So ibig sabihin, nakita mo rin siyang tumatakbo palayo sa crime scene kaninang umaga?” tanong ng police officer sa harap ko. Matapos kasing pumasok sa loob ng kwarto si Josh este si Third ay naiwan ako sa kitchen kasama ang tulog na lalaking namukhaan kong yung lalaking nabunggo ko kanina sa palengke. Tumawag agad ako ng pulis at inireport ang nangyari.
“May nahulog po kasi siyang amulet na may lamang SD card kaya sa tingin ko, yun po ang dahilan kung bakit niya kami pinasok,” sagot ko sabay abot sa amulet. Isinilid naman niya ito sa isang transparent plastic container.
“Siya si Mr. Juanito Santos, isa sa mga itinuturing na possible suspects sa pagkamatay ni Mrs. Gina Flores, yung babaeng sinaksak sa palengke kaninang umaga. Posibleng may kinalaman ang SD card na ito sa kaso kaya mabuti na lang at naretrieve namin ito. Maraming salamat sa tulong mo Ms. Ericka,” nakangiti nitong sabi.
“Ahh mabuti naman po at mukhang malulutas na ang kaso,” sabi ko sa kanya.
“Sino nga palang bumugbog kay Mr. Santos?”
“Po? Ah eh…” Sasabihin ko ba ang tungkol kay Third? “Ako po?” gulat itong napatingin sa’kin. Sabi ko nga, hindi kapani-paniwala ei. “Joke lang po! Yung friend ko yung bumugbog sa kanya. Nasa kwarto niya po siya at nagpapahinga.”
“Hindi ba namin siya pwedeng mahingan ng statement?”
“Ahh kasi… pasensya na po, mahiyain po kasi yun. Hindi po siya sanay humarap sa mga tao,” nilungkutan ko pa ang boses ko para mapaniwala ko siya.
“Ganun ba? Sige, kung ganun ay mauna na kami. Ipapatawag ka na lang namin kapag kailangan na naming kunin ang official statement mo as the prime witness of this case,” tumayo na si officer at saka sinenyasan ang mga kasama niyang pulis. Maya-maya pa’y naiwan na akong mag-isa sa living room. Ang tahimik.
Okay lang kaya si Third?
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng kwarto niya. Hahawakan ko na sana ang doorknob nito nang bigla itong bumukas.
“Are they gone?” he asked with a very cold voice.
“Uhh yeah,” napatitig ako sa abs nitong parang nang-aakit. Why is he half-naked? Napataas ang tingin ko sa mukha niya. His forehead was curled and was looking at me as if I was a big distraction on his view.
“Buy all these things!” may idinikit itong papel sa noo ko at pagkatapos ay pinagbagsakan niya na ulit ako ng pintuan. What the heck?
Tiningnan ko naman yung papel na ibinigay niya. List of pain killers, gauze, alcohol and other first aid stuffs. I looked at his closed door.
“T-Third… ayaw mo ba talagang pumunta sa hospital?” napabuntong-hininga na lang ako at saka tumuloy sa kwarto ko. Kinuha ko yung wallet ko at saka lumabas na ng bahay. Ilang minuto din akong napatulala nang marealize kong nasa loob pala kami ng isang private resort. Wala akong pwedeng sakyan palabas and I don’t know how to drive!
Tumingin ako pabalik sa loob ng bahay. Imposibleng mapapayag ko siyang pumunta sa ospital.
Argh! Sorry Josh, sorry AJ!
I took my phone from my pocket at saka ito in-ON. Tinawagan ko kaagad si ate Euri para sabihin kung anong nangyari. They’re coming. Halos 5 minutes lang ang lumipas at dumating na agad si ate Euri na may dala-dala pang pangfirst aid.
Bakit ang bilis niya?
“Where is he?”
“Nasa kwarto po!” sinamahan ko naman siya sa kwarto ni Third at pagkatapos ay kinatok namin ito. Maya-maya lang ay bumukas na ito at iniluwa si Third na hindi pa din nagsusuot ng damit pang-taas. May hawak lang itong panyo na pinangtatakip sa ulo nitong dumudugo.
“Euri,” mahinang sabi ni Third pagkakita kay ate Euri.
“Anong Euri ha? Wala ka ng galang?” sigaw ni ate Euri dito at saka ito inambahan ng suntok na naiwasan naman ni Third.
“Hey nerdy b*tch! Why is Euri here?” tanong niya sa’kin. Kung siguro nakakasakit lang ang tingin, baka namurder na ko ngayon dahil sa sama ng tingin niya sa’kin.
“Akin na yang ulo mo’t gagamutin na natin!” hinigit ni ate Euri ang tenga nito at saka kinaladkad papunta sa kama.
“Hey what are you doing? Damn it!” apela pa ni Third pero nagawa naman siyang paupuin ni ate Euri sa kama. Para siyang wild tiger. Nakakatakot. Parang laging mangangagat.
Oh my, magtake-over na sana si Josh please?
Nagawa naman itong bigyan ng first aid ni ate Euri. Hindi naman daw masyadong malaki ang naging sugat nito. And besides, natahi na daw ni Third ang sugat niya kaya ang kinailangan na lang gawin ni ate Euri ay ayusin ang pagdudugo nito.
Oo nga pala, medicine student si Josh. Pero to think na kaya niyang tahiin ang sarili niya? Isn’t it amazing? Parang mas nadagdagan pa tuloy ang paghanga ko sa kanya.
“Will you please stop looking at me with admiration? It’s disgusting!” halos mapatalon ako sa gulat nang lumingon ito sa’kin at sigawan ako.
“Masama bang tumingin sa’yo?” napasimangot ako.
“Yeah, especially for an ugly nerd like you!”
“What?” parang biglang tumaas ang dugo sa ulo ko. What a jerk! Nagmamartsang lumabas na lang ako ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko at saka tumingin sa harap ng salamin.
How dare that Third! Tawagin daw ba kong ugly nerd? Ako?
I looked at my own reflection and took off my eye glasses. Maganda naman ako ah? Simple nga lang. Napatungo ako. I felt depressed. Ganito ba ang pakiramdam ng masabihang panget ng taong gusto mo? Pero teka, hindi naman siya si Josh ei! Hindi rin siya si AJ! Tama! Hindi ko na lang papansinin ang mga sasabihin niya!
Napabalik ako sa present nang makarinig ng katok sa pintuan ng room ko. Gumawi naman ako dito at pinagbuksan ko si ate Euri. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya sa living room. Naabutan kong nakaupo sa sofa si kuya Bryle habang nakain ng fried chicken.
“Kain tayo?” yaya niya pa sa’kin.
“Babalik na tayo sa Laguna tomorrow,” sabi ni ate Euri at saka umupo sa tabi ni kuya Bryle.
“O-kay… pero teka, paano po kayo nakarating ditoagad ni kuya Bryle?” halos wala pa kasing 5 minutes mula nang tumawag ako sa kanila nang dumating sila kanina. Ano yun, nagteleport sila from Laguna to Batangas?
“Dumating kami kaninang umaga pero hindi kami dito dumiretso,” sabi ni kuya Bryle at saka isinubo yung hawak na hita ng manok. Bigla tuloy akong nagutom.
“Umupo ka na dito at kumain. Lalabas na rin siguro yung pasaway mong boyfriend maya-maya,” sabi pa ni ate Euri.
Boyfriend?
Naalala ko na naman tuloy yung tinawag niya sa’kin kanina. Ugly nerd.
“Hindi kop o siya boyfriend!” nakasimangot ko pang sabi sabay upo sa pang-sahang sofa. Dumampot agad ako ng fried chicken at isinubo ito.
“Oo nga naman babe, si AJ ang boyfriend niya at hindi si Josh!” natawa pang sabi ni kuya Bryle.
“But that’s not Josh either,” seryosong sabi ni ate Euri.
“Wait, he’s not Josh nor AJ?” Woah!” hindi makapaniwalang saad ni kuya Bryle.
“He’s Third,” sagot dito ni ate Euri at pagkatapos ay tumingin siya sa’kin. “He’s the most arrogant of all his personalities.”
“Teka, akala ko ba dual personality lang meron ang kapatid mo?”
“Because I thought his other personalities have already disappeared!” disappointed na sabi ni ate Euri.
“So, ilan po ba talaga silang lahat?” tanong ko. Napaisip ito bigla.
“I don’t know. Let me see… the violent AJ, the arrogant Third, the suicidal, the geek and the childish?”
“Including Josh… anim po silang lahat?”
Anim na iba’t ibang pagkatao ang nasa loob ni Josh? I think I’m gonna have a headache now, ugh.
“Yeah. That’s why I’ve decided to conceal his other personalities using hypnotism, because we can’t control them.”
“Ahh! Eh di ipa-hypnotize ulit natin si Josh para maging okay ulit ang lahat!” suggest ni kuya Bryle.
“And do you think I’ll just let that happen?” napalingon kaming lahat kay Josh—este kay Third na nakasandal sa may dingding habang nakacrossed arms. He’s looking at me with his dark sharp eyes. Teka, bakit sa’kin lang siya nakatingin ng masama?
“Pero yun lang ang paraan para maging okay ka!” sabi dito ni Bryle.
“Tsk, I’m okay! We… are okay,” nagpause ito saglit at saka tumingin sa’kin. And I don’t know if it’s just me but, his eyes suddenly changed its look, for a moment. My heart skipped a beat so I looked away. Huminga muna ako ng malalim at saka tumingin ulit sa kanya. His eyes was reverted back to his usual cold look. Was it only my imagination? Pero…
“B-baka naman may iba pa pong paraan ate Euri?” I think… he was sad. That look earlier that he made. I saw sadness.
“Like?”
“I… I still don’t know pero… malay po natin, makahanap pa tayo ng ibang paraan di ba? I’ll help!”
Napaisip ito saglit at pagkatapos ay pinalipat-lipat niya ang tingin sa’kin at kay Third na tahimik lang sa isang tabi.
“Fine. But you have to take care of him,” seryoso niyang sabi sa’kin.
“Ako po?”
“Yang panget na yan?” nagpanting naman bigla ang tenga ko nang magreact si Third. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Make sure na wala siyang gagawing gulo kapag wala ako,” dagdag niya pa.
“Baka nga siya pa ang gumawa ng gulo ei!” mahinang sabi nito na halata namang sinadya niya pang iparinig. I rolled my eyes on him. He’s really a jerk! Tsk!
“Wag nga kayong mag-away! Para kayong mga bata!” nakakunot pa ang noong sabi sa’min ni ate Euri. Napasimangot naman ako.
“Woah! Looks like the ugly nerd is getting uglier!” sabay tawa pa nito ng nakakaloko.
“What?” sigaw ko sa kanya.
“Hey, can’t you at least assign a pretty and sexy lady as my body guard instead of her?”
“Don’t just ‘hey’ me jerk! Isa pang beses na hindi mo ko tawaging ate and I swear you’ll be having an early—“
“Ate your face, Euri!”
U-oh!
Inilayo ko ang tingin ko nang biglang kumilos si ate Euri at imbahan ng suntok ang hambog na si Third. “Hey nerd!” sigaw ni Third. Nagkunwari na lang akong walang naririnig. Ilang saglit pa ang itinagal ng pagtuturo dito ni ate Euri ng leksyon bago ito tuluyang makatulog.
“Pasaway na bata! Aish!” sabi pa ni ate Euri habang nagpapagpag. Third was on the floor lying on his back. Napailing-iling na lang ako. Mukhang bukas na gigising ang isang ‘to.
Sana paggising niya, si Josh na ulit siya…
“Uhm… can I ask you a question ate Euri?”
“You’re curious aren’t you?”
“Ha?”
“Gusto mong malaman kung paano siya nagkaroon ng ganitong sakit?” napatingin ako kay Third na binubuhat na ni kuya Bryle.
“He told me it was because of the accident he had two years ago na hindi niya daw maalala…”
“Hmm… actually, that’s not right,” napatingin ako sa kanya. “He was already sicked when he was still a child. Hindi niya lang yun maalala because of the accident two years ago.”
Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
“And if I were to decide, I don’t want his memories to be back. It will only worsen him you know?” I gulped when she looked at me so seriously. “So don’t make him remember it, Eri.”
And with that, some clouded memories seemed to flash on me. A dark room. Children’s cry. Fire. And a little boy’s hand with blood.
“Ericka, are you okay?” I heard ate Euri’s voice. But it seems so far. It feels like I’m disappearing.
What’s happening?
“You’re now safe Eri.”