Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Nagpahatid na lang ako dun sa family driver kasi mukhang badtrip pa rin sa'kin si Ate Euri. Naglalakad ako sa corridor nang may marinig akong nag-uusap malapit sa'kin.
"Oh look Bianca, isn't he the nerd na nagconfess sayo nung highschool?"
Bianca?
Napalingon ako bigla sa mga ito at napatitig ako sa mukhang 'yun. She has a rounded face with dazzling eyes and pink lips. Matangos din ang ilong niya at mayroon siyang mahabang buhok na umaabot hanggang sa maliit niyang bewang. Nagtama ang mga mata namin pero dagli niya rin itong iniiwas sa'kin. Mukhang nataranta naman siya bigla.
"Ano ba girls, I don't know him!"
Ouch!
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Kahit pa sinasabi ng utak kong umalis na sa lugar na yun at wag na silang pansinin ay hindi ko naman magawa.
"You know my ideal man di ba? Definitely not like him! Kaya tigil-tigilan niyo ako dyan!," mataray pa nitong sabi sabay irap sa'kin.
"Ohh... poor nerd, sana kasi naambunan ka rin ng kasikatan at kagwapuhan ng kuya Mark mo noh o di kaya ng ate Euri mo!" dagdag pa ng isang kaibigan nito. Sabay-sabay pang nagtawanan ang mga ito at saka ako nilagpasan. Napakuyom na lang ako sa inis.
Sh*t!
"Pumapayag kang insultuhin ng mga ganung babae? Tss.. pathetic!"
Nilingon ko yung nagsalita sa likod ko at nakita ko siya—isang babaeng naka-pony-tail at nakasumbrero, nakablack jacket na ipinatong sa school uniform at high socks.
"Ikaw yung…" pilit kong hinagilap sa memorya ko yung name niya kaso hindi ko talaga maalala. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"I'm Camille, tsk! Kinalimutan mo kaagad ang pangalan ng boss mo?" Mataray nitong sabi.
"Boss?" takang tanong ko.
"Hindi pa ba sinabi sayo ng ate mo na member ka na namin?"
Bigla ko namang naalala yung mga nangyari nung isang gabi at yung naging pag-uusap namin ni ate Euri kahapon.
"So mukhang naalala mo na. Pumasa ka sa test kaya member ka na ng gang. At bilang new member, meron kang dapat gawin."
"Wait! Kasi.. ano.. h-hindi ko gustong sumali sa gang niyo. You see, I'm just an ordinary student, isang typical nerd. I'm sure wala akong maikocontribute sa gang niyo kaya pasensya na!" Nagbow ako sa kanya at akmang tatalikod na nang magsalita siya ulit.
"Hindi ba ang tipo ni Bianca Marie Fortez ay yung mga gangster type? Chance mo na 'tong maging gangster! Malay mo dahil dun, magustuhan ka na niya?"
"Imposible yun. Hindi bagay sa'kin ang maging gangster. Magmumukha lang akong trying hard! Bakit di ka na lang maghanap ng ibang papayag maging member niyo? Yung malakas at maangas tulad niyo? Hindi yung tulad ko na--"
Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil inambahan niya ako ng suntok na nasambot naman agad ng kanang kamay ko.
"Nice reflexes!" Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, member ka na namin. Pinag-usapan na namin yan ng ate mo kaya wala ka ng magagawa!" Binaba na nito yung kamao at nakangiting tiningnan ako.
"Papano mo napapayag si ate?"
"Sasabihin ko sa'yo pag nagawa mo ang unang misyon mo.”
***
Ilang beses ko ng sinubukang kontakin si ate Euri pero wala talagang nasagot.
Sh*t! Pa'no to ngayon? Kasalanan ‘to nung maangas na babae kanina eh! Aish!
Nandito ako ngayon sa isang cafeteria at nagbabantay. Sabi kasi nung… okay, ni boss eh may gangster daw na dumadaan sa lugar na 'to pag ganitong oras. Ang misyon ko ayon sa kanya ay ang siguruhing walang masasaktang sinuman ang grupong yun. Medyo hindi ko nga nagets nung una pero nang lumaon, naintindihan ko na. Ang gang na nasalihan ko ay mga good gangsters, sila yung naikipagbasag-ulo sa mga kapwa gangsters o kaya ay sa mga masasamang tao para walang gulong mangyayari sa nasasakupan nila. Yung ganun? So naisip ko, baka ‘yun yung dahilan kung bakit pumayag si ate Euri.
Dahil sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayang dumating na pala yung grupong hinihintay ko. Mukhang mga estudyante sila sa ibang school na sanay sa pakikipagbasag-ulo, mga naka-uniporme sila pero bukas ang mga polo at yung iba ay nakasampay lang sa balikat. Napalunok naman ako nang marealize ko kung ilan sila.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
LIMA?? Sh*t men!
Ang sabi ni boss, tatlo lang ang madadatnan ko? Eh bakit lima 'to? Mukhang kailangan ko ng magdasal na sana ay tahimik lang silang umalis agad!
"A-aray! Ano ba! Bitiwan mo nga ‘ko!" napalingon ako sa pwesto nila nang mapansin kong may babae na silang hawak-hawak. May suot itong salamin at naka-uniform din tulad ko.
"Aray! Ano ba! Bitiwan mo nga ‘ko! Hahaha at ano sa tingin mo? Susundin kita ha?!" panggagaya pa nito sa babae kanina. Natataranta naman ako. Dinial ko kaagad yung number ni boss kaya lang ay cannot be reached!
Sh*t! Anong gagawin ko?
"Teka nga, tanggalin natin yang salamin mo!" sabay hablot nung isa sa suot nitong salamin.
"Hey give it back!"
"Ohhh.. maganda rin pala pag walang salamin eh! Eh yang buhok mo kaya?!" hinablot nung isa pa yung buhok nito dahilan para bumagsak yung mahaba nitong buhok. Mukhang naiiyak na yung babae. Tawa ng tawa naman yung mga panget na gangster.
Ah sh*t! Bat ba parang nagnanarate na lang ako dito?
Nung hinablot nung isa pa yung gamit nung babae, hindi na ako nakapagpigil pa. Agad akong lumapit sa mga ito.
"Bitiwan niyo siya!" sigaw ko. Natahimik naman sila saglit at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay malakas silang nagtawanan.
"Hahaha pre, may isa pang nerd oh!!"
"Ano, feeling bayani bata? Haha pinapaiksi mo buhay mo 'toy!"
Napalunok ako bigla. Pero nung nakita ko yung mukha nung babaeng hawak nila, yung mata niyang humihingi ng saklolo, napakuyom na lang ako ng kamao.
"Ohh.. mukhang galit si nerd oh! Bakit, ayaw mong may naaaping gaya mo? Hahaha," naramdaman kong pinalibutan na nila ko. Hawak pa rin nung isa sa leeg yung babae na umiiyak na.
Inambahan ako ng suntok nung isa sa mukha pero nakailag ako.
"Woah! Maliksi mga pre!"
"Hah! Apat kasi mata kaya ganyan!"
"Ganun? Eh di bawasan natin ang mata hahaha," sinunggaban nung isa yung salamin ko tapos naramdaman kong may sumipa sa'kin mula sa likod.
"Sh*t! Ibalik niyo yang salamin ko!," sabi ko habang kinukusot ang mata ko at dahan-dahang tumayo.
"Bakit? Wala ka na bang makita ha? NERD?! Hahaha"
Jeez! Umiinit ang pakiramdam ko. Niluwangan ko yung suot kong polo at hinawi yung buhok ko pataas. Ewan ko ba, parang bigla-bigla na lang nag-init yung buo kong katawan at gusto kong magwala. Tiningnan ko sila at ewan ko pero napatawa ako bigla.
"Hah! Baliw na yata mga pre! Tumatawa nang walang dahilan oh!"
"Mga ulul! Ang lakas ng loob niyong harapin ako ah? Tss…" binigyan ko sila ng nakakalokong ngiti.
"Aba't niloloko tayo ng gag*ng to mga pre!"
"Baka naman dahil sa takot ay kung anu-ano ng nasasabi niyan? Hahaha"
"Aish! Laban na! Puro dada eh!!" sabi ko tapos nagsuguran na sila sa'kin. Lahat ng atake nila ay naiwasan ko. Isa-isa ko silang pinatumba. Pinagsusuntok ko sila sa mukha hanggang sa hindi na 'to makilala pa. Great! Mas lalo pa kong ginaganahang makipaglaban!
"T-tama na! Maawa ka sa'kin!"
"Hah! Maawa? Wala yata yan sa vocabulary ko?" nakangising sabi ko sa kanya. Akmang susuntukin ko pa ito nang--
"Tumigil ka na! Maawa ka sa kanya! Baka mapatay mo siya!" sigaw nung babae. Nilingon ko ito. Napalunok naman yung may hawak dito.
"Ahh… may isa pa pala!" tumayo ako at binitiwan yung binubugbog ko. Nilapitan ko yung natitira pang lalaki na halatang kinakabahan na.
"W-Wag kang lalapit! Gigilitan ko ng leeg tong babaeng 'to!"
"Tss! I don't care! Go on!" sabi ko na na nagpalaki ng mata nito at ng babae.
"Hah! Baliw ka!" sinugod ako nito ng kutsilyo pero nasipa ko kaagad siya sa sikmura. Tumalsik ito sa isang sulok. Lumapit ako dito para pulutin yung kutsilyo.
"T-Teka, wag mong sabihing—“ rinig kong sabi nung babae. Tumawa lang ako nang nakakaloko at lumapit na sa lalaking hanggang ngayon ay nahihirapan pa ring tumayo.
"Huwag!"
Sasaksakin ko na sana yung lalaki pero biglang may yumakap sa'kin mula sa likod.
"Please... stop it! Please..."
May nagsasabi sa'king lumaban pa, dahil hindi pa ubos ang kalaban. Pero…
"Please... I know you're not a bad guy... you're not a killer, so please stop!"
Ramdam ko ang pag-iyak niya. Tiningnan ko yung hawak ko. Pagkatapos, tiningnan ko yung mga lalaki sa harap ko.
Anong…
Bigla na lang lumabo ang paningin ko at tuluyan ng nagdilim ang lahat.