Lui's pov Kauuwi lang namin galing sa psychiatrist na kaibigan ng daddy ni Colbie. At ipinayo nito na 'wag na munang dadalhin ulit si Colbie sa mall dahil sa sariwa pa sa isip nito ang traumatic na nangyari. At kailangan din daw itong bigyan ng masayang environment. Dapat daw na malibang ito para mawala sa isip nito ang nangyari. Kaya naman his dad talk to me... "Kailangan nating magtulungan for Colbie." Seryosong sabi nito. "Ano pong ibig niyong sabihin, Sir?" Naguguluhang tanong 'ko dito. "We have to make him feel comfortable, safe and happy." Seryoso pa rin na sabi nito. At mukhang gets 'ko na ang ibig niyang sabihin. Gusto niya na magtulungan kami. "Im willing to do my best para bumalik siya sa normal at makalimutan niya 'yung nangyari, Sir." Seryoso ko rin na sagot. "Good.

