Sebastian pov.
"What?!?Are you crazy, Sebastian? Para masolo mo si Colbie at para mapalapit ang loob ng anak mo sa'yo, paaalisin mo ang yaya niya?" Exaggerated na react ni Gino.
Sinabi ko kasi sa kanya ang plano 'ko.
Well, ayon na lang ang naiisip kong paraan, eh.
Malaki kasi siyang hadlang para mapalapit sa akin ang loob ng anak 'ko.
I have no choice but to fire her.
Para ako na ang mag-aasikaso sa anak 'ko.
Kakayanin 'ko naman siguro iyon. Tutulungan naman ako nila Manang Ludy.
Sa kompanya naman, tinutulungan ako ni Dad ngayon. Mom ask him para magkaroon ako ng oras kay Colbie.
I have to talk to her pagkauwi ko mamaya ng bahay.
"Hey? Gagawin mo talaga iyon, bro?" Gino asked.
"My decision is final. I have to do this. Hindi pwedeng manalo si Mommy sa deal. And besides, its about time para alagaan ko ang anak ko." I said saka ininom ang kape ko.
Nandito kami ngayon sa office. At wala na namang magawa si Gino. Kaya nandito na naman siya.
"Kawawa naman si Lui. Mawawalan siya ng trabaho ng gano'n-gano'n na lang? Your being unfair, bro." Gino said to me.
Nakaupo siya sa couch na kaharap ng kinauupuan ko. Dito sa recieving area ng opisina ko.
At kanina niya pa pinagtatanggol ang Lui na iyon.
So, what kung sisantehin ko siya? Hindi naman siya mukhang kawawa, eh.
"Pwede naman siyang hanapan ng panibagong mapapasukan ng agency nila, ah."
"Sabagay. Pwede rin na kunin ko siyang personal assistant. What do you think, bro?" Nakangising sabi ni Gino.
"Tsk! Umatake na naman iyang pagiging playboy mo. Bata ang gusto niyang alagaan. Hindi isip bata." Napapailing 'kong sabi.
"Malay mo naman, noh. Atleast makikita pa rin siya ni Colbie. Kapag sa akin siya nagtrabaho." Gino.
"Hindi pwede. I want her out of Colbie's sight. Kaya nga sisesantihin 'ko siya' di ba?"
Tsk! Sisirain pa ang diskarte 'ko.
"E, 'di, hindi ko na siya ipapakita kay Colbie." Gino.
"Seriouly? Kukunin mo talaga siyang assistant?" 'Di makapaniwalang tanong 'ko.
"Why not! Kung papayag ba siya, eh." Sabay kibit balikat nito.
"Tsk! Bahala ka. Basta I have to do this." Desidido na ako.
"Bahala ka, bro. Goodluck na lang." Gino.
Hay... Goodluck talaga sa'kin.
Lui's pov
Ano bang meron ngayong araw na' to?
Why I have this feeling na may hindi magandang mangyayari?
Simula paggising ko kaninang umaga, nandito na 'yung kakaibang kaba sa dibdib ko.
At hindi ako matatahimik kapag hindi ito nasagot.
I took my phone from the drawer beside my bed and dial Myton's number.
After ng ilang ring sinagot na rin niya ito.
"Hello...? Lui, napatawag ka?" Bungad nito sa kabilang linya.
"Did I disturb you?" I asked.
"No. Hindi naman. So, bakit ka napatawag? Miss me?" tanong niya in a jolly way.
Pero hindi niya ako maiisahan. I know na theres something she has to tell me.
"Myton, what's happening? May dapat ba akong malaman?" I ask her sa tonong alam niyang alam 'ko na may itinatago siya.
"Hay.... Yeah right. Wala naman akong maitatago sa'yo, eh. So, I have to tell you this..." At ibinitin pa nito ang sasabihin.
"Myton...." I warned her.
"Oo na! Sasabihin 'ko na. Kahit sinabihan na nila ako, not to tell you. Lui, Lolo Alfred is in the hospital," Myton said.
Upon hearing that, bigla akong nanlamig.
"W-What happen to Lolo? Bakit siya nasa ospital?" Nag-aalalang tanong ko.
"Relax Lui. Kaya ayaw nilang malaman mo, eh. Dont worry Lolo Alfred is okay now. They had an encounter kasi. Hindi nila expected. Pero hinigpitan na ngayon 'yung security ng Lolo mo. Dont worry, Dad is taking care of him," paliwanag ni Myton.
I sighed. "They had an encounter. At wala ako sa tabi ni Lolo para bantayan siya. Tell me, saang ospital siya naka-confine?"
"No! You can't go there. Kabilin-bilinan ng Lolo mo na huwag ipaalam ito sa'yo. Ayaw niya na pumunta ka. Kahit nga ako pinag-bawalang lumapit sa kanya, eh. Delikado ang sitwasyon ngayon. And they dont want us to get involved. Dont worry Lui, dad will take care of everything.Lolo Alfred is okay now. He doesn't want to bother you," Myton said to me.
"I want to see him."
"I know how you love and miss him. Pero we have to follow his instruction. Stay there, Lui. That is what Lolo Alfred want you to do. I have to go. Babalitaan na lang kita, okay? Takecare. Bye!" And she ended the call.
No! I have to be there. With my Lolo. I know he dont want me to get involve. Pero hindi ako mapapakali ng hindi siya nakikita.
And those jerk na nagtangka sa buhay ng lolo ko, I want to wringed their neck. Gusto ko silang pagbayarin.
Si lolo na lang ang meron ako ngayon. At hindi ko hahayaan na kunin pa nila siya sa akin.
I have to go. At walang makakapigil sa'kin.
Mabilis akong nagbihis at nag-ayos.
Pero, when I was about to leave.....
"Ate Lui, are you leaving?" Colbie is there standing out side my room.
"Ahm... Colbie, aalis lang sandali si Ate Lui. Pero babalik din ako, okay? I really have to go." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tinalikuran 'ko na siya pero hinawakan niya ang isang kamay 'ko.
"Ate Lui, dont leave me, please...."
I looked at him. Ang init ng kamay niya. And he collapse.
"Colbie! Inaapoy siya ng lagnat. This can't be! Sobrang taas ng lagnat niya. Manang, pahanda po ng kotse! Si Colbie po!" Sigaw ko habang karga ko si Colbie pababa ng hagdan.
"Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Manang Ludy.
"Ipahanda niyo po ang kotse. Inaapoy siya ng lagnat. Kailangan po siyang dalhin sa ospital." I said with rush.
"Naku! Wala pa naman si Edgar ngayon. Paano ba iyan?" Natatarantang sabi ni Manang Ludy.
"Relax Manang. Pakikuha na lang po 'yung susi ng kotse. Ako na lang ang magmamaneho." I said at tumalima naman ito.
Isinakay ko agad si Colbie sa kotse at binilinan si Manang Ludy na tawagan ang daddy nito. At sabihin ang kalagayan ni Colbie.
"Sige hija. Ako ng ang bahalang tumawag sa daddy n'ya. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Isinara na ni Manang Ludy ang pinto ng kotse at pinaandar 'ko ito agad.
Inasikaso naman agad si Colbie pagkarating namin sa ospital.
Mabuti raw naisugod agad ito sa ospital. Delikado raw kasi ang taas ng lagnat nito.
Maari itong makumbulsyon. But he is okay now. Nalagyan na siya ng dextrose at napainom na rin ng gamot.
Mahimbing itong natutulog ng dumating ang daddy nito.
Sebastian pov
I'm on the middle of a meeting ng tumawag si Manang Ludy.
Sinabi nito na isinugod ni Lui si Colbie sa ospital dahil nawalan ito ng malay dahil sa taas ng lagnat nito.
I have no choice but to finish the meeting before I leave.
Pagkatapos na pagkatapos ng meeting pumunta ako agad sa ospital.
Pagkababa ko ng kotse, halos takbuhin ko na ang hagdan papunta sa kwartong kinaroroonan ng anak ko sa sobrang pag-aalala.
At pagbukas ko ng pintuan ng kwarto, saglit akong natulala sa tagpong naabutan ko.
Colbie is sleeping. Habang maingat na hinahagod ni Lui ang buhok nito.
Narinig siguro nito ang pagbukas ng pinto kaya ito napatayo at napaharap sa kinaroroonan ko.
"He's okay now. Medyo mataas pa ang lagnat niya. Pero nakainum na siya ng gamot," She said.
"Okay. Salamat sa pagdala sa kanya dito sa ospital." Hindi tumitingin ditong sabi ko habang palapit sa kama ni Colbie. "Ako ng bahala sa anak ko. Umuwi ka na muna sa bahay."
"Okay." Sagot nito. Paalis na ito ng magsalita si Colbie.
"Ate Lui..... dont leave me.... Ate lui.... dont leave...." Paulit-ulit na sabi ni Colbie kahit nakapikit ito.
Nagkatinginan kami sandali bago ito lumapit kay Colbie.
"Colbie, Ate Lui is here. Im not leaving you. Kukuha lang ako sandali ng mga gamit mo sa bahay. Babalik din ako agad. Dont worry your dad is here." Malambing nitong bulong kay Colbie habang marahang hinahaplos ang buhok nito.
Nagmulat naman ng mata si Colbie at tumingin dito.
"Wag kang umalis....please... Dito ka lang Ate Lui....please...." Colbie said.
Napahinga na lang ako ng malalim.
"Dont worry Colbie. Your Ate Lui is not leaving you. Si Tina na lang ang pagdadalhin 'ko ng mga gamit niya. Stay here. Tatawag ako sa bahay." Saka ako lumabas ng kwartong iyon para tumawag sa bahay.
Bago ako lumabas nakita ko pa nang hinawakan ni Colbie ang kamay ng yaya niya.
Tsk! I'll accept my defeat.
Hindi ko siya pwedeng paalisin. Colbie, wont allow me to do that.
Cohen07