Chapter 1: His First Day
"I-I have to go," paalam ko bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko sa dining table. Mukha namang wala silang pakialam kaya tahimik na akong tumalikod para umalis. Napakislot pa ako nang bigla kong marinig ang boses na iyon.
"Sandali… sabay na tayo!" Napalingon ako sa kanya at saka napakurap ng ilang beses.
U-oh!
"A-Ate?" I said, unsure of what her reaction will be. When she turned at me, I gulped. Sinamaan niya pa ako ng tingin. Kinuha niya na yung bag niya at nagpatiunang lumabas. Napahinga naman ako ng malalim.
"Ah... ano... ate Euri... k-kaya ko namang mag-isa pumasok eh! Di mo na ko kailangang sabayan," sabi ko sa kanya habang nakatungo. Naramdaman ko namang unti-unti siyang lumapit sa'kin. Pinatong niya yung kamay niya sa ulo ko kaya napapikit na lang ako. I also felt my heart beat’s pattern changed abrubtly.
Is she going to punch me?
"What’s with your reaction? This is your first day in the Elite's Academy kaya sasamahan kita. Baka 'pag hinayaan kitang mag-isa, hindi ka na naman makarating sa opening ceremony nang walang bangas ang mukha!"
Napatingin ako sa kanya at saka nakahinga ng maluwang.
Hayy... kung sana ganito kabait ang ate ko lagi oh!
"Aish!! Kung bakit naman kasi ganyan ang porma mo eh!" sabi niya sabay talikod pasakay ng kotse.
Anong problema sa porma ko? Ganto naman lagi kong porma sa school ah? Makapal na salamin, polo uniform at black slacks, black shoes at big black jansport bag! Komportable naman ako! So anong problema?
Sumakay na ako sa kotse at saka inayos ang seatbelt ko. Inistart naman na niya yung sasakyan at pagkatapos ay tahimik lang kami sa byahe. Ate Euri is my sister and she’s also the Student Council President at Elite’s Academy kung saan ako enrolled. She has this intimidating aura that always scares the heck of me. Mas takot pa nga ako sa kanya kaysa sa parents ko na halos weekly yata kung magbusiness trip abroad.
"Hoy Joshua, umiwas ka sa gulo ahh! Lalong-lalo na sa loob ng campus! Bawal makipag-away!"
"Di naman ako nakikipag-away ahh?"
Kailan ba ko nakipag-away? Ang bait ko kaya! Behave ako lagi… Siya nga ‘tong laging napapaaway sa mga deliquents ng school…
Bilang student council president kasi ay may authority siya para sawayin ang mga estudyanteng sakit ng ulo ng mga professors. Minsan pa nga ay nababalitaan naming maski sa labas ng school ay may mga nakakaaway siya dahil sa pagiging strict niya.
"Tss.. hindi daw.."
Napakunot naman ang noo ko. Wala naman akong naaalalang nakipag-away ako.. nabubully oo pero ang makipag-away? Nah…
Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa parking lot ng school.
"Good morning babe!" Salubong ni Bryle kay ate Euri sa labas mismo ng sasakyan. Hinalikan pa niya ito sa pisngi. Mukhang napansin niya naman ako na masamang nakatingin sa kanya.
"Ui Joshua!! 1st year ka na pala ngayon! Ano ngang course mo?"
"Medicine," maiksi kong sagot sa kanya. Lumabas naman na ako ng kotse at saka hinarap si ate Euri.
"Una na ko ate."
"Ahh sige, magsastart na ang opening ceremony after 15 minutes kaya dumiretso ka na sa hall room."
"Okay."
"Ingat ka ha, itext mo ako 'pag may problema ahh?"
"Yeah sure. Bye!"
Tinalikuran ko na sila. Tss.. naiinis talaga ko sa Bryle na yun! Inaagaw niya ang ate Euri ko sa'kin! Ewan ko ba naman kina kuya Mark at Vince kung bakit tanggap na siya na parang part ng family! Two years na silang nagdedate at parehong graduating. Paano 'pag gumraduate na sila? Baka yayain na ni Bryle ng kasal ang ate ko! Aish!
Sa lalim yata ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang may nabunggo na akong tao.
"S-sorr--" ang laking tao! "-ry" I gulped. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang mapagmasdan ko yung lalaking nabunggo ko. Mas matangkad siya kaysa sa’kin at halatang banat sa workout ang katawan. May ilang bandaids din ito sa mukha, indication na sanay ito sa pakikipagbasag-ulo.
Takte! Lagot yata ako!
"Ang lakas ng loob mong banggain ako bata ah? HAH??!"
"Ah h-hindi ko po sinasadya! S-sorry po talaga!"
"Anong sorry ahh? Alam mo bang hindi ako tumatanggap ng sorry?"
"Ahh kasi a-ano.. ahmm.."
Naku naman, anong gagawin ko?
"Anong nangyayari dito?" napatingin ako sa malaking teacher na bagong dating. Nakasuot ito ng gym uniform kaya sa tingin ko ay P.E instructor siya ng school.
"Ah sir Jorge! Wala po! Nagtatanong lang kasi itong 1st year na 'to kung saan papuntang hall room hehe... di ba?" Tiningnan niya ako na parang nagsasabing makiayon ako dahil kung hindi ay katapusan ko na. Ano ba kasi ‘tong napasukan ko?
"Ah o-opo sir... n-naliligaw po kasi ako..." I said then looked down on my shoes.
"Ahh okay... magsisimula na ang opening ceremony kaya pumunta ka na dun!" Pagkasabi niya nun, umalis na siya.
Wala na... ang pag-asa kong makaligtas…
"Hoy first year, kung inaakala mong tapos na tayo, pwes! Hindi pa! Pumunta ka dito mamaya, kung hindi, sisiguraduhin kong katapusan mo na!" Pagkabigay niya sa'kin dun sa papel, umalis na siya.
Binulsa ko yung papel na inabot niya at saka dali-daling nagpunta na sa hall room.
***
"Siya ba yung kinekwento mo Ephraim? Eh mukhang napakaweak niyan eh!!"
"Oo siya nga... oi bata!! Magpakilala ka sa mga tropa ko!"
"Ahh… ako nga pala si Joshua, 1st year Med student..," pagpapakilala ko sa kanila. Nandito ako ngayon sa address na ibinigay nung lalaki kanina na Ephraim pala pangalan. Mukhang mga estudyante din ng Elite's Academy yung iba pa niyang kasama. Siguro siya ang leader nila…
"Ohhh... med student!! Bagay nga sa'yo.. mukha kang nerd eh! Hahaha"
"Stop it Jared! Walang nakakatawa kaya tigilan mo kakatawa diyan!" Sabi nung babaeng kararating lang. She’s pretty pero mukhang matapang, medyo kapareho niya rin ng aura si ate Euri. She looks like a good fighter at sa suot niyang black jacket na nakabukas with white shirt underneath na tinernuhan ng black pants, she looks like a gangster. Though, a really hot one.
"Ooppss my bad... sorry boss!" sabi sa kanya nung lalaki.
"Boss?" Agad na lumabas sa bibig ko.
"Oo… siya ang boss dito! Magbigay galang ka!" Seryosong sabi ni Ephraim.
"G-Good afternoon po, a-ako po si Allan Joshua Rilorcasa! N-Nice meeting you po!" Iniabot ko ang kamay ko sa kanya.
“Nice meeting you daw? Tsk, nagpapatawa ka ba bata?” sabat nung lalaking tinawag nilang Jared kanina.
"Well I'm Princess Camille Monleon. Ako ang leader ng blaue rosen."
"Blaue rosen?"
"Yeah. This gang… is blaue rosen."
Gang.. they're gangsters?
"Ahh…"
"You looked really confused eh? Well ito kasing si Ephraim, ang sabi niya ay may ipapakilala daw siyang prospective NEW member ng gang kaya nagtipon kami ngayon."
"New member? T-teka... AKO??!"
"Yep! Ikaw. Gusto mo bang maging part ng blaue rosen?"
"Maging isang gangster? Pero isa lang akong hamak na nerd..."
Nagpapatawa ba ‘tong mga ‘to? Mukha ba akong sasali sa isang gang? Hindi kaya may hidden camera sila at nasa isang comedy show ako? Pasimple pa akong tumingin sa paligid pero wala naman akong makitang mga CCTV o hidden cams.
"I don't think Ephraim's capable of having a mistake in recruiting new members. Kaya gusto kong malaman kung bakit ganun na lang ang kagustuhan niyang makilala ka namin."
Ano ba 'tong napasukan ko?
Sinenyasan niya yung lalaking katabi ni Ephraim na ang lakas tumawa kanina. Tumayo naman ito at lumapit sa'kin.
"Oi bata, Jared ang pangalan ko. Wag mong kalilimutan yan at ang ipapatikim ko sa'yo ah?" Pagkasabi nito, nagulat na lang ako ng imbahan niya ako ng suntok sa mukha. Napaatras naman ako.
"T-Teka--" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko, sinipa niya na ko sa tiyan na nadepensahan ko naman ng mga braso ko.
Sh*t! Parang nabali yata yung braso ko!
Sunud-sunod na suntok at sipa ang ibinigay niya. Nung una ay nakakayanan ko pang dumepensa pero nang tumagal na ay wala na akong nagawa kundi tanggapin lahat ng pananakit niya.
"Oi bata! Lumaban ka! Ipakita mo sa'kin yang lakas mo!" Sinuntok niya yung mukha ko. Napaupo ako. Tiningnan niya lang ako na parang nababagot.
Sh*t! Nanlalabo na ang mga mata ko sa sobrang pamamaga nito. Pinilit ko pa ring tumayo kahit masakit na ang mga binti ko.
"Hoy Ephraim! Baka naman nagkamali ka talaga ngayon? Tingnan mo nga? Ni hindi na siya makatayo ohh!"
"Nagsasayang lang tayo ng oras dito eh!"
"He's so weak!!"
Rinig ko mga boses nila pero hindi ko na maaninag ang mga mukha nila. Ang alam ko lang, sobrang nanghihina na ako.
"But hè's the Ice Queen's brother kaya I expect a lot from him,"
Ice Queen... si Ate Euri yun ahh…
"Talaga? Eh kung si Euridice na lang kaya kunin natin?"
"Oo nga I wanna fight her! I wanna see her bathed with blood! Hahaha"
"That's a good idea!"
Si Ate Euri…
"Wag niyong… gagalawin... si Ate Euri!!!!!!!"
Tumayo ako't sinuntok yung kalaban ko pero naiwasan niya agad ito at sinuntok niya ako ng malakas sa may sikmura. Tumilapon ako.
Ang huli kong naaalala ay yung tunog ng kung anong nahulog at tuluyan na akong nawalan ng malay.
***
Dinilat ko ang mga mata ko at inilibot ang tingin sa paligid. Tumambad sa akin ang puting dingding sa kaliwa at pintong nakasarado, sa tabi ko ay may lamesa kung nasaan nakapatong ang cellphone ko. Sa kanan naman ay may sliding door na nakabukas na mukhang papunta sa may veranda.
Teka... this is not my room!
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae. "Buti naman at gising ka na!" Kung tama ang pagkakaalala ko, siya yung babaeng kasamang dumating nung tinatawag nilang boss kagabi.
"Ahh… anong nangyari?" Tanong ko.
"Hindi mo maalala?"
"Ang huling natatandaan ko lang... sinugod ko yung lalaking nagpakilalang Jared ng suntok tapos sinipa niya ako sa sikmura tapos nawalan na ako ng malay?"
"Hmm... so hanggang dun lang pala ang naaalala mo..," mukhang napaisip ito bigla.
"A-Ano bang nangyari pagkatapos nun?"
"Ahh wala naman... binuhat ka lang nila Ephraim at inihiga dito. Kung ready ka ng umalis, sumunod ka na lang sa labas at may naghihintay sa'yong sundo," pagkasabi niya nun, tumalikod na ito at lumabas.
Teka... sinong sundo? Inayos ko yung suot kong salamin at tiningnan yung oras sa suot kong wrist watch. Oh men! 11 na?? Hindi na ako nakapasok ng school!
Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwartong yun. Nadatnan ko naman sa living room si Ephraim at yung babaeng bantay ko kanina. Napatingin ako kay Ephraim.
"Oh gising ka na pala! B-Bakit ganyan ka makatingin?"
"Ah w-wala! Ah ano.. kasi.. anong nangyari sa'yo?" Tanong ko. Ang dami kasi niyang sugat at pasa sa mukha at katawan.
"Hindi mo maalala?"
"Hah?"
"Tss! Wala! May nakaaway lang kami!" Sabi niya sabay iwas ng tingin.
"Asan yung iba?"
"Si boss pumasok na sa school kasama si Miggy at Rom tapos sila Alvin at Jared nasa hospital. Kami lang nitong si Jade ang nandito't hinihintay kang magising."
"Ahh.. teka bakit nasa hospital yung dalawa?"
"May NAKAAWAY nga kasi kami kagabi! Grabe yung nangyari dun sa dalawa kaya ayun! Dinala namin sila sa hospital!"
Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi nila ako sinabay sa pagdala sa hospital kaso nakakahiya naman. Isa pa, parang hindi na naman masakit yung katawan ko.
"Yung sundo mo nga pala nasa may garden."
"Hah? Sundo? Sino?"
Kinabahan ako bigla. Tumayo naman si Jade para siguro ihatid ako doon. Sh*t naman! Sana si kuya Mark lang… sana hindi si--
Natigilan ako sa paghakbang ng makumpirma ko kung sinong sundo ko.
"Gising na siya…” sabi ni Jade dito.
"Ohh.. salamat sa pag-aalaga sa kapatid ko, mauuna na kami."
Tinanguan lang ito ni Jade at saka tumalikod paalis. Nagsimula na rin siyang maglakad papunta sa kotse niya kaya tahimik na lang akong sumunod dito. Tahimik lang kami sa byahe.
Taena! Mas lalo akong kinakabahan ah!
Saglit lang at nakarating na kami sa bahay. Nakasunod lang ako sa kanya papasok.
Tumigil siya bigla at inambahan ako ng suntok sa mukha na itinigil niya mga 1cm sa harap ng mukha ko. Dama ko yung pwersang pinigil niya para suntukin ako.
"I told you not to get involved with any fights, right? Now what have you done? Hah?!" Ibinaba niya yung kamao niya at kinwelyuhan ako.
"S-sorry…"
"Look at you! You're a mess! Unang araw mo pa lang sa school nasangkot ka kaagad sa gulo! At ang mas worse, sa grupo pa ng gangsters!"
"Hindi ko naman sinasadya eh! Hindi ko na uulitin, promise!"
"Paanong hindi mo na uulitin eh member ka na nila?"
"What?"
"Their boss talked to me and she said that you are their new member!"
"Pero hindi ko naman gustong sumali ah! Isa pa... bakit naman niya ko isasali eh nabugbog nga lang ako't walang nagawa kagabi?"
"Aish!! Ewan ko sa'yo Joshua! Basta hangga't maaari wag kang makikipag-away! At saka, ingatan mo nga yang salamin mo! Mahal ang pagkakabili ko d’yan tapos hindi mo iniingatan?"
"Ahh oo iingatan ko, pasensya na ulit"
"Oh siya, bukas ka na lang pumasok! Ako na ang bahalang kumausap sa mga profs mo. May klase pa ako kaya maiwan na muna kita diyan!"
"Ah teka!!"
"Bakit?"
"Ikaw ba yung bumugbog kina Ephraim kagabi?"
Tiningnan niya ko sa mata at pagkatapos ay tumalikod.
"It's not me…" parang may binulong pa siya pero hindi ko na ito narinig.