Chapter 30: Sean

1868 Words
ERICKA’S POV Wala pang thirty minutes ay dumating na si Annika para sunduin ako sa bahay. I just wore simple jeans and plain black shirt, tipong parang nasa bahay lang. Sinilip ko naman siya na nagreretouch pa habang nakaupo sa loob ng kotse. She’s wearing a pink dress and white heels, kikay na kikay ang dating. Walang imik na sumakay na lang ako sa kotse niya. Pinaandar naman agad ng driver niya ang kotse pagkapasok ko sa loob nito. “Oh my God Ericka! I’m so kinakabahan! As in! Look!” hinigit niya pa yung kamay para idikit sa chest niya. Sana kasing taas din ng energy niya yung energy ko ngayon. “Ang lakas ng t***k di ba? I really do not know how to calm my heart now!” sobrang hyper pang sabi niya. “Kumalma ka nga! Baka atakihin ka sa puso niyan!” komento ko sa kanya. Bata pa lang kasi kami ay mahina na ang puso nito. Excused nga ito lagi tuwing P.E class namin noong Elementary and High school dahil hindi siya pwedeng mapagod nang sobra. Huminga muna ito ng malalim at saka pilit kinalma ang sarili. After few seconds ay humarap ito sa’kin. “Ericka… thank you ah?” nakangiti niya pang sabi. Ito na naman ako, nakakaramdam na naman ng guilt. “B-Bakit ka naman nagte-thank you?” iwas ko sa tingin niya. “Kasi kahit crush mo si Josh, okay lang sa’yo na samahan ako para makita siya.” Awts. Kung alam mo lang… “Bestfriend kita eh,” mahina kong sagot sa kanya. “Yiee! Yan ang gusto ko sa’yo eh! I love you bes!” tuwang-tuwang niyakap niya pa ko. Kung sabagay, hindi naman ako gusto ni Josh. At kung meron mang babaeng gugustuhin kong makatuluyan niya aside from me, siguro si Annika na yun. After all, she’s pretty, kind, smart and very sweet. Kung ikukumpara sa’kin, I’m way too simple. Kung ako isang commoner sa isang fairy tale story, siya naman ay isang Goddess o kaya ay isang princess. Ganun kalayo ang kaibahan namin. Tahimik lang akong nakinig sa kwento niya about all her experiences abroad habang nasa byahe kami. Masyado pa ding lutang ang isip ko hanggang ngayon, epekto ng halos walang tulog. Ano kaya kung gumawa na lang ako ng reason mamaya para maka-exit agad? Kaso kapag umalis ako agad, magkakaroon silang moment na silang dalawa lang! Parang ayoko din naman nun. Pero kahit naman magstay ako, possible pa ring magkaroon sila ng moment. Ano ba yan Ericka? Ano bang dapat mong gawin? “We’re here!” “What?” sa gulat ko ay napasigaw pa ko ng malakas. Bakit parang ang bilis naman ng byahe namin? Tipong parang 5 minutes pa lang ang nakakalipas. Kung ganito lang pala kalapit ang pagitan ng mga bahay namin, sana naglakad na lang kami. Napatingin pa tuloy ako sa suot kong relo para makasigurong hindi lang 5 minutes ang nagdaan. And I was right. Halos 20 minutes na pala ang lumipas simula nang bumyahe kami mula sa bahay. “Sabi ko, andito na tayo bes! Ang lalim naman kasi ng nasa isip mo parang nakarating na siya sa pinakailalim ng Mariana trench!” nakasimangot na pahayag nito. “What?” “Let’s go na nga bes!” hinayaan ko na lang siyang hilahin ako palabas ng kotse. Napangiwi na lang ako nang makita ang pagsalubong sa’min nung isa sa mga kapatid ni Josh. “Ohh may mga magaganda pala kaming bisita! You’re ate Ericka, right?” bati nito sa’min. Oh right, I remembered his name now. He’s Vince. “Ahh yeah. Nandiyan ba si Josh?” tanong ko sa kanya. Amused na tinitingnan lang naman ni Annika ang pag-uusap namin. “Hey Joy! Tawagin mo nga si kuya Josh sa taas!” utos nito sa bunso nila na nasa garden at busy sa pagkalikot sa cellphone niya. Agad naman itong tumayo at saka tumakbo papasok sa loob ng bahay. “Naku, tuloy kayo sa loob mga magagandang ate!” iginiya kami ni Vince papunta sa kanilang living room. “Thank you! Ang cute mo naman!” tuwang-tuwang sabi dito ni Annika. Nahuli ko pa ang pagblush ni Vince at pagngiti dito ng maluwang. Naupo naman na kami sa may sofa at maya-maya pa’y bumaba na si Joy at dire-diretsong pumunta sa gawi namin. “Wala si kuya sa room,” lihim akong nakahinga ng maluwang sa sinabi nito. Pero saglit lang ay napalitan ito agad ng hindi maipaliwanag na kaba. Pakiramdam ko ay may bumikig bigla sa lalamunan ko. Bigla akong kinutuban ng masama. Anong… “Si Josh ba? Nakita ko siyang pababa ng basement kanina,” sabat ng kuya ni Josh na kabababa lang din ng hagdan. Sa pagkakaalala ko ay siya yung sikat na si kuya MJ. “Anong sabi mo Mark? Where’s Josh?” nalingunan namin ang kadarating lang na si ate Euri. “Uhm, sa basement?” “No way!” dali-daling tumakbo si ate Euri papunta sa basement. Awtomatikong bumaha ang pag-aalala sa puso ko. The last time I saw her like this is when I met AJ for the first time. Napasunod naman kaming lahat sa kanya pababa. “It’s locked!” sigaw ni ate Euri nang marating nito ang pinto ng basement. Halata sa mukha nito ang magkahalong takot at pag-aalala. “Ako na ate!” sabi naman ni Vince dito at saka ssinipa ng ubod ng lakas ang pinto. And as soon as the door opened, we were all shocked to see Josh standing above a wooden chair holding a rope tied in the ceiling. I froze as I saw him gazed in our direction. His eyes failed to show any kind of emotions. It was cold, dark and empty. The next second he turned his gaze away from us, I felt like my heart beats slowed down. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari basta ang alam ko, I need to get him away from where he was standing. Wala akong sinayang na segundo. I don’t want to lose him. Not now. Not ever. “Oh my God!” “Kuya Josh!” “Ericka!” Mga huling sigaw na narinig ko bago tuluyang magdilim ang lahat. *** Sabi nila, when you are in the state of life and death situation, maaalala mo daw lahat ng mga importanteng memories mo for a short period of time bago ka mawalan ng malay. I guess they were right. Because before I was swallowed by complete darkness, I remembered my past memories all flashed before my eyes. They were all blurred at first, parang slide show na naka-automatic ang transition by 50 milliseconds. Pero nang lumaon ay malinaw ko nang naalala ang lahat. Lahat ng detalye. Ang lahat-lahat. I tried to open my eyes. Awtomatikong bumalik lahat ng alaala ko bago ako mawalan ng malay. “Si Josh? Where’s Josh?” agad kong sigaw. Sinubukan kong bumangon pero agad na sumakit ang bandang likod ko. “Calm down, Ericka,” mahinahong sabi sa’kin ni ate Euri. Agad din namang lumapit sa’kin si yaya Carol para pakalmahin ako. “Si Josh po?” She moved aside to let me see Josh sleeping soundly at the bed beside mine. “A-Ano pong nangyari? Bakit siya magsusuicide?” “It’s one of his personalities. The one I do not want to resurface and take over his body—the suicidal Sean,” napabuntong-hininga ito ng malalim habang matamang nakatingin sa natutulog na kapatid. “Sean?” I remembered that name. He was there. “Bakit mo ginawa yun? Bakit mo siya sinugatan?” sigaw ko sa kanya pagkaalis ng mga lalaking nakaitim. Hindi na nila kinuha pa yung batang dapat sana ay kukunin nila. Nanatiling tahimik ang lalaki sa isang sulok. Nakatungo lang ito habang nakapatong sa mga tuhod ang magkabilang braso habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak yung batang sinugatan nito kanina. Maya-maya pa’y itinaas nito ang mukha at tinitigan ako ng matiim. “No buyer in their right mind would buy something that has already damage, that’s why I did that,” tiningnan nito ang batang lalaking nakayakap sa’kin na patuloy lang sa paghikbi. “You don’t want to see him get traded in the black market, right?” Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin?” “They were child-trafficking syndicate. We were kidnapped not for the ransom money but to be traded like toys in the black market,” parang bale-wala lang na pahayag nito. “B-Black market? I-Ibig sabihin, wala silang balak na ibalik tayo sa mga parents natin?” “Yeah. Well it’s not like I have somewhere to go back to anyway,” natahimik ako sa lungkot ng boses niya. “W-Wala ka na bang parents?” biglang tumalim ang tinging ibinigay nito sa’kin pero agad din naman niya itong binawi at saka bumalik sa pagtungo. “They abandoned me.” Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko sa sinabi niya. He was alone not because his parents died but because he was intentionally abandoned. Naalala ko tuloy bigla yung parents ko. Hinahanap kaya nila ko ngayon? Nag-aalala kaya sila sa’kin? “What’s your name?” rinig kong tanong niya. “I’m Ericka. What about you?” “I’m Sean.” “Ericka?” bahagya pa akong nagulat sa biglaang pagtawag ni ate Euri sa’kin. “Are you okay?” “Ha? O-opo. I’m okay,” mahinang sagot ko sa kanya. Inalalayan naman ako ni yaya Carol na bumangon mula sa pagkakahiga. Isinandal niya ang likod ko sa may unan. Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Iniluwa nito si Annika na may dala pang basket of fruits. “Gising ka na pala bes? Okay na ba ang pakiramdam mo?” masigla pa nitong tanong pagkalapit sa’kin. “O-Okay na ang pakiramdam ko,” mahina kong sagot sa kanya. I can’t look at her eyes. Duwag na kung duwag pero natatakot talaga ako sa kung anong posibleng maramdaman ko. “Iwan muna namin kayo dito ah? We’ll go get some foods,” paalam sa’min ni ate Euri at pagkatapos ay lumabas na ito kasunod ni yaya Carol. Ilang saglit pang napuno ng katahimikan ang buong kwarto. “Ericka…” napataas ang tingin ko sa kanya. Hindi na ito nakangiti. I’m getting scaredof the aura she was emitting right now. Pakiramdam ko ay ibang tao na ang nasa harap ko ngayon. “Thank you for saving him,” mahina niyang sabi. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya na ituloy ang pagsasalita. “I honestly do not know how to react that moment. I thought I wouldn’t be able to s-see him and that he’ll be gone forever…” her voice quavered. I know, she was about to cry. She looked at me straight with my eyes kaya hindi na ko nakaiwas pa. “Thank you for saving him… for me.” “H-Ha?” parang may kung anong humiwa bigla sa puso ko. It’s breaking me, slowly. “Alam mong malulungkot ako kapag nawala si Josh, right? That’s why you grab him tight away from that spot. Tama ako di ba? Y-You did it for me?” Sh*t! I don’t know what to say. “You did it for me and not because y-you love him d-di ba?” Pumikit ako ng mariin. Should I say the truth? Or should I keep my feelings myself? “Ericka?” I opened my eyes and apologetically looked at her. I have to give up now. It’s unfair with her if I keep on lying like this. “I’m sorry,” mahina kong sabi sa kanya. “No. I-It can’t be…” “I love him. I love—“ hindi ko na natuloy pa ang gusto kong sabihin nang maramdaman ng kaliwang pisngi ko ang malakas na sampal niya. Pareho kaming nagulat sa ginawa niya, pero agad din itong nakabawi. Hinihingal pa itong tumingin sa’kin. “I hate you! I’ll never forgive you!” mahina pero madiing sabi niya. Tumayo ito at saka kinuha ang bag. Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ko sa mata. There was no single trace of the bestfriend I loved. “Akin lang si Josh Ericka. Tandaan mo, I won’t let you have him!” And as she closed the door of the room, I knew by then that our almost decade friendship has come to an end. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD