Chapter 10: Wasted Time

1418 Words
Sebastian I woke up early para ipagluto si Colbie ng almusal. Mukhang alam na ni Manang Ludy ang usapan namin ni Mommy. Dahil hindi na ito nagtanong. I cook the usual breakfast na kinakain namin sa umaga. "Manang, pakitawag na po si Colbie.Hindi. Ako na pala ang gigising sa kanya. Pakihanda na lang ang mesa," bilin ko dito bago ako pumunta ng kwarto ni Colbie. "Sige, hijo," Manang Ludy responds. Pagkaakyat ko sa second floor ng bahay, nakita ko si Colbie at ang yaya niya. Tsk! Mukhang huli na ako. "Ate Lui, enough! Promise I won't be lazy waking up again. Ate Lui, stop it!" That's Colbie. Tawa ng tawa habang kinikiliti ng yaya niya. "Promise 'yan, ha. Don't broke your promise, ha?" Lui. Tinigilan na nito ang pagkiliti kay Colbie. "Promise," hinihingal pang sagot ni Colbie. "Ahem!" Agaw ko sa atensyon nila. "Huh? Sir!" medyo nabigla si Lui nang makita ako. "Handa na ang almusal bumaba na kayo." 'Yun na lang ang nasabi ko saka sila tinalikuran at nauna ng bumaba. Pagkaupo nila sa dinning, nilagyan ko agad ng pagkain sa plato si Colbie. "Goodmorning, Dad," bati ni Colbie sa akin. "Morning, son. Kumain ka na." Naiilang ako. Hindi ako sanay sa ganitong set up. Sanay ako na kumakain lang na hindi kami nagpapansinan. "Manang, cereal ang breakfast ni Colbie today 'di ba?" Napa-angat ako ng tingin sa sinabi ni Lui. "Cereal? Bakit cereal ang kakainin niya?" nagtatakang tanong ko dito. "Nagsasawa kasi siya kapag pare-pareho ang kinakain niya araw-araw. Kaya ginagawa naming alternate ang almusal niya," paliwanag ni Lui. "Pasensya na hijo. Hindi ko pala nasabi saiyo. Nagluto ka pa naman," apologetic na sabi ni Manang Ludy. "It's okay, Manang. Gawan niyo na lang siya ng cereal." Tumayo na ako. "Tell me when your ready. Ihahatid ko kayo sa school." Saka ako umalis at umakyat sa kwarto. Tsk! It's all wasted. Nagpakahirap akong magluto. Cereal lang pala ang kakainin niya. Pagkababa ko ulit, handa na sila at naghihintay na sa may kotse. "Get in." Bubuksan ko sana ang pinto sa tabi ng driver seat. Pero nauna ng binuksan ng yaya ni Colbie ang pinto sa likod. "Let's go, Colbie," aya nito kay Colbie. "Okay, Ate Lui!" Masigla naman itong sumunod sa yaya niya. Ano ako? Driver nila? Patience Sebastian. Patience. Pumasok na lang din ako ng kotse at nagmaneho. On our way sa school, masayang nag-uusap sa backseat ang dalawa. "Wala ka bang nakalimutang assignment?" Lui asked Colbie. "Wala po. I'm going to have a three star again today. Para turuan mo ulit ako, Ate Lui!" Very jolly na sabi ni Colbie. "Okay. Basta behave ka lagi, ha. At 'wag mong kakalimutan 'yung pinag-usapan natin, ha?" masigla rin na sabi nito kay Colbie. "Yes, Ate Lui," Colbie. Okay. I'm out of place here. Mabuti na lang narating na namin ang school ni Colbie. "Si Mang Edgar na ang susundo sa inyo mamaya," sabi ko pagkababa ng kotse. "Okay, Sir. Let's go, Colbie. Say bye na sa daddy mo," baling nito kay Colbie. "Bye, dad!" walang emosyong sabi nito. "B-Bye!" naiilang na sabi ko. "I'll go ahead." Saka ako nagmamadaling sumakay ng kotse. Liningon ko muna sila bago ko pinaandar ang kotse. Mukhang mas close pa ang anak ko sa yaya niya kesa sa akin. To think na kailan lang sila nagkasama. Mas mahirap yata ito kesa sa inaasahan ko. Luisa Anong nakain ng daddy ni Colbie? Bakit mukha yatang gumagawa siya ng way para mapalapit sa anak? Pero mukhang masyado ng malaki ang gap sa pagitan nilang dalawa. Mahihirapan siyang kunin ang loob ng anak niya. Lalo na kung hindi niya babaguhin ang pagiging seryoso niya. At si Colbie, mukhang sanay na siya sa cold treatment ng daddy niya. Kaya goodluck na lang sa kanya. Kailangan niyang paghirapang kunin ang loob ng anak niya. Sebastian "So, kumusta naman anak? Ginagawa mo ba ang pinag-usapan natin? O, kakausapin ko na ba si Sabrina?" It's Mom again in my office. She's checking on me. "Mom, I'm trying my best. But I guess it's not that easy," frustrated na sabi ko. "Oh, c'mon, anak! You are a good business man tapos sa anak mo nahihirapan ka?" Mom exclaimed. "Mom, you know naman kung gaano kahirap 'to 'di ba? Ilang taon kong iniwasang mapalapit sa anak ko. Kaya malayo ang loob niya sa akin. But don't worry, I'm doing what you want. Just give me some time, okay?" I'm hoping na maintindihan niya ako. Hindi madali ang pinagagawa niya. "I want to see the progress after two weeks," Mom said. "Seriouly? Two weeks? Mom naman!" Napatayo ako saka naihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko. "Bibisitahin ko kayo ng madalas. Do your best okay? Aalis na ko. Goodluck." Tumayo na si Mommy at nagsimula ng maglakad palabas ng opisina. Pero huminto ito ng malapit na ito sa pintuan. "Regards me to Colbie's beautiful nanny. Bye!" Makahulugan itong ngumiti bago tuluyang umalis. What's with that smile? Si Mommy talaga kung minsan, she's acting crazy. She's giving me more stress than my office work. With two weeks na palugit, mukhang kailangang doblehin ko ang effort ko. Goodluck na lang talaga sa akin. Sa mga sumunod na araw na sinubukan kong mapalapit sa anak ko, nakita at na-realize ko kung gaano na kalaki ang gap namin sa isat-isa at gano'n din ang pagkukulang ko sa kanya. Yes. I'm giving him what he needs financially, good food, shelter, school and even materials things. Pero 'yung pagmamahal, panahon at oras. Hindi ko na ibigay sa kanya. Aaminin ko naging self centered ako. Nagbago ako mula ng mawala si Colleen sa buhay ko. Nawalan ako ng ganang mabuhay. Hindi ko naisip na nadadamay na pala sa pagkamiserable ko ang anak namin. Ang anak na pareho naming minahal pagkasilang niya dito. Pero nang mawala si Colleen. Parang nakalimutan ko na rin ang magpaka-ama sa anak namin. I'm sorry Colleen. I don't mean to do that. Masyado kong dinamdam ang pagkawala mo. Mas dapat pala akong magpasalamat dahil iniwan mo sa akin si Colbie. Hindi para mahirapan kundi para magkaroon ng dahilan para magpatuloy. Tulungan mo akong makabawi sa anak natin. Sana magawa niya pa rin akong patawarin at mahalin sa kabila ng mga pagkukulang ko bilang ama. Inilapag ko ang bouquet ng paborito niyang bulaklak. Dinalaw ko ang libingan niya kasama si Colbie. Kahit papaano lumuwag ang dibdib ko. Hindi na gaya ng dati na tuwing dadalawin ko siya, hindi ako halos makahinga sa sakit. Maybe I feel better now. Dahil, Colbie is still here. Sapat ng dahilan para magpatuloy ako. And I feel stupid dahil ngayon ko lang ito na realize. "Colbie, say goodbye to your, Mom." Tahimik lang itong nakatayo sa tabi ko. "Goodbye, Mom. I love you. Dad, dapat sinama natin si Ate Lui, para nakilala siya ni Mommy," sabi nito ng bumaling sa akin. "Some other time na lang siguro. Let's go. Saan mo gustong kumain? Tapos bibili tayo ng toy mo," nakangiti ko siyang inaya. "Sa bahay na lang tayo kumain daddy. Promise kasi sa akin ni Ate Lui na tuturuan niya ako ngayon, eh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Lui na naman? Siya na lang lagi ang bukambibig ng anak ko. "Ano namang ituturo niya saiyo?" curious na tanong ko. "It's a secret. Hindi pwedeng sabihin kahit kanino sabi ni Ate Lui. Kapag sinabi ko sa iba, baka hindi niya na ako turuan," Aba! Mas loyal pa siya sa yaya niya, ha. "Kahit sa akin hindi pwedeng sabihin?" Nilambingan ko ang tono ng boses ko pero... "Let's go na daddy. Baka hindi na 'ko maturuan ni Ate Lui kapag late na tayo nakauwi." Hinila na ni Colbie ang laylayan ng damit ko. Mukhang eager na talagang makauwi. Tsk! Ano ba kasi ang tinuturo niya sa anak ko? Nakakainis na. Sa tuwing susubukan kong maka-bonding si Colbie, lagi namang siya ang bukambibig. Mas gusto pa siyang makasama nito kesa sa akin. "Dad?!?" "Okay. Let's go." Pinigilan ko na lang ang inis ko. Baka masungitan ko pa si Colbie lalong maging aloof sa akin. Buti ngayon medyo okay na kami Pero mas malapit pa rin ang loob niya sa yaya niya na kailan niya lang nakasama. Wala na kong choice kundi ang iuwi siya sa bahay. At pagkababang-pagkababa niya ng kotse, nagtatakbo na agad ito papunta sa yaya niya. Ngayon ko pinag-sisisihan ang pagpapabaya ko sa kanya. Ilang taon ang nasayang sa buhay naming mag-ama. Dapat pala inalagaan ko na lang siya ng husto at minahal kesa nagpakasubsob sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD