Luisa
Maaga akong pumunta sa Bahay na iyon kinabukasan. Dala ko na rin ang mga gamit ko. Dahil bilang yaya ng anak nito, Kailangan kong tumira rito. At ngayon ko makikilala ang Batang aalagaan ko.
Pinindot ko ang doorbell at maya-maya pa lumabas si Manang Ludy at pinagbuksan ako ng gate.
"Pasok ka hija. Tamang-tama nag-aalmusal ang mag-ama. Sumabay ka na sa kanila," sabi nito pagkapasok ko.
"Sa sala ko na lang po siguro sila hihintayin. Tapos na po akong mag-almusal. Pakisabi na lang po na dumating na ako." Maaga akong nagising kanina kaya maaga rin akong nag-almusal.
"Ganoon ba? Sige hija. Maupo ka na lang muna sa sala. Ikukuha na lang kita ng juice," Manang Ludy.
"Sige po. Salamat."
Pumasok na kami sa loob ng bahay at iniwan ako ni Manang Ludy sa sala.
Maya-maya lang may narinig na akong mga yabag na papalapit.
Kaya tumayo na ako. At nakita ko ang cute na cute na batang lalaki.
"Goodmorning," bati ko sa kanila.
"Goodmorning. This is my son, Colbie. Son, meet your nanny. She—."
"Hi Colbie! You can call me, Ate Lui." Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.
Masaya ko itong binati at nilapitan.Hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakakakita ako ng cute na bata. Ang puti-puti nito at medyo chubby. Ang sarap kurutin ng pisngi nito.
"Ate Lui? Your name is a boy's name?" inosenteng tanong nito.
"Not really. It is just a nickname. How old are you?" Pigil na pigil ko ang sarili ko na pang-gigilan ito.
"I'm five years old. Are you going to live here in our house?" tanong nito.
"I guess, because I'm going to take care of you. I'm your nanny, remember?" Napakabibo niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Colbie, sumama ka muna kay Manang Ludy. We have to talk first. And you have to take a bath na." Singgit ng supladong daddy ni Colbie.
"Okay. Dad, I like her. See you later, Ate Lui!" Nakangiting kumaway ito bago sumama kay Manang Ludy.
Nakangiting kinawayan ko rin ito. At pagharap ko sa ama nito, ibinalik ko na ang blangkong ekspresyon ng mukha ko.
Sebastian
Pagkatapos naming mag-almusal ay pinuntahan namin ni Colbie sa sala ang magiging yaya nito.
At hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon nito pagkatapos ko itong ipakilala kay Colbie.
It seems that she really like Colbie. At gusto rin ito ng anak ko. Marunong din pala itong ngumiti. Pero pagkaalis ni Colbie balik sa pagiging blangko ang ekspresyon nito.
"You heard it. He said that he likes you. Mukhang hindi ka na mahihirapang kunin ang loob niya. Si Manang na ang bahalang magturo saiyo ng magiging kwarto mo. Siya na rin ang magpapaliwanag ng mga dapat mong malaman about Colbie. Pati na rin sa iba pang detalye. I have to go, hintayin mo na lang bumaba si Manang," bilin ko rito. Seryosong nakikinig lang siya habang nagsasalita ako.
"Okay, sir," tipid na sagot nito.
I have an important meeting this morning kaya kailangan ko ng umalis. Si Manang na muna ang bahalang mag-obserba rito. Mukhang may kakaiba talaga sa babaeng ito. Sa ngayon ay kailangan ko ng pumunta ng opisina.
Umalis na ako at naiwan sa sala ang bagong yaya ni Colbie.
Luisa
Maya-maya rin bumaba na si Manang Ludy. Sinamahan ako nito sa pagiging kwarto ko. Which is katabi ng kwarto ni Colbie.
May pasok si Colbie sa kinder school. At bilang yaya nito kailangang sumama ako sa kanya.
Pagkatapos sabihin ni Manang Ludy ang mga dapat kong malaman ay umalis na kami sakay ng kotseng maghahatid-sundo sa amin sa paaralan.
"Ikaw na ang bahala sa kanya, ha. Medyo malikot ang batang 'yan. Kaya 'wag kang malilingat, hija," bilin ni Manang Ludy sa akin.
"Sige po, ako na ang bahala sa kanya, Manang. Aalis na po kami," paalam ko sa matanda.
"Sige, mag-iingat kayo," tugon ni Manang Ludy.
"Bye, Manang Ludy!" Kumaway rito si Colbie.
Sumakay na kami ng kotse at umalis.
Pagdating doon iniwan na kami ng driver. Babalik na lang daw kapag oras na ng uwian.
Aksayado sa gasolina?
May nakalaang pwesto para sa mga yayang naghihintay sa mga alaga nila. Naupo ako malayo sa iba na abala sa pagchichismisan.
Mukhang mayaman ang mga batang nag-aaral dito. Halos lahat ng bata may kanya-kanyang yaya.
Abala ako sa pagmamasid sa paligid ng makarinig ako ng iyak ng bata.
Huh, boses ng alaga ko 'yun ah.
Hinanap ko agad siya. At nakita ko siya sa may playground ng kinder school na iyon.
Umiiyak siya habang nakaupo sa lupa. At nasa harap niya ang isa pang batang lalaki kasama ang yaya nito.
"Ano'ng nangyayari rito? Colbie, what happen to you? Bakit ka umiiyak?" Nang makalapit ako, agad ko siyang itinayo at agad pinagpagan ang damit nito.
"Ate Lui, she push me," umiiyak nitong sumbong habang itinuturo ang yaya ng isa pang bata.
"Hindi ko siya itinulak. Siya nga itong nang-aaway sa alaga ko. Nakita ko na itinulak niya si Tommy," defensive na sabi ng yaya ng bata.
"Colbie, tell me what really happen," mahinahon kong tanong dito habang pinupunasan ang mukha nito na basa sa luha.
"T-ommy... said that I don't have a mommy... because my dad is a... monster. T-that's... why I push him. But... his yaya pushed me, too. She is bad, Ate Lui. She is bad!" kwento ni Colbie sa pagitan ng pag-iyak.
Dahil sa narinig ko, hindi ko napigilang tignan ng masama ang
yaya ng bata.
"S-sinungaling ang bata na 'yan. Hindi ko siya itinulak," nabubulol na sabi nito. Halatang siya ang nagsisinungaling.
Bumaling ulit ako kay Colbie at nginitian ito. "Colbie, stop crying na okay? 'Wag mo ng uulitin ang ginawa mo, ha. Kahit na may sinabi siya saiyo na hindi maganda. Mali na saktan mo siya. Dapat sinumbong mo na lang siya sa akin o sa teacher niyo. Naiintindihan mo ba ako?"
"Y-yes, Ate Lui. I understand." Huminto na ito sa pag-iyak.
"Say sorry to Tommy," nakangiti pa rin na utos ko rito.
"S-sorry..." Colbie said to Tommy.
"Very good!" Pinat ko ang ulo niya saka nginitian. Binalingan ko naman ang mag-yaya. "Now, it's your turn to apologize, Tommy. It's wrong to say something bad to the other people," mahinahon kong sabi rito.
"S-sorry, Colbie," Tommy said. Actually he's cute too. Mukha namang mabait. Hindi lang siguro natuturuan ng tama.
"Very good, Tommy. 'Wag mo ng uulitin 'yon, ha." Nginitian ko rin siya. Now, it's the Nanny's turn. "Kailangan mo rin na mag-sorry sa alaga ko for pushing him. Mali naman yata na manakit ka ng bata." Pigil ko na 'wag magtaas ng boses. Ayoko sa lahat 'yung mga taong nanakit ng bata.
"P-pero hindi ko naman talaga siya itinulak, ah," dahilan pa nito. Inuubos yata nito ang pasensya ko, eh. Kung wala ang mga bata dito baka napilipit ko na ang leeg nito.
"Mag-a-apologize ka o ipararating ko ito sa teacher at mga magulang ng mga bata?" sabi ko sa paraan na matatakot siya.
"O-Oo na! Sorry, Colbie. Hindi ko naman sinasadya 'yon, eh. Patawarin mo ako sa nagawa ko, ha?" sabi nito na halatang napipilitan lang.
"Apology accepted. But my dad is not a monster," Colbie said.
"Of course, Colbie. Your dad is a human not a monster. Let's go it's time for your snack," inaya ko na itong umalis. Pero bago 'yon may ibinulong muna ako sa yaya ni Tommy. "Halatang napipilitan ka lang mag-sorry sa bata, ha. Pero sa susunod na ulitin mo pa 'yon, sisiguraduhin ko na mag-sisisi ka. Turuan mo ng maayos iyang alaga mo, ha." Saka ko inakay paalis si Colbie.
I can see in her face na nagpipigil siya ng inis, at the same time natakot din. Tsk! Pasalamat siya kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Unang araw ko palang bilang yaya ni Colbie. Hindi ko pwedeng ipakita ang tunay na ako.
Let's just call it a day. Sana lang sa mga susunod na araw, wala na akong ma-encounter na susubok sa pasensya ko.
Pagtapos ng klase ni Colbie sinundo na kami ng driver.
Pag-kauwi sa bahay binihisan ko siya at tinulungang gumawa ng assignments niya.
Ginawan kami ni Manang Ludy ng meryenda at habang kumakain, tinatanong niya ako ng mga bagay-bagay tungkol sa 'kin. Kailangan kong mag-ingat na may masabi ako na hindi niya dapat malaman.
Kinagabihan, pagkatapos maghapunan nilinisan ko na at binihisan si Colbie. Nakatulog na siya pero wala pa ang daddy niya. Mukhang sanay na naman ito sa set up nila ng ama. Dahil hindi na ito nag-attempt na hintayin ito.
Hay...ito ang unang gabi ko sa bahay na 'to. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa bagong mundo na gagalawan ko. Kasama ang mga tao dito.
I turn off the light and sleep.