Hendrix (POV) Pagdating pa lang ni Loraine alam ko na may nangyari sa kanya sa labas. Kita ko ang mahaba na sugat na parang sumabit sa alambre o kalmot ng kuku. Nanginginig din ang katawan niya kaya alam ko na may kakaiba. “Tapos ka na kumain baby Halia?. Doon ka muna sa silid mo maglaro, h'wag mo isara ang pinto okay?.” Tanong ko sa aking anak na hawak na ngayon ang tab, lumingon naman sa akin ang bata at tumango sabay mabilis naman sumunod. Tinawag ko si Loraine at inaya sa sala. “Uuwi na ako, baka hinahanap na ako ni Cassandra. Pero bago ang lahat, anong nangyari kanina?.” Hindi kaagad umimik ang babae at tumingin lang sa silid ni Halia. “Sigurado ako na wala na akong career na babalikan. Galing ako sa hospital at sinaktan ko ng pisikal si Lhai. Alam mo ba na sa buong buhay ko

