Chapter 8: Surprise Visit

1558 Words
Sebastian Hindi ako kumbinsido sa mga sinabi ng yaya ni Colbie nang kausapin ko siya. Flashback... "Those traits na nakita namin saiyo this past few days. Paano mo 'yon maipapaliwag?" tanong ko rito nang mag-usap kami sa study room. "Ano po ang ibig niyong sabihin, sir? Hindi ko kayo maintindihan," walang emosyong tanong nito. "You're too strong for a girl." Point out ko sa ibig kong sabihin. "Ah...'Yun ba? Ini-expect niyo ba 'yung yaya na lalampa-lampa? It just happen na lumaki ako sa poder ng disiplinary kong lolo. Kaya naging independent ako. At natuto akong maging malakas para sa sarili ko. Don't worry hindi po ako masamang tao. You can ask the agency if you want," mahabang paliwanag nito with confidence. "And the way you talk. Mukha kang hindi basta-basta. Kaya, why you choose to be a nanny?" I ask her while looking at her intently. Pero mukhang hindi man lang siya nai-intimidate. "Nasa papers ko naman po 'di ba? Na nakapag-college ako. Why, nanny? Because, I love kids. Hindi ko kayo masisisi kung paghinalaan niyo ako ng masama. Dapat lang na mag-ingat kayo sa panahon ngayon. Pero trust me. Hindi ako masamang tao," sabi pa nito na seryoso pa rin. End of flashback... Kaya sinadya ko ang agency para makasigurado sa background niya. Pero wala rin naman akong nalamang kakaiba tungkol sa kanya. Nag-aksaya lang ako ng oras. Baka nga napa-paranoid lang ako. Sana nga. This past few days wala naman siyang ginawang kapalpakan. Kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Tahimik na sana ulit ang mundo ko. Not until... "Manang, ano po'ng meron? Bakit ang aga-aga nagkakagulo kayo?" tanong ko rito pagkababa ko para mag-almusal. "Hijo, ang mommy mo dumating kasama ang daddy mo," pabulong na sabi ni Manang Ludy. "What!?! Nasaan sila?" Biglang nawala ang antok ko sa narinig ko. "Nasa may pool area. Kasama sina Colbie at si Lui. Doon sila nagpahanda ng almusal. Pumunta ka na roon para makapag-almusal ka na rin. Kakasimula lang nila. Isusunod ko na lang ang kape mo," Manang Ludy said. "Sige po. Salamat po." So, kilala na nila ang yaya ni Colbie. Nang malapit na ako sa kinaroroonan nila, dinig ko na si Colbie na nagkukwento sa lolo at lola niya. "Mom... Dad... Goodmorning! What a surprise! I don't expect to see you here this early." Humalik ako sa pisngi ni Mommy after saying that. "Goodmorning, son. Ito kasing mommy mo. Ang agang nag-aya. Miss niya na daw si Colbie." Si Dad. "Si Colbie lang? How about me, mom?" Naupo ako sa tabi ni Colbie with his yaya na inaasikaso ito. "Bakit kita mami-miss? E, kami nga hindi mo man lang madalaw. Sabihin mo nga. Kailangan ko bang ipabawi sa daddy mo ang posisyon mo sa kompanya para magkaroon ka sa amin ng oras, lalo na sa anak mo?" Si mommy nagsimula na namang manermon. "Mom, ang aga-aga naman niyan. Can we have breakfast first?" I have to ignore her blah-blah para hindi na humaba pa. "Tama si Sebastian, honey. Let's eat first. Nakakahiya kay Lui sa harapan kayo ng pagkain nag-aaway na mag-ina," Si dad. Mas mahinahon siya lagi kesa kay mom. "Don't mind me po. Colbie, 'yung gatas mo naman ang ubusin mo," baling ulit nito kay Colbie. "Hija, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? C'mon, don't be shy. Feel comfortable to eat with us," Si Mom. Himala! mukhang gusto niya si Lui. "Thanks po. Pero nag-almusal na po kasi ako kanina. Kaya si Colbie na lang po ang aasikasuhin ko. 'Wag niyo na po akong intindihin. Sige lang po kumain lang po kayo," magalang na sabi nito kay Mommy. "You know what, I like you," Mom said. "I like ate Lui, too, Grandma," Colbie. "Really, apo? How about you, Sebastian?" Mom look at me, "Do you like Lui, too?" At nasamid ako sa tanong na iyon. "Ahu! Ahu!" "Oh, hijo are you okay? Here uminom ka ng tubig." Inabutan ako ni dad ng tubig. "Thanks, Dad. What's with the question, mom?" I ask her, pagkainum ko ng tubig. "What? I'm just asking. Hindi mo siya kukuning yaya ng anak mo kong ayaw mo sa kanya 'di ba?" Palusot mode pa si Mommy. Obvious naman na, she meant something sa tanong niya kanina. "May point ang mommy mo, anak," Si Dad. Sinakyan pa ang trip ni Mom. "Actually, I have no choice. Siya ang ipinadala ng agency, eh. I have to accept her," sabi ko ng hindi tumitingin sa isa man sa kanila. I just focus on eating my breakfast. "How rude you are, Son. You are supposedly not saying that in front of her," Saway ni dad sa akin. He is a real gentleman. "H'wag po kayong mag-alala. I don't mind hearing rude words. Tapos na pong kumain si Colbie. Kailangan niya na pong maligo dahil papasok pa siya sa school. Excuse us po," blangko ang ekspresyong sabi nito. "Ah, gano'n ba? Sige go ahead, hija," Dad. "I'll be back grandma and grandpa!" Humalik muna sa pisngi nila Mom and Dad si Colbie bago sumama sa yaya niya. "See? Malayo ang loob saiyo ng anak mo. Wala ka na kasing ibang inatupag kundi ang kompanya." Continuation ng sermon ni Mom. "I'm doing this for the company," I said then start sipping my coffee. "Ang daddy mo napalago ang kompanya noon ng hindi nawawalan ng oras sa atin, remember?" Mom said. "Son, stop using the company as an excuse. It's about time you start living a new life with your son. It's been 4 years. You had enough time mourning at Colleen. Mas magiging masaya siya sa kinaroroonan niya ngayon kung makikita niya na tinatanggap mo na ang pagkawala niya." Napapikit ako sa sinabi ni Dad. "Alam ko na malaki ang pagkukulang ko sa anak ko. Pero Mom, Dad, I still can't accept the fact na kahit kailan hindi ko na makakasama si Colleen." Sabi na nga ba dito mauuwi ang usapan, eh. "You're being unfair to Colbie. Anak, wala na ang asawa mo. Pero ang anak niyo nandiyan pa. Dapat sa kanya mo ibinubuhos ang panahon at atensyon mo," Mom. "But he is reminding me so much of Colleen." Hindi ko na magawang maitago ang emosyon ko. Mas inilabas lang nila yung sakit na pilit kong itinatago. "Sana pala matagal na naming kinuha saiyo si Colbie. Hinayaan namin siya sa poder mo dahil akala namin makakatulong siya para maka-move on ka sa mga nangyari. Pero hindi pala. Kung gano'n kukunin na lang namin siya," Mom said. Napa-anggat ako ng tingin sa narinig kong sinabi ni Mommy. "Hey, honey calm down okay? Mukhang kailangan ng magpalamig ng ulo ng mommy mo. Aalis na kami. Think about it, Son." Inalalayan na ni Dad patayo si Mommy. "Magpapaalam lang ako sa apo ko." Naunang pumasok sa loob ng bahay si Mommy. Obviously, galit na naman siya sa akin. "Hijo, pagpasensyahan mo na ang mommy mo. Nag-aalala lang kami saiyo. Lalo na siya. Nag-iisa ka naming anak kaya mahal na mahal ka namin. At hindi kaya ng mommy mo na nakikita kang nagkakaganyan. We go ahead." Tinapik ni Dad ang balikat ko bago umalis. Napahinga na lang ako ng malalim. What a morning! That's how my day start. Luisa "Actually, I have no choice. Siya ang ipinadala ng agency. I have to accept her." Parang nag-eecho pa rin sa isip ko ang sinabi ng daddy ni Colbie. Hah! No choice siya, kaya niya ako tinanggap? Ang kapal niya, ha. Pasado ako sa qualification kaya ako natanggap. Nakakainis talaga ang ugali niya. Bakit hindi siya nagmana sa parents niya? 'Yung mag-asawa mukhang mabait.'Di tulad ng anak nila. Well, noong una parang kinikilatis ako ng mommy niya. Pero after that mukha namang nakapasa ako sa standard niya. Bilang yaya ni Colbie? Actually, ang weird nga niya, eh. Flashback... Pababa kami ng hagdan ni Colbie para mag-almusal ng bigla itong tumakbo sa may main door. "Grandma! Grandpa!" Agad itong lumapit at humalik sa pisngi ng dalawang matanda. Well, hindi naman sila gano'n katanda. Mukhang nasa early 40's pa lang sila. Pagkalapit nila sa kinaroroonan ko, tinignan ako mula ulo hanggang paa noong tinawag na grandma ni Colbie. "Who are you?" Mala-donyang tanong nito. Magsasalita na sana ko pero naunahan ako ni Colbie. "She is ate Lui, my nanny, Grandma," Colbie. "A nanny? Are you sure of that, apo?" Parang 'di makapaniwalang tanong nito sa apo. "Opo. Yaya po ako ni Colbie. And you must be his grandparents?" Sumingit na ko sa usapan nila. "Yes we are, hija. Nice meeting you, Lui. Gising na ba ang anak namin?" tanong nung grandpa ni Colbie. Mukha siyang mas mabait kesa sa asawa niya. "Pasensya na po. Hindi ko po alam kung gising na siya. Usually po kasi si Colbie ang nauunang mag-almusal," sagot ko. "I see. So, ikaw 'yung taga-pagalaga na sinasabi ni Sebastian. Mabuti pa sabay-sabay na tayong mag-almusal. Tell, Manang Ludy na sa pool area maghanda ng almusal," nakangiti na this time ang ginang. "Sige po. Sasabihin ko po kay Manang." Then pumunta na ko ng kusina. And I can still hear na may mga itinatanong sila kay Colbie. End of flashback... Mukhang may problema talaga ang daddy ni Colbie. Kaya malayo ang loob ng anak dito. At mukhang may kinalaman dito ang mommy ni Colbie. Nasaan nga kaya siya? Bakit walang nababanggit si Colbie o kahit sino sa bahay about her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD