Chapter 8: Runaway

1436 Words
ERICKA’S POV Anong nangyayari? Bakit parang ang ingay? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bahagya ko pang naaninag ang mga doctor na nagkakagulo sa labas ng kwarto ko. “Ahh…” mahina kong sambit. “Oh gising ka na hija!” buong pag-aalalang bungad sa’kin ni yaya Carol. “Ano pong nangyari? Teka, bakit po sila nagkakagulo?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa may pintuan. “Hindi mo ba maalala? Naaksidente ka kanina habang pauwi kayo! Mukhang nabunggo yung likuran ng kotse niyo ng isang lasing na driver. Pero hindi naman siya tumakas, sa katunayan niyan ay siya pa nga ang tumawag ng ambulansya para madala agad kayo ni manong Bart,” sabi nito. “Ei ano po yung meron sa labas?” taka kong tanong. “Ah yun ba? May lalaki kasi kanina na dumating tapos hinahanap ka! Nang malaman niya kung anong nangyari, galit na galit na binugbog niya yung driver na nakabangga sa kotse niyo!” “Ehh? Sino pong lalaki?” gulat kong tanong. Teka, wag mong sabihing… “My God! Ang sakit sa ulo!” sabi ng doctor na pumasok sa room ko. Pumasok kasunod niya ang isang nurse at saka sinarado na ang pintuan. “Ohh gising ka na!” nakangiting sabi ng nurse. “Okay ka na ba?” Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong maramdamang partikular na parte ng katawan ko na nasakit. “Uhm okay na po ako. Err… sino po yung lalaking dumating? Asan na po siya?” tanong ko. Nabigla ako nang impit na tumili yung nurse. Napaikot naman yung mata nung doctor ko. Halaa? “Ayun pinapagalitan ng mga pulis! Hahaha ang cute ng boyfriend mo kung mag-alala miss!” kinikilig na sabi pa sa’kin ng nurse. “B-boyfriend?” maang na napatingin ako sa kanya. “Oo! Hindi mo ba boyfriend yun? Yung cute guy na may salamin?” “Si Josh!” gulat kong sabi. Napatutop ako ng bibig. Nandito siya? Pero teka, siya yung nambugbog? Don’t tell me… lumabas na naman si… Pilit akong bumangon. Mukhang mga gasgas lang ang natamo ko at wala naman akong malalang injury. Umayos ako ng upo sa kama ko. “Nasa labas pa po ba siya? Pwede ko po ba siyang makita?” tanong ko sa kanila. Ibinaba ko ang mga paa ko. “Oo medyo kumalma na siya ngayon pero parang any moment susugurin pa rin niya yung kawawang driver. Panay na nga ang hingi ng tawad ng pobreng matanda sa kanya pero parang hindi siya nakikinig!” iiling-iling na sabi ni doc. Inalalayan akong tumayo ni yaya at saka lumabas ng kwarto. Nakita ko naman ang hinahanap ko sa di kalayuan. Malayo pa lang ay kita ko na si Josh na kinakapitan sa magkabilang braso ng dalawang pulis, sa harap nito ay isa pang pulis pa na may hawak na notebook habang kinakausap ang isang matandang panay ang yuko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Mukhang napansin ako agad ni Josh kaya nagpumiglas siya mula sa dalawang pulis na nakahawak sa kanya at tumakbo palapit sa’kin. “Are you okay?” agad niyang tanong habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi. Sobrang pag-aalala ang nakita ko sa mga mata niya. “O-okay lang ako…” mahina kong sabi sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. “Ohh thank God you’re okay! Why do you always make me worry huh?” bulong niya sa tenga ko. May kung ano akong naramdaman sa loob ko. Parang biglang nagpupumiglas ang puso ko. Parang gusto niyang lumabas sa sobrang lakas ng pagtibok nito. What’s happening? Pero teka… siya si… “S-sorry… AJ…” mahina kong sabi sa kanya. Napakagat ako sa lower lip ko. Tama ako di ba? Ramdam ko ang malalim niyang paghinga. “I’m glad you recognized me…” bulong niya pa. Parang biglang sumaya ang puso ko sa sinabi niya. “See you again…” huminga ito ng malalim at maya-maya, binitiwan niya na ko. “T-teka, okay ka na Ericka?” tanong niya. He’s gone. Tumango-tango na lang ako. Napahinga ako ng malalim at lihim na napangiti. “Pwede ko na po bang kunin si Josh?” tanong ko sa isa sa mga pulis na nandoon. “Oo! Mabuti pa’t kunin mo na nga yang boyfriend mo miss! Masyadong maiksi ang pasensya at ayaw pa makinig sa’min!” halatang inis pa na sagot nito sa’kin. “Pero hindi ko pa naman siya boyfriend ei…” mahina kong sabi habang nakayuko. “Anong sabi mo?” tanong ni Josh habang takang nakatingin sa’kin. Nginitian ko lang siya at saka umiling. Hinawakan ko na ang kamay niya at saka dinala sa room ko. Wala ng tao sa loob, mukhang lumabas na sila doc at nurse. Pati si yaya Carol wala din. Nasaan na yung mga yun? “B-bakit ka pala nandito? Paano mo nalamang naaksidente ako?” tanong ko sa kanya. “Ha? Tinawagan mo kaya ako!” sagot niya sa’kin. Nagtaka naman ako bigla at pilit inalala ang nangyari. Tinawagan ko ba talaga siya? “Tinawag mo pa nga akong AJ eh?” sabi niya pa. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. OMO! Naalala ko na! Akala ko panaginip ko lang na humingi ako ng tulong kay AJ! Halaa! Nakakahiya! “Ano s-sorry naabala ka pala tuloy! Pasensya na! Baka nagpanic ako kaya natawagan kita!” hinging paumanhin ko sa kanya. Shocks! Bakit ba kasi siya ang tinawagan ko? “Okay lang yun! Hindi ka naman abala sa’kin!” nakangiti niya pang sabi. “Ericka!” napalingon ako sa pinto nang may tumawag sa pangalan ko. Oh shocks! Napalunok ako nang makita ang mom ko na papasok ng room. “M-mom,” mahina kong tawag sa kanya. “What the heck Ericka! Bakit hindi kayo nag-iingat? Tingnan mo ang nangyari? Paano kung makarating ito sa ibang shareholders ng kompanya? Paano kung isipin nila na pinababayaan namin ang sarili naming anak? Hindi mo na kami inisip ng papa mo!” sigaw niya sa’kin. Ramdam kong nakatingin lang dito si Josh. Shiz. Bakit ngayon niya pa ko kailangang pagalitan kung kelan nasa harap si Josh? “S-sorry po…” sabi ko sa kanya habang nakayuko. “Wala ka na talagang ginawang tama kahit kelan!” sigaw pa nito. Napakagat na lang ako ng labi. “Teka lang po ma’am—“ napataas ang tingin ko nang magsalita si Josh. “At sino ka? Bakit ka nandito sa kwarto ng anak ko?” sigaw ni mom sa kanya. “Wala naman pong ginagawang masama si Ericka kaya bakit niyo siya pinapagalitan?” kalmadong tanong dito ni Josh. Parang mas lalong kumulo ang dugo ni mom sa tanong nito. Oh gosh! Baka magrounded ako! “Wala kang alam kaya tumahimik ka na lang!” “Mom! Uuwi na po si Josh! Sorry po!” alalang sabi ko sa kanya. Humarap ako kay Josh at saka ito mahinang sinabihan. “Sige na Josh, umuwi ka na please…” “Anong binubulong-bulong mo dyan sa lalaking yan ha? May relasyon ba kayo? Aba’t marunong ka ng maglandi ngayon?” Tinitigan ko sa mata si Josh hoping na maintindihan niya ang gusto kong mangyari. “Sige na saka na lang tayo mag-usap.” “NO,” matatag niyang sabi. “Ha?” naguguluhan kong reaksyon. “Wala kang kasalanan so you don’t deserve her treatment. Wala akong pakialam sa company nyo, pero may pakialam ako sa’yo kaya hindi kita iiwan,” desidido niya pang sabi. “I’m Allan Joshua Rilorcasa ma’am and I’m gonna take your daughter away from you hangga’t hindi niyo narirealize ang mga maling nasabi niyo,” dire-diretso nitong sabi kay mom. “What the heck?” reaksyon ni mom. “I’m AJ, your daughter’s man. She’s mine now so back off!” pagkasabi ni Josh nun, hinila niya na ko palabas ng room. “T-teka!” Hindi ako pwedeng magkamali, he was AJ. Pero bakit? Paano? Hindi niya naman hinuhubad yung salamin niya ah? Natauhan na lang ako bigla nang makarating kami sa parking lot at makapasok sa kotse niya. May tinawagan agad ito sa cellphone at ako, heto nakatitig lang sa kanya. “Hello ate Euri? This is AJ. I’ll be using our resort in Batangas for a week. I’m with Ericka and we’re running away. I’ll explain everything later bye!” mabilis na sabi nito at saka humarap sa’kin. “Do you trust me?” tanong niya sa’kin. Tumango naman ako. “Good. Fasten your seatbelt now dahil malayu-layo ang byahe natin!” “S-saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng maluwang. OMO! Ang gwapo talaga! “Nagpaalam ako kanina sa mom mo di ba? Sabi ko I’m gonna take you away from her! At nagsabi na rin ako kay ate Euri na we’re running away so okay na!” “Wait,” sabi ko. Nagpoprocess pa yung mga sinabi niya. “Anong ibig mong sabihing we’re running away?” “Tss alam mo yun my dear! We’re running away! Sa tagalog ‘tanan’!” sabi niya sabay patakbo sa kotse. “What? Magtatanan tayo?” sigaw ko sa kanya. “Pansin ko lang nagiging slow ka ngayon my dear,” sabi nito sabay tawa. “Seryoso ka?” “I won’t take over this body for this long if it wasn’t for you!” sabi niya sabay kindat sa’kin. “So ikaw si AJ ngayon? Hindi muna lalabas si Josh?” “Lalabas kapag napagod ako. But I can control myself now hindi katulad noon na kailangan ko pa ng trigger para makawala,” “Trigger?” “My glasses.” “Ahh…” “Now that you are here with me now, I can be my true self.” “True self?” nginitian niya lang ako at ipinagpatuloy na ang pagdadrive. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD