Luisa
Sa mga sumunod na araw, nakasanayan ko na ang bago kong daily routine sa bahay na ito.
Ang asikasuhin si Colbie mula paggising nito sa umaga hanggang sa pagpasok nito sa eskwela. At maging sa pag-uwi namin dito sa bahay nila.
Mabait naman na bata si Colbie, kaya hindi ako nahihirapang alagaan siya.
Mukhang kulang lang talaga siya sa atensyon. Dahil ama na nga lang ang meron siya. Wala pang oras sa kanya. Puro trabaho ang inaatupag nito.
Ako, ulila sa ama at ina. Pero kahit kailan hindi ipinaramdam sa akin ni lolo na nag-iisa ako. Kaya mahal na mahal ko siya.
Samantalang si Colbie naturingang may ama pa pero parang wala rin naman. Buti masayahin pa rin ito sa kabila ng kakulangan.
But now that I'm here, I will make sure na hindi niya na mararamdaman na nag-iisa siya. Pwede naman siguro na ako ang magpuno ng kakulangan sa buhay niya. Kahit bilang yaya niya lang.
Tulad ngayon, wala siyang pasok sa school. Kaya, I decided na ipasyal siya.
"Where are we going, Ate Lui?" inosenteng tanong nito habang inaayos ko ang polo shirt na isinuot ko sa kanya.
"Hmmm... Somewhere na siguradong magugustuhan mo," nakangiting sagot ko.
"Really? I'm excited!" tuwang-tuwang sabi nito.
"Mukha nga. Hindi ka ba ipinapasyal ng daddy mo?" tanong ko kay Colbie saka siya ibinaba sa kama. “Wear your shoes na."
Sumunod naman ito sa sinabi ko. "Hindi po ako ipinapasyal ni daddy. He's always busy," malungkot ang ekspresyong sabi nito.
"Don't worry. Ipapasyal ka lagi ni ate Lui!" cheerful na sabi ko para maalis ang lungkot niya.
"Talaga? Thanks, yaya!" Medyo nagulat pa ako nang bigla itong yumakap sa'kin.
"You're welcome. Hurry up! Para makaalis na tayo." Tinulungan ko na siya sa pagsusuot niya ng sapatos.
Maya-maya pa, we are ready to go na. Nagpaalam lang ako kay Manang Ludy na ipapasyal ko si Colbie. Pumayag naman siya. Basta ingatan ko lang daw ang bata. Alam niya rin naman kung gaano ka-excited si Colbie.
Lalo na nang marating na namin ang lugar na tinutukoy ko.
"Star City? Wow! I like it here. Thanks, ate Lui!" Masaya at super excited na yumakap sa akin si Colbie.
"You're welcome! Enjoy the day. Let's go!" Inaya ko na siya sa isa sa mga rides na pwede niyang sakyan.
Today, I will make sure na ma-e-enjoy nito ang pagkabata nito.
And maybe I can use this oppurtunity para mag-enjoy rin at mabawasan ang pagka-miss ko kay Lolo.
Sebastian
Another hectic schedule na naman. As usual. Pero ang kaibahan lang may nang-iistorbo sa akin ngayon.
"Wala ka na naman bang magawa? Kaya nang-iistorbo ka na naman dito?" tanong ko ng hindi humaharap kay Gino. Patuloy lang ako sa ginagawa ko sa laptop.
"Ikaw na workaholic. Wala naman kasi akong ibang mapuntahan. Makikipaglaro na lang sana ako kay Colbie. Kaso wala naman siya sa bahay niyo."
Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ni Gino.
"Wala si Colbie sa bahay?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo alam? Sabi ni Manang Ludy umalis daw sila ng yaya niya." Nagtaka rin si Gino sa tanong ko sa kanya.
"I need to call Manang Ludy." I reached the phone and dialed the phone number at home.
"Lagi kang busy dito sa opisina. Kaya hindi mo na naaasikaso ang anak mo," Gino said.
"Kaya nga kumuha ako ng yaya 'di ba? Para may mag-aalaga na sa kanya. Pero wala sa usapan na ilabas niya si Colbie ng walang paalam." Hinihintay kong sagutin ang tawag ko sa bahay.
"Well, maybe she is trying na punan 'yung pagkukulang mo kay Colbie," Gino said.
"What?" Medyo napalakas ang boses ko sa sinabi ni Gino. "Oh, hello Manang? I heard na lumabas si Lui kasama si Colbie. Saan sila nagpunta? Bakit hindi muna ipinaalam sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko nang magsalita sa kabilang linya si Manang.
"Pasensya na hijo. Alam kasi ni Lui na busy ka kaya hindi na siya saiyo nagpaalam. Pero nagpaalam naman siya sa akin. Sa star city niya lang daw ipapasyal si Colbie. Nangako rin siya na iingatan niya si Colbie," paliwanag ni Manang.
