Lui's pov
This past few days, mas tinodo ng daddy ni Colbie ang effort niya para mapalapit sa anak.
I can see na may improvement naman ang relationship nila. Pero still may gap pa rin.
Hindi niya naman masisisi si Colbie. Dahil ilang taon niya rin itong binalewala. Kaya siguro nasanay na lang ito sa ganoong treatment ng ama.
Pero mukhang eager ang daddy ni Colbie na makuha ang loob ng anak. Siguro na-realize na nito ang pagkakamali niya.
Napansin ko rin na napapadalas ang pagdalaw ng Lola ni Colbie sa bahay nila.
Ang weird nya talaga.
Naputol ang pagmumuni-muni 'ko nang maramdaman 'kong yumakap sa akin ang maliliit na braso ni Colbie.
"Ate Lui!" Tumingala ito sa akin. Ang liit niya kasi. Halos hanggang hita ko lang siya.
"Goodmorning! Ang aga mo namang magising. Sunday ngayon, ah. Wala ka namang pasok 'di ba?" Umupo ako para magpantay ang mga mukha namin.
"Ginising ako ni daddy. We will going to church daw. You are going with us, right?" tanong nito sa akin.
Ang cute niya talaga.
"Hmmm... I dont think so. Baka kasi may iba pa kayong pupuntahan. Tsaka, I guess it's a guys bonding. Kaya hindi pwedeng sumama si Ate Lui." Nakangiti 'kong paliwanag sa kanya.
I guess, kailangan ko silang bigyan ng oras na sila lang ang magkasama.
"You're not coming with us?" Bigla namang lumungkot ang mukha nito.
"Yeah. Pero pagkauwi niyo saka tayo maglaro okay? Buuin natin 'yung bago mong lego. For now, mag-bonding muna kayo ng daddy mo." Sabi ko na lang para mabago ang mood nito.
Sebastian pov
"Sumama ka na. Magbihis na kayo. Sa labas tayo mag-aalmusal." Tumalikod na 'ko at bumalik sa loob ng bahay pagkasabi ko nito.
Hinanap ko si Colbie para sana ayaing maligo. Nakita ko siya sa may pool area kasama ang yaya nito.
I was about to call him nang marinig ko ang usapan nila ng yaya niya.
Kitang-kita ko kung paano nalungkot ang anak ko ng sabihin ni Lui na hindi siya makakasama.
Ang sakit lang. Mas gusto niya pa na makasama ang yaya niya kesa sa akin.
Narinig ko pang tuwang-tuwa ito ng sabihin kong sasama sa amin ang yaya niya.
Kasalanan ko rin naman. Kaya hindi na lang ako papaapekto.
Lui's pov
"Sumama ka na. Magbihis na kayo. Sa labas tayo mag-aalmusal."
Hindi ko namalayan na nasa likuran na pala namin ang daddy ni Colbie.
Tumalikod na ito at umalis pagkasabi no'n. Mukhang dissapointed ito.
Pero wala na kong nagawa kundi sumama. Tuwang-tuwa kasi si Colbie nang marinig ang sinabi ng daddy niya. Baka ito naman ang madissapoint kapag hindi ako sumama.
Kaya ito kami ngayon, kumakain sa isang restaurant.
Masayang nagkukwento si Colbie ng mga nangyari sa kanya sa school nitong mga nakaraang araw. Habang seryosong nakikinig lang ang daddy nito. It seems na masama talaga ang loob nito, dahil kasama ako sa lakad nila. Imbes na silang mag-ama lang ang magkasama.
"Excuse me. Pupunta lang ako sa comfort room." Tumayo ako at iniwan silang mag-ama.
Hindi naman talaga ako pupunta ng comfort room, eh. Gusto ko lang na mapagsolo ang mag-ama.
Mula sa malayo tinitignan ko silang dalawa.
Tsk! Paano niya makukuha ang loob ng anak niya, kung napakaseryoso niya?
"Waiter, pwedeng makihiram ng ballpen? Pahingi na rin ng tissue." Tamang-tama may dumaang waiter sa harap ko.
"Okay po, Mam. Sandali lang po." Umalis ito sandali at bumalik na dala na ang mga hiningi ko.
"Salamat. Wait! Favor naman, pakibigay naman ito roon sa table na iyon." Itinuro ko ang table ng mag-ama saka iniabot dito ang tissue na sinulatan 'ko.
"Okay po, Mam," ani ng Waiter.
"Salamat." Nginitian 'ko ito saka ako tumayo at lumabas ng restaurant. Mauuna na ko sa simbahan para masolo niya si Colbie.
Sebastian pov
Ang tagal naman yatang bumalik ng yaya ni Colbie.
Nagpaalam ito na pupunta ng restroom pero hindi pa rin ito bumabalik.
"Sir, excuse po. Pinabibigay po ito no'ng babaeng kasama ninyo kanina." May inabot na tissue sa akin ang isang waiter.
"Salamat." Sabi ko saka curious na tinignan ang tissue.
"Your welcome, Sir," sabi ng waiter saka umalis na ito.
Binuklat 'ko ang tissue at binasa ang nakasulat dito.
"Hindi mo makukuha ang loob niya kung magpapakaseryoso ka. Communicate with him. Mahilig siya sa lego and other things involving cars and super heroes. Mauuna na po ako sa simbahan, Sir."
- Lui.
Napakunot ang noo ko sa nabasa ko.
Tinuturuan niya ba ako ng dapat kong gawin? Pero may point siya. Mukhang makakatulong ang sinabi niya.
"Dad, where's is Ate Lui?" Colbie asked.
Tsk? Hinahanap niya na naman ang yaya niya.
"She had an emergency. Sa simbahan na lang daw natin siya puntahan mamaya." Sabi ko na lang para hindi na niya ito hanapin.
"Okay." Mukhang satisfied naman ito sa alibi ko. Pinaikot nito sa tinidor ang pasta bago isubo.
Isa sa traits na nakuha niya sa Mommy niya. Kung dati nasasaktan ako kapag naaalala ko si Colleen sa kanya, ngayon natutuwa na akong makita ang pagkakapareho nila.
"Ahm... Colbie, sino ang paborito mong super hero?" Nakangiti kong tanong para makuha ko ang atensyon niya.
"Hmmm... Before I like superman and batman. But now I also like wonder woman." Bibong sagot nito.
Napakunot ang noo ko. "Wonder woman? Why?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Because she is really cool. She is a girl but she has a super strength like Ate Lui." That answer amused me.
He's really looking after her huh.
Pati ba naman sa super hero ikinukumpara niya ito?
"I see. How about me? Sinong super hero ang ico-compare mo sa'kin?" Kailangang ma-focus ang usapan sa aming dalawa lang.
"Ate Lui said that you are like hulk." Inosenteng sabi nito.
Hulk?
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko. Ikinukumpara niya ako kay hulk?
"You know that green man, dad?" Napatingin ako dito ng magsalita ulit.
"Ate Lui said that you are just like him. He seems so incredible and scarry when he's mad. But still he has a good heart that's why he become a super hero." And that's explaination of him really amused me. The way he talk parang ang mature niya ng mag-isip.
Nakabawi sila sa pagkukumpara sa'kin sa green creature na iyon.
Marami pa kaming napag-usapan about Colbie's favorites and interest. And I guess, Lui's suggestion really helps.
Marami akong nalaman tungkol sa anak ko. I can feel now na unti-unti ng napapalapit ang loob nito sa'kin.
Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa simbahang malapit sa restaurant na kinainan namin.
Nang makita ni Colbie na naghihintay si Lui sa simbahan agad itong tumakbo papunta dito.
"Ate Lui!"
Nakangiti namang sinalubong ito ng yaya niya.
"Hi, Colbie! Nabusog ka ba sa kinain niyo?" tanong nito ng makalapit kay Colbie.
"Yeah. We talk about so many things while eating my favorite pasta. How about you, Ate Lui? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Colbie sa yaya niya.
"Yeah. Of course, I'm okay." Nagtatakang sagot ni Lui.
"But dad tell me that you had a emergency. What happen, Ate Lui? Why you left us in the restaurant?" tanong ulit ni Colbie. Napakamausisa niya talaga.
"Ah... Dont mind it. Let's go, pasok na tayo sa loob. Magsisimula na ang mass. Sir?" Bumaling ito sa'kin habang hawak na ang isang kamay ni Colbie.
"Okay. Let's go." Napangiti ako ng hawakan ni Colbie ng isa niyang kamay ang kamay 'ko.
Pero natigilan ako sandali ng may marinig akong usapan sa likuran namin.
"Ang ganda naman nilang tignan," sabi ng isang ale.
"Oo nga. Mukha silang masayang pamilya," sabi naman ng isa pa.
Kami? Isang pamilya?
Napatingin ako kay Lui.
"Sir? May problema ba?" tanong nito.
"W-Wala. Pumasok na tayo sa loob." Sabi ko na lang. Hindi siguro niya narinig ang usapan no'ng mga babae kanina dahil kausap nito si Colbie.
But that idea make me shiver.
Cohen07