“Hey, wait!” sigaw ko kay Third nang makabawi ako sa pagkabigla. Agad naman niyang binitiwan ang kamay ko at saka nakakunot ang noong humarap sa’kin. “What?” “B-Bakit ka ba nanghihila? Saka ano ba yung s-sinabi mo kanina sa harap ni Roan?” nakatungo ko pang tanong sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay nag-iinit pa rin ang magkabila kong pisngi. “What about that?” Inis na tiningnan ko naman siya. Gusto niya ba talagang sabihin ko pa ulit kung anong kakasabi niya pa lang kanina? Aish. “You told him, I’m yours! What if he misunderstood and—“ “Why, do you like him?” “Ha? Hindi pero—“ “Then there’s no problem,” bale-wala lang na sabi nito at saka tumingin sa suot na relo. Napanganga na lang ako sa nakuhang reaksyon mula dito. “I have 9:30 class. Samahan mo na ko sa room ko!” “What?” “Yo