"Okay. Tell her to call me pagkabalik nila sa bahay." Kumalma na ako dahil hindi ko naman pwedeng ibaling kay Manang Ludy ang galit ko.
"Sige hijo. Sasabihin ko pagbalik nila," Manang Ludy said.
"Sige po. Bye!" Then binababa ko na ang telepono. "I need to talk to her later."
"Well, para sa akin,okay lang naman 'yung ginawa niya. Atleast mag-e-enjoy si Colbie," Gino said again.
"But she did it with out my approval," inis na sabi ko.
"Because you're busy. Know what? She is really different," Gino commented.
"I know. And I need to talk to her." Saka ko ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Oh, c'mon bro! Give yourself a break. Lumabas naman tayo," Gino said na mukhang hindi ako tatantanan.
"Some other time. Marami akong ginagawa." Wala rin akong balak magpaistorbo sa kanya.
"Tutal wala naman akong pupuntahan ngayon. Kaya hihintayin na lang kita." Saka ito prenteng naupo sa couch, sa receiving area ng opisina ko. Habang busy sa pagkalikot sa cellphone niya.
Tsk! Mukhang wala talaga siyang balak na umalis.
Kaya ang ending, napilitan na lang akong sumama sa kanyang lumabas at magpunta sa bar.
Luisa
Gabi na kami nakauwi ni Colbie. At pareho kaming nag-enjoy ng sobra sa Star City.
It seems na ngayon niya lang naranasang mag-enjoy sa isang amusement park.
Sinakyan niya ang lahat ng rides na pwede niyang sakyan. 'Yung mga pambata lang siyempre.
We ate cotton candy, hotdog on a stick, ice cream, etc.
Ang sarap pakinggan ng tawa niya. At ang sarap din sa pakiramdam na napasaya ko siya.
Pareho kaming napagod kaya hindi ko namalayan na sa kwarto niya na rin pala ako nakatulog.
Sebastian
Tsk! Nang dahil sa kakulitan ni Gino. Sobrang late na tuloy ako nakauwi ng bahay.
Ngayon na lang ulit ako nakapag-unwind.
Well, thanks to him na rin. Kahit paano na-relax ako.
This past few days kasi sunod-sunod ang naging meetings ko.
Papunta na ako sa kwarto ko nang madaanan ko ang kwarto ni Colbie.
Hindi ko pala nakausap ang yaya niya. At hindi ko na rin nalaman kung anong oras sila nakabalik ng bahay.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na ko ng pinto ng kwarto ng anak ko.
Aminado naman ako na malaki ang pagkukulang ko sa kanya.
Pero kahit gano'n mahal ko pa rin siya. Dahil anak namin siya ni Colleen.
I still care for him. Kaya hindi ko siya dapat basta ipagkatiwala sa yaya niya.
We need to talk tomorrow to clear some things.
I slowly open the door and I'm not expecting, kung ano ang tumambad sa akin.
His yaya is beside him. Habang ang anak ko naman ay tulog na tulog na nakayakap dito.
Tama ba ang nakikita ko? Colbie is smilling while sleeping?
And with what I saw, may biglang nag-flashback sa utak ko.
It is Colleen sleeping with Colbie when he is one year old.
With that naramdaman ko ulit 'yung sakit sa dibdib ko.
Agad kong sinara ang pinto. At imbes na sa kwarto, sa wine bar ng bahay ako dumiretso.
Hindi ako masyadong uminom kanina sa bar na pinuntahan namin ni Gino. Pero ngayon mukhang kailangan kong lunurin sa alak ang sarili ko. Para lang makatulog.
Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. Paano ba naman, naubos ko yung isang bote ng wine.
May importante pa naman akong i-mi-meet na bagong investor ngayong araw.
Kaya pinilit ko ang sarili ko na bumangon. Pagkagaling ko sa banyo bumaba na ako sa kusina para mag-almusal. Kape lang ang katapat nito.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa dinning room, dinig ko na ang boses ni Colbie.
Masaya itong nagkukwento tungkol sa pinuntahan nila kahapon ng yaya niya.
Oo nga pala, kakausapin ko pa ito.
Palapit na ko sa kinaroroonan nila ng bigla akong mapahinto.
That scene.
Masayang nagkukwento si Colbie. Habang nakangiti siyang inaasikaso ng yaya niya.
Bigla na namang may nag-flashback sa utak ko...
"Okay, baby. Gusto mo bang ipasyal ka ni mommy at daddy sa park? You have to finish your food first. Oh,say ah. Very good." It was Colleen habang masayang pinapakain si Colbie.
What's happenning to me?