heart. Kapag nasa tamang eda

