(Janelle's POV) Mahal ko pa talaga si Zach! Mahal ko pa ang taong yelo na ito! Hindi pala ako kinakabahan lang kapag nasa malapit siya. Hindi pala abnormal ang puso ko. Kilala pala siya nito. Kaya pala, lumulundag-lundag siya kapag nandiyan sa tabi ko si Impaktong Original. I looked away as my tears began to fall from my eyes. Nasasaktan ako ng sobra! Pasimple kong pinahiran ang mga luha ko. Pero anak ng tipaklong! Ayaw tumigil sa pagpatak. "Cassidy..." Itinaas ko ang isang kamay ko kaya natigil siya sa pagsasalita. Ayaw ko ng marinig kung ano man ang sasabihin niya. Dahil baka mas lalo lang akong masaktan. Bakit ba kasi napaka-walang pakiramdam nitong si Zach eh?! Hindi niya alam na nakakasakit na siya ng damdamin ng iba! "C-Can you please leave me alone?" Pinilit kong magsalita ng d

