(Janelle's POV) Naroon si Zach sa tabi ko ngayon. Inalalayan niya ako pababa ng chopper. Hindi kami nag-imikan hanggang sa tuluyan na kaming makapasok ng elevator. Wala akong ganang kausapin siya. Kahit naman mahal ko siya. May kasalanan pa din siya sa akin. Muntik lang naman akong matigok dahil sa kagaguhan niya. Kung sana ba'y sinabi niya na lang sa akin na isasakay niya ako sa chopper. Hindi ko na sana ibinangga iyong kotse sa gate. Kay Red pa naman iyon. Nasa harap na kami ng pinto ng private room ni Daddy nang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Agad akong napalingon si Anton pala. Sinugod niya ako ng yakap. Ginantihan ko naman siya ng yakap. Nang magbitiw siya ng pagkakayakap. May bahid ng pag-aalaala ang kanyang mukha. Oo nga't sinaktan din niya ako. Pero wala na

