Chapter 3: The Rescued Girl

1159 Words
The Rescued girl’s POV After mawalan ng malay yung lalaking nagligtas sa’kin ay tinawagan ko kaagad yung family driver namin. Nagtaka pa nga si Manong Bart kung sino yung akay-akay kong lalaki kaya ipinaliwanag ko sa kanya yung nangyari. “Naku ma’am, buti na lang pala at dumating siya kundi ay baka napano na kayo!” “Oo nga manong eh! Natakot talaga ko kanina! Hayss..” “Eh kung bakit mo naman kasi ako tinakasan na naman ma’am?” “Oooppss!!,” nagpeace-sign na lang ako sa kanya. Eh kasi naman may pinuntahan pa ko dun eh… Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan ako ni manong Bart para buhatin yung ‘hero’ ko paakyat ng kwarto. Buti na lang wala sila mommy kundi katakot-takot na tanong ang aabutin ko nito! “Ako na pong bahala sa kanya manong, pwede na po kayong lumabas, salamat po!” Tumango na lang ang matanda habang pangiti-ngiti pang lumabas. Nagbihis na muna ako ng pangbahay tapos umupo ako sa tabi nito. OMO! Ang gwapo pala niya lalo na ngayong wala siyang salamin! Kinuha ko sa bag ko yung salamin nito na pinulot ko kanina. Inilagay ko ito sa mesa sa tabi nito. Hmm… pero kakaiba siya ah? Nung una kasi akala ko ang weaaaaaaaaaaaaak weak niya! As in! kaya nga natakot ako nung sa dami ng pwedeng lumapit at tumulong sa’kin eh siya pa ang lumapit! Pero nung kinuha nung isang goon yung salamin niya... parang nag-iba siya? Weird. Pero ang cool! Parang yung mga nababasa ko lang sa mga shoujo manga!! Kakoiii!!! Napansin ko yung I.D na suot niya at tiningnan ito. Sabi ko na nga ba at same school kami eh! Hmm... Allan Joshua S. Rilorcasa pala ang name niya.. nice name!! Pero teka, Rilorcasa? Kaapelyido niya yung sikat na Ice Queen sa school? Hindi kaya magkamag-anak sila? Ihhhhh!!! Idol ko yun ihhh!!! Pag nagkataon.. OMG!! Teka, bakit kinikilig ako? Napagawi naman yung tingin ko dun sa likod nung I.D tapos may nakita akong contact number. Oo nga pala! Dapat tawagan ko na yung mom or dad  niya!! Kinuha ko yung phone ko at kinontak yung number na nakuha ko dito. Ilang rin lang at may sumagot na sa kabilang linya. “Hello?” “Ahh hello po? This is Ericka Basilonia.. ahm.. regarding Joshua Ri—“ "You’re with Josh? Where is he?” “Ahh eh nasa bahay ko po siya ngayon—“ “What?” “Ahm eh yun nga po.. nawalan po kasi siya ng malay kanina—“ “Sh*t!! anong address yan at pupunta ko?” “Ahh sa Parkview Village po.. Blk 22 Lot 12” “Got it! Papunta na ko diyan! Salamat!” *toot toot* O-kay. Halos lahat ng gusto kong sabihin lahat di natuloy? Pero teka, sabi niya pupunta siya dito? At base dun sa boses ng nakausap ko, halata naming babae yun at medyo bata pa? Ate niya kaya? O... girlfriend? Halaa erase that broken heart!! W-wala naman akong paki kahit m-may girlfriend na siya eh!! He just saved me! Ni hindi niya nga ko kilala di ba? Pero okay lang naman siguro kung magiging crush ko siya di ba? Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. I think I’m blushing right now! Umupo na lang ulit ako sa tabi nito at tinitigan ang maamo nitong mukha. Aha! Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ito. Wala naman sigurong masama kung gagawin ko ‘tong wallpaper di ba? Hihihi Maya-maya pa’y nakarinig ako ng mga katok mula sa pinto. Tumayo ako para buksan yung pintuan at nakita ko si yaya Carol. “Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa baba..” “Ah okay po!” sinarado ko muna yung pinto ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko naman ang isang lalaki at dalawang babae na napatayo bigla nung makitang pababa na ako. “Where’s Josh?” tanong agad nung isang babae. Napatulala ako sa kanila. Wait!! "Where is he?" tanong nya ulit. Napalunok ako. "Miss?" sabi nung isa pang babae. Halaa.. parang pamilyar din ito ahh... nakuu… "Aish! Ako na nga! Miss, nandito kami para sunduin yung brother ng girlfriend ko… is he really here?" "B-Bryle Ian Dy?!" Gulat kong sabi. Medyo napatawa naman siya. "Yeah, I'm Bryle.. I'm surprised na kilala mo pala ako.. aren't you a freshman?" Tanong nito. Narinig kong tumikhim naman yung mga katabi nito. "Ahh s-sorry po.. nagulat lang ako," nilingon ko yung babaeng tinawag nitong girlfriend "T-teka, kung hindi ako nagkakamali, i-ikaw po si Euridice Rilorcasa?" Tanong ko dito. Tumango naman ito na parang naiinip. "Wahh!! Sabi na eh!! Oh my!! Idol ko po kayo ate Euri!!" sabi ko sabay hawak sa dalawang kamay nito. "Ah t-talaga? Eh di ba freshman ka lang? Pa'no mo ko nakilala?" "Pinsan ko po si Shanks Gavino, yung classmate mo po?" "Ahh I see..." "Pwede bang mamaya na kayo magkwentuhan? Aren't we here to get that kid?," mataray na sabi nung isang babae. Kung tama ang hinala ko, siya yung leader ng gang na Blaue Rosen—Camille Monleon. Ano kayang relasyon niya kay Joshua? "Ahh oo nga pala.. ano ngang name mo?," tanong ni ate Euri. "Ericka po. Ericka Basilonia... nasa kwarto po sa itaas si Joshua." "What happened to him?" "Ahh niligtas niya po kasi ako mula dun sa mga goons sa may street no.13.." "Niligtas?? How?"  nakakunot pa ang tanong ni Ate Euri. "Binugbog niya po yung mga goons! He's so cool!!" Tuwang-tuwa ko pang sabi. Parang nanahimik naman sila bigla sa sinabi ko. Did I say something wrong? Pinuri ko naman si Josh ah? "H-how did he calm down?"  tanong ni Bryle pagkatapos ng moment of silence nila. "Ahh... nung natalo niya na yung mga goons? Nahimatay siya," sagot ko. "Imposible… maraming tao nang oras na yun sa street na yun… paanong kumalma siya... teka, wala bang nangyaring kakaiba bago siya nawalan ng malay?" alalang tanong ni Ate Euri. She looks troubled too. "Meron pa ba? Gusto niya nang saksakin yung isang goon kaya sigaw ako ng sigaw para pahintuin siya tapos..." napatigil ako at napatitig sila. Napalunok pa ako ng dalawang beses habang naghihintay naman sila ng sasabihin ko. Sasabihin ko ba? Nakakahiya ihh… "Tapos? Hindi siya nakinig sayo? Paano siya tumigil? Kusa lang ba siyang kumalma?" Tarantang tanong nito. "Ahh hindi po! S-sa tingin ko, nakinig po siya sakin nung..." "Nung??" Tanong nilang lahat, hinihintay kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko pa ba? "Ahh nung… ano... n-niyakap ko po siya't pinahinto…" sabi ko sabay tungo. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang magkabila kong pisngi. Bahagya kong itinaas ang tingin ko sa kanila. Iba-iba ang nakita kong reaksyon mula sa kanila—it’s either shock or disbelief. Weird. "Hahahaha this is so interesting Euri sweetie! Mukhang meron ka ng makakatulong sa pagpapakalma sa kapatid mo ah?" nakangiting sabi ni kuya Bryle. Ano daw? Parang di ko yata nagets yung sinabi niya? "Mabuti nga kung ganun. Pero hindi pa rin tayo sure... oo nga pala Ericka, yung salamin ni Josh? Okay pa rin ba?" "Ahm yeah... may konting alikabok lang po kanina gawa nung pagkakabagsak sa lupa pero nalinis ko na naman na…" paniniguro kong sabi. "Good. Did you put it on him?" "Po? Eh tulog naman siya kaya--" Napatayo bigla si ate Euri. Tiningnan niya yung relo niya. "Sh*t! Anytime magigising na siya… pwede mo ba kong dalhin kung nasan siya?" "Ahh okay lang naman po…" tumayo na ko at iginiya sila paitaas. Weird.. bakit parang alalang-alala si Ate Euri sa paggising ng kapatid niya? Ano ba talagang nangyayari? Hmm...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD