Chapter 7: She's Strong.

2280 Words
Luisa Dapat na yata akong masanay na palagi akong haharap sa interrogation process ng daddy ni Colbie. Tsk! Gusto niya yatang maburo dito sa bahay 'yung anak niya, eh. Itutulad pa sa kanya na boring ang buhay. Bahay at opisina lang. Gusto ko lang naman na mag-enjoy 'yung bata. Tapos sermon lang ang aabutin ko sa kanya. Hmp! Killjoy. Ano kayang pinagdaanan 'non. Parang ang laki ng galit sa mundo, eh. Mukha namang halos kaedad ko lang siya. Baka may kinalaman ang mommy ni Colbie kaya gano'n ang daddy niya. Mula nga pala nang mag-stay ako dito, wala pa akong naririnig tungkol sa kanya. Mukhang iniiwasan nilang mapag-usapan. Well, ano nga bang pakealam ko 'di ba? Kaya naman ako nandito ay para alagaan si Colbie. Kaya hindi ko na dapat iniintindi 'yung ibang bagay sa bahay na ito. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Colbie. "Ate Lui, pinagalitan ka po ba ni dad because of me?" tanong nito while looking at me. Tinabihan niya ako sa swing chair na nasa garden. "Of course not! Pinagalitan niya ako kasi hindi ako nagpaalam na isasama kita," nakangiti kong sagot sa kanya. "So, hindi na po tayo babalik ulit sa Star City?" malungkot na tanong ulit nito. "Pwede pa naman. Kapag pinayagan tayo ng daddy mo. Nag-enjoy ka ba roon kahapon?" Well, papayag naman siguro siya kapag nagpaalam ako. "Opo. I really have fun yesterday. Kaya sana makapunta tayo ulit," hopeful na sabi nito. "Malay mo naman payagan tayo ng daddy mo. Pero for now dito muna tayo mag-enjoy sa bahay. Ano bang pwede nating gawin?" Kailangan kong mag-isip para hindi siya malungkot. "We are going to play, ate Lui?" Colbie asked. "Yes, Colbie," sagot ko. "What are we gonna play? How about lego or uno cards? Or chess and scrabble?" suggest pa ni Colbie. "No, Colbie. May alam akong mas exciting na laro." May bright idea akong naisip. Masyadong seryoso ang chess at scrabble. Dapat na eenjoy niya rin ang outdoor games. Kaya ang naisip kong laro ay... "Lakasan mo ang sipa mo, Colbie! C'mon! You are a boy. Dapat strong ka!" cheer ko, habang hinihintay ang pagsipa nito sa bola. Ano ang naisip kong laro? Football lang naman. "Okay, ate Lui!" Colbie shouted. "Go! Kick the ball, Colbie!" sigaw ko rin. Sinipa niya ng buong lakas niya ang bola. At ayon sapol ang isang mukhang mamahaling vase. Basag! "Yehey! I kick the ball! Ang galing ko, ate Lui!" Nagtatalon pa ito sa tuwa. "Ang galing mo nga." Napatawa na lang ako ng alanganin. At gaya nga ng inaasahan ko, ipinatawag na naman ako ng daddy ni Colbie nang malaman nito ang nangyari sa base. "Pasensya ka na Lui, ha. Kailangan talagang malaman 'yon ni sir. Bago pa siya ang makakita," hinging paumanhin ni Tina sa akin. "Okay lang. Naiitindihan ko. Tsaka kasalanan ko naman talaga, eh." Hindi talaga ko galit kay Tina. Pero sa amo namin medyo inis ako. Bakit? Flashback... "Alam mo ba na galing pa sa ibang bansa ang base na 'yon?" seryoso at halatang galit na tanong nito. "Hindi po," seryoso rin na sagot ko. Nakita ko na lalong kumunot ang noo niya sa sagot ko. Eh, sa hindi ko naman talaga alam, ah. "So, hindi mo rin alam na mahal 'yon? Pero alam mo naman siguro na ibabawas ko sa sweldo mo ang halaga ng nabasag na base." Patuloy nito na agad kong kinontra. "Bakit? Hindi naman ako ang nakabasag, ah. Si Colbie ang sumipa sa bola hindi ako," palag ko sa sinabi niya. Totoo naman 'di ba? Kaya hindi ako ang nakabasag sa mamahaling base na 'yon. "Who told him to play football sa garden? kung saan may mga babasaging vase? Ikaw 'di ba? Don't worry hindi ko ibabawas nang biglaan sa sweldo mo 'yon. I-de-deduct ko lang ng pa-unti unti." He managed to stay calm kahit halatang galit siya. "Sino ba kasi ang matinong maglalagay ng mamahaling base sa garden," sarcastic na sabi ko. "I don't like that attitude Ms. Cruz. 'Wag mong kwestyunin ang mga bagay-bagay sa lugar na ito. Matuto kang lumugar!" Ops! Mukhang sagad na ang pasensya niya. "Sorry. Per—." "Makakaalis ka na!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinalikuran niya na ako. End of flashback. Tsk! Ng dahil lang sa isang vase nagagalit na siya ng sobra. Ang babaw! Ano ba ang meron sa vase na 'yon? Para sa akin kasi wala namang espesyal 'don, eh. Sebastian Nakakainis! I'm trying so hard not to burst. Pero she is provoking me. Ang lakas ng loob niyang sumagot-sagot sa akin at mangatwiran. That vase is not just ordinary vase. Bukod sa galing pa iyong ibang bansa, si Colleen ang pumili ng mga 'yon. Kaya para sa akin, hindi lang basta-basta ang vase na 'yon. That vase is one of the memories that Colleen left. Siya rin ang may gusto na ilagay doon ang mga vase na 'yon. At ngayon, wala na. Nang dahil sa babae na 'yon. Bakit ba kasi naisipan niyang paglaruin ng football ang anak ko, eh. I have to calm myself. Wala na akong magagawa. Hindi na maibabalik ang vase na 'yon. Kailangan kong bantayan ang kilos ng yaya ni Colbie. Mukhang nagiging sakit siya sa ulo. At hindi nga ako nagkamali. It's sunday. At kapag ganitong araw kapag wala akong appointment, sa study room o library lang ako nag-i-stay. Reviewing some documents and other things sa kompanya. At nagambala ako ng isang malakas na tunog mula sa nabasag na salamin. Agad akong bumaba sa first floor ng bahay para tignan kung ano ang nabasag. "Manang Ludy! Manang, ano po 'yung nabasag?" sigaw ko habang pababa ng hagdan. "Naku! Hijo, nabasag iyong sliding door sa may pool area." Sinalubong ako ni Manang sa may unang baitang ng hagdan. Halatang worried ito. I need to calm myself again. Ayokong magalit. "What happen, Manang?" mahinahon kong tanong. "Ahm...Hijo, hindi naman sinasadya ni Lui at Colbie." Kilala ako ni Manang kaya mukhang tinitimbang niya kung paano sasabihin sa paraan na hindi ako mabibigla sa malalaman ko. "Hindi sinasadyang mabasag ang glass door? Tell me Manang. Anong ginawa nila this time?" Hinga ng malalim Sebastian. "Medyo napalakas yata iyong hagis ni Lui sa freesbie, hijo. At tumama ito sa sliding door," alanganing sabi ni Manang. Napakunot ang noo ko sa narinig ko. "Freesbie?!?" Curious na pumunta ako sa may pool area. At nakita ko si Colbie na lumalangoy sa pool habang ang yaya nito ay dinadampot ang mga nabasag na piraso ng salaming sliding door. Napatingin ako sa freesbie na nasa may paanan nito. Paanong nabasag ang makapal na salamin ng dahil lang sa freesbie na gawa sa plastic? "Naku! Malalagot ka na naman nito kay Sir. Sabihin mo nga, Lui. Bakal ba iyang kamay mo? Paanong nabasag ang salamin ng dahil d'yan?" tanong ni Tina sa yaya ni Colbie. Sabay turo sa freesbie na katabi nito. "He...he... Hindi ko rin alam, eh. Baka naman hindi talaga gano'n katibay ang salamin na ito. Ano kaya baka may lamat na. Kaya madaling nabasag," alanganing sagot nito. "Hindi ko alam. Mabuti pa walisin na lang natin iyan. Baka masugatan ka pa." Tumayo na si Tina. Para siguro kumuha ng walis. Pero hindi pa ito nakakalayo ay nagkatotoo na ang sinabi nito. "Ow!" Tipid na react ng yaya ni Colbie. Nasugatan nga ito sa kamay dahil sa nabasag na salamin. "Sinasabi ko na, eh. Ayan! Nasugatan ka na," wika ni Tina. "Wala ito." Parang wala lang dito ang sugat sa kamay. "Tina, kumuha ka na ng walis. Ikaw na ang mag-alis ng mga bubog." Lumapit na ako sa kanila. "Sir! O-opo." Tumalima na ito. "Gamutin mo na 'yang sugat mo. Mag-uusap tayo." Baling ko sa yaya ni Colbie. "Ahm... Pasensya na po, Sir. Hindi ko sinasadya. Bibihisan ko muna si Colbie." Tumayo na ito at naglakad papunta kay Colbie. Parang hindi man lang nito ininda ang sugat sa kamay nito. "Colbie, tama na 'yan. Let's go, paliliguan na kita." Tawag nito kay Colbie na agad namang lumapit dito. "Ate Lui, are you okay? Your hand is bleeding." Pansin ni Colbie sa kamay nito. "Wala ito. Hindi naman masakit. Maliit lang na sugat. Let's go," aya nito kay Colbie. "Okay." Colbie. Binuhat nito si Colbie at huminto ng tumapat na sa kinatatayuan ko. "Paliliguan ko lang po at bibihisan si Colbie, Sir. Pupunta na lang po ako sa study room pagkatapos." Saka ito tuluyang pumasok ng bahay na karga si Colbie. Nasundan ko na lang ito ng tingin. "Ibang klaseng babae talaga si Lui. Parang napakalakas niya. Tina, ikaw na ang maglinis ng mga bubog. Ipapatawag ko ba ang mag-aayos ng sliding door, hijo?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Manang. "Opo. Sabihin niyo na lang sa akin kung magkano ang magagastos. Ikakaltas ko sa sweldo ng yaya ni Colbie. At papuntahin niyo siya sa study room," bilin ko bago ako pumasok ng bahay. "Sige, hijo," pahabol na sagot ni Manang. Bumalik ako sa study room na napapaisip. Luisa Strike two? Una 'yung base. Pangalawa, 'yung salaming sliding door naman. Tsk! May suswelduhin pa kaya ako? Pupunta na dapat ako sa study room para humarap na naman sa interrogation. Pero sabi ni Manang mamaya na lang daw dahil may bisita ang daddy ni Colbie. Kaya dito muna ko sa may veranda malapit sa study room nag-stay. Timing naman na nag-ring ang phone ko. Si Myton ang tumatawag. "Hello...? Napatawag ka?" "I miss you, friend! Kamusta ka na diyan?" Masiglang bungad nito. "Hindi masyadong okay. Bukod sa nami-miss ko na si Lolo. Naka-strike 2 na ako rito," I said referring to those incident. "Don't worry about your Lolo. He's okay naman. But wait, anong strike two?" Halata sa boses nito ang pagtataka. "Well, nakabasag ako ng vase at kanina lang salaming pintuan naman," walang ganang sabi ko. "What?!? What happen ba, ha?" Myton asked. Kwinento ko sa kanya kung paano nabasag ang mga nabanggit ko. "My gosh, Lui! You have to control your force. Kung ayaw mong mabuking ka nila, kung sino ka talaga!" Inaasahan ko na ang sermon niya. "I know. Aksidente lang naman 'yon, eh. Kaya lang baka wala na akong swelduhin. Dahil ibabawas niya raw ang mga nabasag ko. At mamaya haharap pa ko sa interrogation niya." Naiinis na ko ngayon pa lang. "Serves you right. Bakit kasi hindi mo mapigilan ang sarili mo, eh. Magpakamahinhin ka nga!" Myton. "Tsk! You know na hindi ako gano'n. At ikaw rin naman!" I rolled my eyes sa sinabi niya. Ew! Magpakamahinhin? That's weak. No way. "Atleast ako jolly lang, no. Kung kailangan mo ng pera sabihin mo lang sa akin, ha." That's Myton. She's always there for me. "Yeah right, Ms. Jolly. Thanks in advance. Huh?" Natigilan ako nang may marinig akong kaluskos sa likuran ko. "Why?" Naramdaman ni Myton ang biglang pagkaalerto ko. "Myton, I call you na lang mamaya. I have to hang up na!" Paalam ko rito habang pinakikiramdaman ang paligid. "Sige. Be careful, ha. Takecare. Bye!" Nawala na ito sa linya. Pinakiramdaman ko ang paligid. Pagabi na at medyo madilim na rin. May narinig ulit akong kaluskos sa likuran ko at nang ramdam ko ng malapit na ito... "Ouch! Hey! It's me!" Nakangiwing mukha ng kaibigan ng daddy ni Colbie ang nakita ko. "S-Sir Gino?!? Sorry!" agad kong binitiwan ang braso nito, na pinilipit ko. "What happen?" Nakalapit na sa kinaroroonan namin si Sir Sebastian. "Woah! You are really strong, Lui. Ikaw lang yata ang babaeng nanakit sa akin. At ang lakas ng pakiramdam mo. Ang bilis mo! Napilipit mo agad ang braso ko." It's Sir Gino na mukhang amused pa habang hawak ang nasaktang braso nito. "Sorry po talaga. Akala ko kasi kung sino nang nakapasok ng bahay." Iniiwas ko ang tingin ko sa nanunuring mga mata ng daddy ni Colbie. "Don't worry. Okay lang. My fault din naman. Kasi gugulatin dapat kita kanina," nakangiti pang sabi nito. Smilling face. 'Di tulad ng kaibigan niya na laging busangot ang mukha. "Lui, asikasuhin mo muna si Colbie. Mamaya na kita kakausapin. Gino, let's go." Saka nauna na itong maglakad paalis. "Sige, bro. Bye, Lui!" nakangiting paalam ni Sir Gino at kumaway pa bago sumunod sa kaibigan nito. "Hay... Strike 3, I guess? Baka mahalata niya na ako." Napahinga ako ng malalim. Saka pumunta sa kwarto ng alaga ko. Sebastian Inihatid ko sa labas si Gino saka ako pumunta sa kwarto ni Colbie. I really need to talk to his Nanny. Hindi basta-basta ang mga nagagawa niya. There is something strange about her. And I need to know it. I was about to open the door nang marinig ko mula sa loob ang hagikhik o tawa ni Colbie. Ibinukas ko ng konti ang pinto. At sumilip dito. Nakita ko na kinikiliti si Colbie ng yaya niya. "Mukhang maba-banned na tayo sa garden at pool area. Kaya dito na lang tayo sa kwarto mo maglaro. And'yan na ko... Run Colbie! Run!" It's Lui habang hinahabol si Colbie. "Ahhhh!!! Ate Lui! Your strong. I have no match to you in wrestling!" sigaw ni Colbie habang tumatakbo. "Kaya 'wag kang papahuli sa akin. Dahil kikilitiin kita. Ayan na ko!" Hinahabol pa rin nito si Colbie at kapag nahuli, kikilitiin. "Stop it, ate Lui!" I can see that Colbie is enjoying playing with her.Tawa ito ng tawa. And again, I saw Colleen. Habang nilalaro at kinikiliti nito si Colbie, noong isang taon pa lang ito. And now, ang yaya na ni Colbie ang gumagawa nito. And what the heck! Did he mention the wrestling a while ago? Sino o ano ba siya, bago siya ipinadala ng agency para maging yaya ni Colbie? Is she really harmless or what?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD