Chapter 4: Kiss from a Stranger

1460 Words
ERICKA'S POV Kahit na medyo naaguguluhan pa rin ako sa mga reactions nila, pinili ko na lang na manahimik na muna. Iginiya ko sila papunta sa room ko. Pagkabukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata namin sa tumambad sa’min. Napatakbo naman si Ate Euri sa may bintana na ngayon ay nakabukas na. “Sh*t! nakatakas na naman siya!” inis na sabi ni ate Euri. Ang gulo-gulo ng kwarto ko, nagkalat yung mga gamit tapos wala na si Joshua.  Saan siya nagpunta? “Euri,” tawag dito ni ate Camille. Inabot niya dito yung salamin ni Joshua na pinatong ko kanina sa may table. “Ang pasaway na iyon! Argh!” inis na sabi ni Ate Euri. “Hay naku… hindi na ko magtataka kung paano nagkaroon ng 6th sense yang si Josh at nalaman niyang pupuntahan natin siya!” parang wala lang na sabi ni kuya Bryle. Inirapan lang siya ni Ate Euri. Halaa… san na napunta yung lalaking yun? “Let’s go! Baka hindi pa yun nakakalayo!” madaling sabi ni ate Euri sa dalawa at pagkatapos ay dali-daling lumabas ng kwarto. Naiwan akong natitigilan. Imbes na sundan sila, pinulot ko na lang yung mga gamit na nagkalat. Nung aayusin ko na yung kumot sa may kama, bigla akong nagulat nang may lumabas sa pinto ng CR ko. “Nakaalis na ba sila?” tanong niya sa’kin. Hindi agad ako nakasagot at napatitig lang sa kanya. Lumapit siya sa may bintana at tumanaw. Maya-maya, lumapit siya at tumayo sa harap ko. “Ikaw ang nagdala sa’kin dito?” tanong niya pa. Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko alam pero parang bigla akong nawalan ng lakas para kumilos sa harap niya. Tinitigan niya ako sa mata. Maingat niyang hinawakan yung buhok ko. Parang biglang bumagal ang takbo ng oras sa mundo ko. Halos naririnig ko na din kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko. “What’s your name again?” ang ganda ng boses niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Unti-unting lumalapit yung mukha niya. Ramdam ko yung mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. “E-Ericka,” mahina kong sagot sa kanya. Marahan pa siyang napatangu-tango at pagkatapos ay ngumiti siya. “Hmm… my dear Ericka…” pagkasabi niya nun ay bigla niya akong hinalikan. Napalaki ang mata ko sa pagkabigla. Ramdam ko kung gaano kalambot ang mga labi niya at ang init ng hininga niyang sumasakop na sa bibig ko. Nang mahimasmasan ako ay agad ko siyang itinulak. “W-What are you—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila niya ko ulit at hinalikan. And this time, mas malalim. Ano daw? Basta yung parang mas intense kaysa kanina. Nakakapanghinang halik. Yung halik na parang gustong tunawin lahat ng pagtutol mo. Matapos ang ilang segundo ay binitiwan niya na ako. “Always remember me and my kiss,” bulong niya sa tenga ko. Parang nakalutang pa rin ako hanggang ngayon. Tumingin siya sa may bedside table at kinuha ang phone ko. May kung ano siyang tinype at pagkatapos, ibinato niya ito sa’kin na nasalo ko naman. “I saved my number, better answer your phone when I called okay?” “O-okay…” lumapit siya ulit sa harap ko. “See you next time,” pakasabi niya nun, nilampasan niya na ko at dumiretso sa may bintana. “Hey! Wag ka diyang dumaan!” huli na ang sigaw ko dahil nakatalon na siya. Halaa… tumakbo ako papunta sa may bintana at nakita siya na parang ninja na nakababa. Tumakbo ito palabas ng gate pagkatapos. Tinatanaw ko pa rin siya hanggang sa hindi ko na siya makita. Allan Joshua Rilorcasa… Medyo nabibilisan pa rin ako sa mga nangyayari. Parang kanina lang may mga gangsters na nambully sa’kin tapos dumating siya na parang hero ko tapos dinala ko siya dito sa room ko tapos dumating yung idol ko tapos… waaahhhh!!! Ang first kiss kooooooo!!! “I saved my number, better answer your phone when I called okay?” Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan yung number na sinave niya. Ang niregister niyang name ay AJ? Ahh… initials niya. Pinalitan ko yung contact photo ng picture niya na kinuha ko kanina. Ihhh… ang cute cute niya talaga! Lalo na kapag walang salamin! Inopen ko yung handy diary app ko at nagsimulang mag-type. June 8 Wednesday First kiss from a stranger—AJ Rilorcasa.   JOSHUA’S POV Paggising ko ay napansin kong nasa loob na ako ng kotse. May brasong nakapulupot sa leeg ko at nakasandal ako sa kung sinuman. Tinaas ko ang tingin ko at bahagyang nilingon kung sinong katabi ko. “Buti naman at gising ka na,” may pag-aalalang sabi sa’kin ni ate Euri. Binitiwan niya na ako kaya umayos na ako ng upo. “Anong nangyari ate Euri?” agad kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Nilingon ko yung nasa driver’s seat na si Bryle. “May alam ka ba?” tanong ko dito. Nagkibit-balikat lang ito at pagkatapos ay ngumiti. Tss. Pang-asar lang yata talaga alam nito ei! “How much… do you remember?” narinig kong tanong ni ate Euri. Jeez! Umiinit ang pakiramdam ko. Niluwangan ko yung suot kong polo at hinawi yung buhok ko pataas. Ewan ko ba, parang bigla-bigla, nag-init yung buo kong katawan at gusto kong magwala. Tiningnan ko sila at ewan ko pero napatawa ako bigla. "Hah! Baliw na yata mga pre! Tumatawa nang walang dahilan oh!" "Mga ulul! Ang lakas ng loob niyong harapin ako ah? Tss..," binigyan ko sila ng nakakalokong ngiti. "Aba't niloloko tayo ng gag*ng to mga pre!" "Baka naman dahil sa takot kung anu-ano ng nasasabi niyan? Hahaha" "Aish! Laban na! Puro dada eh!!" sabi ko tapos nagsuguran na sila sa'kin. Lahat ng atake nila naiwasan ko. Isa-isa ko silang pinatumba. Pinagsusuntok ko sila sa mukha hanggang sa hindi na 'to makilala pa. Great! Mas lalo pa kong ginaganahang makipaglaban!! "T-tama na!! Maawa ka sa'kin!" "Hah! Maawa? Wala yata yan sa vocabulary ko?" nakangising sabi ko sa kanya. Akmang susuntukin ko pa ito nang-- "Tumigil ka na! Maawa ka sa kanya! Baka mapatay mo siya!" sigaw nung babae. Nilingon ko ito. Napalunok naman yung may hawak dito. "Ahh… may isa pa pala!" tumayo ako at binitiwan yung binubugbog ko. Nilapitan ko yung natitira pang lalaki na halatang kinakabahan na. "W-wag kang lalapit! Gigilitan ko ng leeg tong babaeng 'to!" "Tss! I don't care! Go on!" sabi ko na na nagpalaki ng mata nito at ng babae. "Hah! Baliw ka!" sinugod ako nito ng kutsilyo pero nasipa ko kaagad siya sa sikmura. Tumalsik ito sa isang sulok. Lumapit ako dito para pulutin yung kutsilyo. "T-teka, wag mong sabihing—“ rinig kong sabi nung babae. Tumawa lang ako nang nakakaloko at lumapit na dun sa lalaking hanggang ngayon eh nahihirapan pa ring tumayo. "Huwag!" Sasaksakin ko na sana yung lalaki pero biglang may yumakap sa'kin mula sa likod. "Please… stop it! Please..." May nagsasabi sa'king lumaban pa, dahil hindi pa ubos ang kalaban. Pero… "Please... I know you're not a bad guy... you're not a killer, so please stop!" Ramdam ko ang pag-iyak niya. Tiningnan ko yung hawak ko. Pagkatapos, tiningnan ko yung mga lalaki sa harap ko. Anong… Bigla na lang lumabo ang paningin ko at tuluyan ng nagdilim ang lahat. Napapikit ako. Panaginip ba yun? But it feels so real. “I think… I had a really bad dream, right?” Imposibleng totoo yun di ba? Napabuntung-hininga si ate Euri at pagkatapos, tinitigan niya ko sa mata. “It’s not a dream. It’s the real you Josh.” “Ha? Anong sinasabi mo ate Euri?” naguguluhan ako sa sinasabi niya. “The one who fought Blaue Rosen’s members the other day as well as the gangsters earlier, it was you.” “Me?” pilit kong inalala yung mga nangyari. Akala ko panaginip lang sila. Akala ko hindi sila totoo at gawa lang ng imagination ko. Pero… something inside me is telling me that… it’s all real. “You have a dual personality disorder. When you don’t have the glasses, you became a violent person. Kaya sabi ko sa’yo wag na wag mong hahayaang mahuhubad yan sa’yo remember? Because it acts like a trigger,” seryoso niyang sabi sa’kin. “Kung ganun, nagiging bayolente ako kapag hindi ko suot ang salamin ko?” may tinatago akong ganung pagkatao? “Yeah and even your personality changes.” “Pero, paano ako nakakabalik sa dati? I mean… sa original self ko?” “Kailangan mo lang makatulog. Paggising mo okay na,” bale-wala lang na sagot ni ate Euri. Kaya pala, kada gigising ako parang di ko maalala kung anong nangyari… napatangu-tango ako. “I told you about this para mas mag-ingat ka. You’re dangerous when you’re not in glasses, remember that Josh,” yun lang ang huling sinabi ni ate Euri at pagkatapos, bumaba na siya ng kotse. Nakarating na pala kami sa bahay. Bababa na sana ko nang marinig magsalita si Bryle. “You can always protect yourself and everyone else whenever you wanted, Josh.” “Ha?” napalingon ako sa kanya. “Control. That’s your clue!” nakangiti siya nang sabihin niya yun. Lumabas na ko ng kotse niya at nagtuloy sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. I know what he’s trying to say. If I could control my other self, I can protect everyone I love with my strength. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Why do I have to be like this?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD