Chapter 9: A Deal

1692 Words
Sebastian Mom really ruin my mood. Bakit ba hindi na lang nila ako pabayaan? Ginagawa ko naman ang trabaho ko sa kumpanya. And I'm trying to be a good father kay Colbie. Hindi ko naman pinababayaan ang mga pangangailangan niya. Pero hindi ko lang talaga magawang mai-attach ang sarili ko sa kanya. He is reminding me so much of his mom. And about Colleen. I'm trying my best din na huwag na siyang masyadong isipin. Alam ko naman na wala na akong magagawa. Hindi ko na siya maibabalik. Actually, this past few days na lang ulit na madalas ko siyang maalala. Because of that girl. And I don't know why. "A penny for your thoughts?" Naputol ang pagmumuni-muni ko at agad akong nagpalingon sa nagsalita. "Ang lalim naman masyado ng iniisip mo. Pumasok na 'ko. Kanina pa kasi ako kumakatok, eh." It's Sabrina, a family friend. "What brings you here?" walang emosyong tanong ko dito. "Ang cold mo naman. Hindi mo ba 'ko na-miss?" Tsk! Obvious na pa-cute. "Why should I? I'm busy. Ano'ng kailangan mo?" Obviously, ayoko sa kanya. Masyadong papansin. "Ang harsh mo talaga! Lumabas naman tayo. Kababalik ko lang from States. Na-miss kong gumala sa Pinas." Hindi nito pinansin ang pagiging cold ko. "I have no time for that. Si Gino na lang ang ayain mo. Nakabalik na rin 'yon from States. At gaya mo wala ring magawa sa buhay," walang gana pa rin na sabi ko. "C'mon, Sebastian! Your just 25. You're too young para magpakasubsob diyan sa trabaho mo. Mag-enjoy ka naman paminsan-minsan. Labas na tayo, please..." 'Di pa rin ito tumitigil sa pangungulit. "I told you, Sabrina. I'm busy. Mas gugustuhin ko pang ubusin ang oras ko dito sa kumpanya. Kesa sayangin diyan sa paglalakwatsang iniisip mo. I don't want to be rude. Pero kung wala kang importanteng sasabihin, makakaalis ka na." Pinipilit kong kontrolin ang sarili. Baka sa kanya ko pa maibuhos ang stress ko. "Hmp! Ang kj mo talaga! Diyan ka na nga? Si Gino na lang ang aayain ko!" Saka padabog itong lumabas ng opisina. "Asar!" Naihilamos ko na lang sa mukha ko ang mga palad ko. Dinagdagan niya lang ang inis ko. Ngayon na nagbalik na siya, mukhang pasasakitin niya lang ang ulo ko. She is Sabrina Monteverde. Ang spoiled brat na socialite. Luisa "Ate Lui, can we play freesbie again after school?" tanong ni Colbie sa akin. Nasa kotse kami papunta ng school. "Hindi pwede, eh. Nagalit kasi ang daddy mo. Nabasag ko kasi 'yung glass door, remember?" nakangiti kong paliwanag sa kanya. Para hindi siya masyadong ma-dissapoint. "Pero hindi mo naman sinasadya 'di ba?" Inosente ulit nitong tanong. "Oo. Pero, it was my fault pa rin. Pwede naman tayong maglaro ng iba, eh. Kahit sa room mo lang." Nagpaka-cheerful ako para ma-convince ko siya. "Maybe you can teach me about those stunts you are doing in your room," Colbie said. "Ha?" Naku! Parang alam ko na kung anong stunt ang sinasabi niya. Minsan kasi kapag may libre akong oras. Pina-practice ko ang martial arts skills ko. Hindi ako pwedeng magpabaya. Hindi porket malayo ako kay Lolo ay ligtas na ako sa mga kalaban niya. Kaya I see to it na nasa kundisyon akong lumaban. Kapag hiningi ng pagkakataon. At mukhang nakita ito ni Colbie, accidentally. "You know what, Ate Lui. I think that's cool. Can you teach me how to do that?" Napatingin ulit ako kay Colbie nang magsalita ito. At napangiti ako ng alanganin. "Maybe. Nandito na tayo sa school niyo. Behave ka, ha. Dapat may three star ka ulit. Kaya galingan mo," sabi ko na lang para ma- divert sa iba ang atensyon niya. "Okay. But you will teach me if I got three star, Ate Lui." Nyaks! Mukhang seryoso siya roon sa stunt thing na sinasabi niya. "O-Okay. Let's go na," sabi ko na lang para tumigil na siya. "Yehey! It's a deal, Ate Lui. I will have three or maybe six star today." Masaya itong bumaba ng sasakyan. Mukhang mapapasubo ako nito, ah. Sebastian Hay... Hindi na ba mauubos ang iistorbo sa akin today? Kanina si Sabrina. Ngayon, si Mommy naman. Hindi pa ba siya kontento sa panenermon niya kaninang umaga? "What about this time, mom? Nasabi ko na kanina ang dapat kong sabihin." Nakaupo kami sa magkatapat na couch sa receiving area ng opisina ko. "Pwes, ako hindi pa," Mom said. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip niya. "Mom, look. I'm busy. Maybe we can talk about it some other time?" I'm really busy today and I don't want to waste my time sa tantrums ni Mommy. "No. Hindi na ito makakapaghintay. And for sure naman palagi mo lang akong iiwasan at sasabihing you're busy." That's Mom always persistent. Kapag may naisip siya. Hindi pwedeng ipagpabukas pa. "Okay. Say it, mom. And make it fast. I have a meeting an hour from now." Hindi rin naman ako mananalo sa kanya, eh. "Sabrina is back." Panimula ni Mommy. "So?" walang ganang tanong ko. "I want to make a deal." Mom looking at me intently. "What deal?" Bigla yata akong kinabahan. "Make time for Colbie or marry Sabrina," diretsong sabi nito with matching taas pa ng kilay. Habang ako nanlalaki ang mga mata at 'di makapaniwala sa narinig ko. Sa sobrang shock ko nga naglo-loading pa sa utak ko 'yung sinabi ni Mommy, eh. "And I'm serious about it. You know naman na Sabrina likes you 'di ba? Kapag sinabi ko sa kanya na gusto kitang ipakasal sa kanya, siguradong hindi siya tatanggi. Baka siya pa ang magsabi sa daddy niya. Magandang business venture 'yun 'di ba?" Mom has an evil smile on her face. "This is ridiculous, Mom! You can't do this to me." Sa wakas ay nakabawi na ko sa pagkabigla. "Of course, I can. For the sake of you and my grandson. Madali lang naman 'di ba? Make time for Colbie. Magpaka-ama ka sa anak mo. Iparamdam mo sa kanya na mahal mo siya. Then you're free. Hindi na kita pipilitin na mag-asawa ka ulit. Kapag nakita ko na okay na kayong mag-ama." Mom seem so serious about it. "Hindi mo na talaga ako pipiliting makipag-date o mag-asawa ulit. Kapag ginawa ko ang gusto mo?" Paninigurado kong tanong. Wala naman akong choice kundi gawin ang gusto niya, eh. "I promise. You know that I never broke my promise. Just do what i want," Mom. "Okay. I'll do it." It's final. "Good. You can start pagkauwi mo mamaya sa bahay niyo. And one more thing. You can't cheat. Dahil may mga mata ako sa bahay ninyo." Tumayo na si Mommy para umalis. "I know," nasabi 'ko na lang. "I'll go ahead. Bye, son." Bumeso muna ito sa akin bago nagsimulang humakbang palabas ng opisina. "Bye, Mom," walang gana kong sabi. Saka sinundan na lang siya ng tingin. Now, I have no choice but to bear with the pain. By remembering Colleen because of our son. Luisa Mukhang mapapasubo nga ako. Sineryoso ni Colbie 'yung deal. May three star siya sa lahat ng subject at activity nila sa school. Kaya I have no choice but to teach him a few martial arts stunts. Okay lang naman siguro. 'Yung mga basic at madadali lang. Wala naman siguro kaming mababasag sa kwarto niya. Pero para mas safe kung sa kwarto ko na lang siya tuturuan. "Are you ready, Colbie?" tanong ko sa kanya. "Yes, Ate Lui. I'm ready!" Nakangiti nitong sagot. Tsk! Seryoso talaga siya. "But before we start. Promise me na hindi mo gagamitin basta-basta kung kani-kanino ang mga matututunan mo. Kapag kailangan lang. Like self defense. Understand?" paliwanag ko sa kanya. Mahirap na baka masisi pa 'ko kapag nakapanakit siya ng iba. "I understand, Ate Lui. Big boy na ako. Kaya alam ko na iyon," bibong sagot nito. "Sabi mo, eh. Okay, position." Ginaya naman nito ang ginawa kong posisyon ng kamay at paa ko. Ang cute niya! Para siyang small martial arts master. At 'yun nga. Itinuro ko sa kanya 'yung mga basic na pwedeng ituro sa mga bata. A few teakwondo moves. Mukhang nag-enjoy talaga siya. After that pinakain ko na siya ng dinner, lininisan at binihisan ng pantulog. "Time to sleep, Colbie. Secret lang natin 'yung mga itinuro ko sa iyo, ha." Pinahiga ko na ito at kinumutan. "Yes, Ate Lui. Thank you for teaching me." Naghihikab ng sabi nito. Mukhang inaantok na ito sa pagod. "You're welcome. Goodnight and sweetdreams, Colbie." Saka ko siya hinalikan sa noo. Maya-maya lang malalim na ang tulog niya. "Hay...inaantok na rin ako. Makabalik na nga sa kwarto ko bago pa ko makatulog dito." Iinat-inat at naghihikab akong tumayo at humakbang na palabas ng kwarto ni Colbie. "Huh?" Napansin ko na nakaawang ang pinto. Sebastian Gaya ng deal namin ni Mommy, kailangan kong mapalapit sa anak ko. Kahit magkasama kami sa iisang bahay, malayo ang loob nito sa akin. Dahil inilayo ko ang sarili ko sa kanya. At ngayon, wala akong choice kundi gawin ito kahit mahirap para sa akin. Mas gusto kong tiisin ang sakit sa pag-alala kay Colleen. Kesa magpakasal kay Sabrina. There's no way na pakakasal ako sa kanya. I was about to open the door of Colbie's room ng marinig ko ang boses nito at ng yaya niya. Ano naman kaya ang itinuro nito sa anak ko. Bakit nagpapasalamat si Colbie? Papasok na sana ako, pero napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng makita ko ang isang tagpo. Lui is smilling at Colbie while saying goodnight. At saka ito hinalikan sa noo. May nag-flashback na naman sa akin. It was me and Colleen doing the same thing that Lui did to Colbie. Kailan ko ba huling nahalikan ang anak ko? "Papasok ka ba, sir?" Natauhan ako bigla dahil sa tanong na iyon.Nasa harapan ko na pala si Lui. "T-Tulog na siya kaya hindi na. Just close the door." Agad na akong tumalikod paalis. Tsk! She caught me. So what? Pamamahay ko naman ito. Wala akong pakialam sa iisipin niya. Bukas ko na lang sisimulan ang deal namin ni Mommy. I had a very tiring day today. I need a rest. Tomorrow is not going to be an ordinary day for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD