Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school. Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin ni ate Euri kagabi. Napabuntung-hininga ako. Hindi pa nga natatapos ang first week ko, parang ang dami na agad nangyari. Pagkababa ko ng kotse, nakita ko si kuya Mark sa di kalayuan.
Teka… maaga din pala siyang umalis ng bahay? Lalapitan ko na sana ito nang biglang may lumapit ditong babae. Parang may biglang kumirot sa dibdib ko. It was Bianca, my first love. Inakbayan ito ni kuya Mark at saka sabay na naglakad palabas ng parking lot.
Mapait akong napangiti. I’m sure walang idea si kuya Mark kung paano ako ginawang saktan ng babaeng ‘yun. Lumabas na ko ng parking lot at tumuloy sa building namin. Pagliko sa may corridor, nagulat ako nang may mabangga akong babae. Nabitawan niya yung mga books na dala niya kaya agad ko siyang tinulungan.
“Naku sorry miss, hindi ko sinasadyang mabangga ka!” tiningnan ko yung babaeng nabangga ko. She’s just staring at me. “Miss?” mukhang bigla siyang natauhan kaya nag-iwas ito agad ng tingin. Napansin kong namula yung magkabila nitong pisngi. Inalalayan ko siyang tumayo pagkaayos ko ng mga librong nahulog niya. “Are you okay?” tanong ko sa kanya. Namumula pa rin kasi yung pisngi niya.
“Ah o-okay lang ako e-AJ…” nakayuko niyang sabi.
“You call me AJ? Woah! Ang tagal na ring walang tumatawag sa’kin niyan ah! AJ ang initials ko pero Joshua or Josh ang tawag sa’kin ng mga kakilala ko. Teka, kilala mo pala ko?” tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
“A-ako yung kahapon na niligtas mo sa Street No.13,” mahina niyang sabi habang nakayuko. May dumi ba ko sa mukha ko at ayaw niya kong tingnan? Teka, siya daw yung babae kahapon?
“Ahhh!! Ikaw yung inaaway nung mga—“ Sh*t! Ibig sabihin, ang babaeng ‘to… “You know what happened yesterday?” tanong ko sa kanya. Tumango siya. Parang mas lalo pa siyang namula. “Teka, are you really okay? Namumula ka!” nag-aalala kong sabi sa kanya.
“O-okay lang ako! M-mauna na ko dadalhin ko pa ‘to sa library!” kinuha niya na sa’kin yung books at nauna nang maglakad. Hinabol ko naman siya.
“Wait miss! I didn’t know your name!” huminto siya saglit at hinarap ako.
“Ericka. I’m Ericka Basilonia,” nakangiti niyang sabi. Ang cute niya pala kapag nakangiti. She looks like a doll with curly hair and eye glasses.
“You can call me Josh. Wait, pwede ba kitang makausap mamaya about sa nangyari kahapon?” saglit siyang napaisip at pagkatapos ay tumango.
“Itetext ko na lang sa’yo yung vacant time ko hindi ko pa kasi saulo,” nahihiya niyang sabi.
“Ah sige sige! I’ll wait for your text! Teka, tulungan na kaya kita diyan sa dala mo?” alok ko sa kanya.
“Ah naku wag na! Nakakahiya na—“ hindi ko na siya pinatapos at kinuha yung ilang books na dala niya.
“Tara!” yaya ko sa kanya at pagkatapos, sinabayan ko siyang maglakad papuntang library.
***
“Okay class dismissed!” sa dami yata ng sinabi ng professor namin, diyan lang yata natuwa ang mga classmates ko. Nagsitayuan na sila at lumabas ng classroom. Yung iba naman na may klase pa sa room na ‘to sa next subject, nagstay. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tiningnan kung may nagtext.
1 message received.
From: +639774231***
1-3pm ang vacant time ko. Sa rooftop na lang ng building nyo. Ericka.
Nagtext nga siya. Wait, kelan ko pala binigay sa kanya yung number ko? Hmm… inayos ko na yung gamit ko at saka lumabas ng room. Tumuloy na ko sa rooftop namin. Nakita ko siyang nakasandal sa may pader habang nakapikit at nakikinig sa earphone niya. Tahimik akong lumapit sa harap niya.
She’s few inches shorter than me, siguro mga 5’4 ang height niya. She has dark blonde curly hair na hanggang taas ng bewang. Meron siyang mahahabang pilik-mata na tinatago ng suot niyang salamin. Maamo yung maputi niyang mukha at bagay sa kanya yung maliit pero matangos niyang ilong. How cute. Hindi ko alam na napalapit na pala yung mukha ko habang dinedescribe siya kaya nang magmulat ito ng mata, bigla itong napasigaw.
“You scared me!” hawak pa nito ang dibdib habang nakasigaw pa ring sabi sa’kin.
“Sorry!” taas ko sa dalawa kong kamay.
“Bakit hindi mo sinabing andito ka na? Saka, anong ginagawa mo sa harap ko?” namumula nitong sabi habang tinatanggal yung suot na earphone.
“Ah wala naman! Parang ang ganda kasi ng pinapakinggan mo kaya hindi kita inistorbo,” napapakamot sa batok na sabi ko sa kanya.
“Okay…” naupo siya sa may sahig at saka ako tiningnan. “Maupo ka, ang taas mo kaya!” suplada nitong sabi. Cute. Napangiti tuloy ako. “Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” she pouted.
“Wala… ang taray mo kasi!” sabi ko sa kanya.
“A-ako mataray? Hindi kaya!!” mas nagpout pa ‘to.
“Tigilan mo yan mukha ka ng pato!” sabi ko sa kanya sabay tawa. Namula naman ito pero maya-maya, tumawa na rin kasabay ko.
“So, anong gusto mong malaman?” tanong niya sa’kin.
“Yung nangyari kasi kahapon, hindi ko maalala yung after… after kong b-bugbugin yung mga gangsters…” napatitig siya sa’kin.
“Seryoso ka?” tanong niya. Tumango ako. “After mong mawalan ng malay, dinala kita sa bahay namin. Pero bago pa man kita bigyan ng first aid, dumating na yung ate mo…” bigla itong natigilan.
“Tapos?” hintay ko sa sasabihin niya.
“Ahh—ayun kinuha ka nila! Hehe” nag-iwas ito ng tingin. Parang kahina-hinala tuloy… pero mukhang tama naman siya kasi si ate Euri yung una kong nakita pagkagising ko.
“Wala ng ibang nangyari?” tanong ko sa kanya.
“W-wala na nga!” yumuko ito at parang nalungkot.
“Paano mo nalaman yung number ko? Saka yung name ko?” tanong ko pa.
“S-sa… I.D mo! Tinawagan ko rin yung ate mo para ipaalam na nasa bahay ka kaya sila nakapunta sa bahay at kinuha ka nga. Kasama niya si kuya Bryle saka yung leader nung Blaue Rosen…uhm… kaano-ano mo nga pala yun?”
“Yung leader ng Blaue Rosen? Ahh… mahabang kwento ei! Pero hindi naman kami ganun ka-close,” sagot ko sa kanya. So ganun lang pala ang nangyari kahapon. Napatingala ako sa mga ulap.
“May problema ba?” tanong niya sa’kin. Umiling lang ako.
“Salamat nga pala ah? Naabala ka pa tuloy,” sabi ko habang nakatingala pa rin.
“Ahh wala lang ‘to kumpara sa ginawa mo kahapon!” mahinang sabi nito.
“Can we be friends?” maya-mayang sabi ko sa kanya. Humarap ako at inilahad ang kamay ko.
“S-sure. Let’s be friends!” tinanggap niya yung kamay ko. Nagkatitigan kami.
"Please.. I know you're not a bad guy.. you're not a killer, so please stop!"
Anong…
***
ERICKA’S POV
“Can we be friends?” maya-mayang sabi niya sa’kin.
Ouch! Friends daw? Ganito ba ang pakiramdam ng na-friendzone? Pero hindi! Minsan naman talaga sa pagiging friends nagsisimula ang lahat di ba?
Humarap siya at inilahad ang kamay niya sa’kin. Huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niya.
“S-sure. Let’s be friends!” nagkatitigan kami. Bigla itong pumikit at maya-maya, hinubad nito yung suot na salamin. Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko. “Ah J-Josh?” tawag ko sa kanya. Hinila niya yung kamay ko dahilan para mapalapit ako sa kanya.
“Remember me my dear?” bulong niya sa tenga ko. Ang lapit-lapit ng mukha niya. Shocks! Ang lakas ng t***k ng puso ko.
“J-Josh ano ba?” mahina kong sabi sa kanya habang pilit inaalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakahawak pa yung isang kamay niya sa bewang ko. Ramdam ko ang paghinga niya sa tenga ko. Parang unti-unti na namang nawawala yung lakas ko.
“It’s AJ, not Josh darling!” napatitig ako sa mga mata niya.
He’s…
“Did you miss me?” sasagot pa lang ako nang bigla niyang angkinin ang mga labi ko. Oh my God! My second kiss! Este third kiss na pala!
Itinulak ko siya dahil nauubusan na ko ng hangin tapos naramdaman kong tumaas yung kamay niya mula sa bewang ko papunta sa likod ng ulo ko. He grabbed me again for a kiss. And this time, parang naramdaman ko yung tongue niya na nageexplore na sa loob ng bibig ko.
Shocks! Is this the French kiss they were talking about? Hindi ko na yata alam kung anong ginagawa ko.
Maya-maya, binitawan niya na ko. Habol ko ang hininga ko habang nakatukod pa rin yung dalawa kong kamay sa dibdib niya.
“That’s your punishment!” seryoso niyang sabi sa’kin. Binitiwan niya na ko at iniayos ng upo.
“Punishment for what?” napatitig ako sa kanya. He’s hotter when not in glasses. And there’s something really different about him…
“We may be sharing the same face but I am the real one,” seryoso niyang sabi. “And I’m the one who loves you,” nakatitig siya sa mga mata ko.
He loves me? Agad-agad?
“Y-you love me?” tanong ko sa kanya. He kissed my forehead.
“I’ve loved you since long time ago…” bulong niya at pagkatapos, pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.
“Anong sabi mo?” hindi ito sumagot. “AJ? Hey!” Nakita ko itong nakapikit na. Sinandal ko ito sa may pader at kinuha yung salamin na inilapag nito kanina. Isinuot ko ito dito. Hinawakan ko yung pisngi niya.
“Ano bang nangyayari sa’yo?” alala kong tanong sa kanya. Inalala ko yung mga nangyari simula nang magmeet kami. Yung mga kilos niya, he seems to be having… a dual personality disorder?
“We may be sharing the same face but I am the real one,” seryoso niyang sabi. “And I’m the one who loves you,” nakatitig siya sa mga mata ko.
I think… I’m starting to fall for you too…