Sebastian
Late na ako nakauwi kagabi. As usual. Hindi ko na naabutang gising ang mga tao sa bahay.
Over breakfast ko na lang tatanungin si Manang about sa bagong yaya ni Colbie.
"Kumusta naman po 'yung tagapag-alaga, Manang?" tanong ko rito habang naglalagay ng pagkain sa plato.
"Okay naman, hijo. Maayos naman siyang mag-alaga. Mabait, kahit na tahimik. Mukha ngang gustong-gusto na agad siya ni Colbie," sagot ni Manang Ludy.
"Gano'n ba, Mabuti naman po kung gano'n. Hindi ba siya sasabay mag-breakfast? Colbie, where's your yaya?" baling ko rito.
"She said that she'll going to prepare my school things," sagot nito.
"Maaga siyang magising. Kaya maaga rin siyang mag-breakfast," Manang Ludy.
"Okay. Colbie, how's your school?" During breakfast ko lang siya nakakasama. Kaya ito lang ang chance to know what's happening to him. Minsan nga nagmamadali pa ako sa pag-alis dahil sa mga meetings.
"Inaway ulit ako ni Tommy. He said that you're a monster," inosenteng sagot nito.
"Ano?!" Medyo napalakas ang boses ko. Lokong bata 'yon, ah. "He said that?"
"Yeah. But yaya tell him not to do that again. And he said sorry. His yaya also," kwento pa nito.
"Manang, I need to talk to her. Pakisabi na kakausapin ko siya. Ikaw na muna ang mag-asikaso kay Colbie."
"Sige hijo. Tatawagin ko lang siya sandali. Colbie, finish your food na, ha," bilin dito ni Manang bago umalis.
"Yes, Manang Ludy," masiglang sagot ni Colbie rito.
Mukhang may kakaiba sa kanya ngayon. Magana siyang kumain at masigla.
Bago ako pumunta ng opisina kinausap ko muna sa study room ang yaya ni Colbie.
At kwinento niya ang nangyari sa school ni Colbie. With serious expression in her face.
"Bakit hindi mo sinabi sa teacher nila ang ginawa ng batang 'yun at ng yaya niya sa anak ko?" tanong ko rito pagkatapos.
"Nag-sorry na sila at mukha namang wala na silang balak ulitin pa ang ginawa nila. Kaya hindi ko na pinalaki ang nangyari. Pinagsabihan ko na rin sila. I just give them a warning. Kapag inulit pa nila 'yon, bahala ng umaksyon ang school. Sigurado naman na hindi gugustuhin ng babae na 'yon na mawalan siya ng trabaho." Napatulala ako sa kanya habang nagsasalita siya.
I just give them a warning.
Parang hindi yaya ang kaharap ko sa paraan ng pagsasalita niya. Parang hindi suya ordinaryong tao. There's something strange sa babaeng ito.
"Pero kung gusto mong magreklamo sa teacher niya o sa school, it's up to you, sir," dagdag pa nito.
"No. I have no time for that. Just make sure na lang na hindi na mauulit 'yon." 'Yun na lang ang nasabi ko.
"Sige po. Pwede na ba akong umalis? Baka ma-late sa klase niya si Colbie."
"Yes. You may go." Lumabas na ito ng study room. Naiwan ako na napapaisip.
She seems so mysterious.
Nahihiwagaan talaga siya sa tagapag-alaga ng anak niya.
Luisa
Pagkatapos kong dumaan sa interrogation ng daddy niya. Umalis na kamu ni Colbie for his school.
Mabuti naman walang nangyaring katulad ng kahapon. 'Yung yaya 'nung Tommy, mukhang ilag sa 'kin. Well, dapat lang dahil hindi siya uubra sa akin.
Mas maaga ang uwian nila Colbie ngayong araw. Kaya pagkauwi namin ng bahay, pagkatapos niyang magpalit ng damit. Nag-aya ito sa garden para maglaro.
"Wow! Ate Lui, you know how to play uno cards? And you also know the lego characters?" amazed na tanong ni Colbie.
"Yeah. Napanood ko kasi 'yung movie. Tsaka, I love to play uno cards with my friend's son. Ikaw, ano ang favorite toy mo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Kapag bata ang kaharap ko, lalo na't cute at mabait natutuwa ako at nakakalimutan ko ang mga problema ko.
"I love to build things that's why I like lego." bibong sagot ni Colbie. Buti hindi namana nito ang pagiging suplado ng ama niya. Palagi itong nakangiti 'di tulad ng ama niya na laging seryoso o nakasimangot.
"Wow! Maybe you can be an architect or engineer someday. Wait, hindi ka pa nag-mimiryenda 'di ba? Sandali lang ikukuha kita ng pagkain sa kusina. Dito ka lang, ha," bilin ko bago tumayo para kumuha ng miryenda.
"Yes, Ate Lui," sagot nito habang abala sa paglalaro ng lego.
Nag-punta ako ng kusina at gumawa ng ham sandwich for Colbie. Kumuha na rin ako ng fresh orange juice sa ref. para sa aming dalawa.
Pagbalik ko sa garden, wala na si Colbie sa kinaroroonan niya kanina.
Inilapag ko sa mesa ang hawak ko at hinanap ko agad siya sa paligid at nakita ko siyang karga ng isang lalaki na papalabas ng gate?
Alam kong hindi ito ang daddy niya kaya mabilis akong tumakbo para habulin ito.
"Hoy! Bitiwan mo ang alaga ko! Ibaba mo siya kung ayaw mong magsisi!" sigaw ko.
Agad naman itong huminto at humarap sa direksyon ko.
Wala akong inaksayang oras. Kinuha ko ng mabilis sa kanya si Colbie saka ko siya pinatikim ng isang flying kick.
"Ouch! What the!" Sapol siya sa baba na ikinatumba nito. "Sino ka?! Bakit mo ako sinipa?" Hah! Nakuha pa nitong magtanong.
"Ikaw ang sino! At bakit hindi kita sisipain, ha? Kikidnapin mo ang alaga ko! Manang! Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ko para makuha ang atensyon nila Manang Ludy.
"Ano?! Ano'ng pinagsasabi mo?" nagtataka nitong tanong.
Magsasalita pa sana ako nang magsalita si Colbie na karga-karga ko.
"Ate Lui, you said that is wrong to hurt people. Why did you hurt Tito Gino?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
"Tito?! Kilala mo siya?" nagtataka kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Siya namang labas ni Manang Ludy at nang isa pang kasambahay na si Tina at ang driver na si Mang Edgar.
"Lui, Ano'ng nangyayari?" Manang Ludy asked.
"Bakit tatawag ng pulis?" Tina asked too.
"Sir Gino, ano po ang nangyari sa inyo?" nagtatakang tanong dito ni Mang Edgar. Saka ito tinulungang tumayo.
Ops! Mukhang umatake na naman ang pagiging impulsive ko.
Sebastian
Maaga na naman akong umuwi ng bahay. Napapadalas yata ang uwi ko ng maaga this past few days.
And this time, it is because of Gino. My bestfriend na kababalik lang from States.
Nasa sala kami ngayon, Gino is beside me. While Colbie's Nanny is infront of us.
"Sorry, Sir. Hindi ko alam na bisita niyo pala siya. Nag-panic kasi ako 'nung nakita ko siya na karga niya si Colbie palabas ng gate," Lui said. Nakayuko ito habang nagsasalita.
"It's okay. Pero sa susunod, 'wag kang pabigla-bigla ng kilos," I said looking at her.
"Paano kung totoong kidnapper pala siya? Kung hindi ako kumilos agad baka nakidnap na si Colbie," katwiran nito.
"May point siya roon, dude. Pero mukha ba akong kidnapper?" tanong ni Gino sa akin.
"Tsk! Sabi ko naman kasi saiyo sa opisina ka na lang dumiretso 'di ba? At tama bang bitbitin mo ang anak ko ng walang sabi-sabi sa mga tao rito sa bahay?" balik tanong ko sa kanya.
"Oo na. My fault. Na-miss ko lang kasi si Colbie. Excited akong ibigay sa kanya 'yung mga pasalubong ko na nasa kotse. Hindi ko naman alam na
magaling palang manipa ang yaya niya." Saka nito ibinaling ang tingin kay Lui.
Nag-anggat naman ito ng tingin at...
"Pasensya na, Sir Gino. Hindi ko po sinasadya na masaktan kayo."
"It's okay. Pero saan ka natutong manipa ng gano'n? Tsaka ang bilis mo, ha," amazed na sabi ni Gino.
Napatingin din ako kay Lui habang hinihintay ang sagot nito.
"Ahm... Wala lang. Adrenaline rush lang po siguro 'yon," sagot nito sa blangkong ekspresyon ng mukha.
"Ahhh... Gano'n ba? Ang galing mo, ha. Mukhang secured saiyo ang inaanak ko," nakangiting sabi ni Gino. Mukhang umiiral na naman ang pagkababaero nito, ah.
"Okay, Atleast now kilala mo na si Gino. The next time na bibitbitin niya si Colbie hindi mo na siya mapagkakamalang kidnapper. You may go now, Lui," I said.
"Sige po. Pasensya po ulit." Tumayo na ito at nagpunta ng kwarto ni Colbie.
Nakita ko si Gino na sinundan ito ng tingin.
"Ang strange naman niya. Saan mo naman nakuha ang yaya ni Colbie?" I can see curious siya kay Lui.
Ako rin naman, eh. There's really something strange about her.
"Sa agency. Kamusta naman 'yang panga mo?" Napansin ko medyo nag-pasa ito.
"Ito medyo masakit. Infairness malakas siya, ha." Sabay himas nito sa nasaktang bahagi ng mukha nito.
"I will tell Manang Ludy to give you a cold compress. Para hindi mangitim 'yang pasa mo. Magpapahain na rin ako ng hapunan." Tumayo na ako para pumunta ng kusina.
"Thanks, dude. Puntahan ko lang si Colbie, ha. Siguro naman hindi na ako masisipa ulit," biro nito saka umakyat na ng hagdanan.
Habang naghahapunan kami tahimik lang na inaasikaso ng yaya niya si Colbie. Habang si Gino maingay na nagkukwento sa mga nangyari sa kanya sa states.
Tama si Gino. She is so strange. Madalas na blangko at seryoso ang expression nito. Ngumingiti lang ito kapag si Colbie ang kaharap o kausap. Maayos naman ang background nito, base sa mga dokumento na ipinadala ng agency. Pero may kakaiba talaga sa kanya, eh. At 'yung ginawa niya kay Gino, hindi 'yon magagawa ng isang ordinaryong yaya o babae. Well, as long as hindi siya masamang tao wala na akong pakialam. Sana lang ligtas nga talaga sa kanya ang anak ko.