06

1138 Words
Chapter 06 KAIA ROSE POV NANG SUMAPIT ANG WEEKEND ay nagulat ako dahil bigla na lang tumawag sakin si Beth dahilan para magtaka ako. Nasa bahay na ako that time at kararating ko lang galing sa trabaho. Kumakain pa nga ako eh. Dahil nauna ng kumain sila mommy at daddy. Hindi na nila ako naantay dahil anong oras na akong umuwe. " Bakit?" Tanong ko habang tinigil muna sa pagkain ko. " Anong bakit ka diyan. Weekend ngayon girl. Diba manglilibre si pogi?" Anang niya sakin mula sa kabilang linya. Natigilan naman ako at ngayun ko lang naalalang lalabas pala kaming ngayon gabi dahil manglilibre si Calev. Sinabi na niya iyon sakin at nawala lang sa isip ko. Nagkakatext na kami ni Calev simula ng binigay ko ang cellphone number ko. Pero bihira lang dahil hindi naman ako mahilig mag-text o mag-reply. Minsan nga ay si Calev ang madalas ang mag-text para mangamusta. Minsan sa sagot ako sa mga text niya pero minsan hindi. Bakit pa diba? Hindi ko naman siya boyfriend. Hindi ko rin naman siya totoong kaibigan kaya hindi ko siya masyado tenetext. Pero ito namang mga kaibigan ko naman ay walang ginawa kung hindi magtanong kung kamusta na kami ni Calev. Kung makapagtanong akala mo nangliligaw sakin ang lalaking 'yun. " Oo nga pala. Nawala sa isip ko. Pero hindi pa ako nakakapagpaalam kay mommy. Baka hindi ako payagan no'n." Ani ko dahil wala namang celebration para uminom. " Ako bahala. Puntahan kita diyan. Basta mag-ready kana para after kitang ipagpaalam kay tita ay aalis na tayo." Sabi nito sa kabilang linya na para bang tiwalang papayagan ako ni mommy at daddy. " Excited yarn?" Panunudyo ko sa kanya. " Gagi, syempre. Minsan lang tayo ilibre ng isang pogi no? Palalagpasin pa natin?" Parang kinikilig na sabi nito sakin. " Ah, gano'n? Sige sumbong kita kay Will." Nakangiti ko naman pananakot sa kanya dahilan para makapag-mura ang kaibigan ko. " Gago h'wag. Mamaya iwan ako ni Kano." " Takot ka pala eh. Sige na. Tapusin ko lang kinakain ko." Kapagkuwan ay sabi ko para matapos na akong kumain at makaligo na rin. Nakapaghinga na naman ako ng ilang minuto. " Oh sige. Basta mag-ready kana." Wika naman nito na tila siya ang excited samin dalawa na akala mo ay siya ang inimbitahan. Pinatay kona ang tawag saka tinapos na ang pagkain ko. At pagkatapos ay nilagay ko sa lababo ang mga pinagkainan ko. Bahala na si mommy maghugas no'n. Nakita ko naman ang mga magulang ko sa sala's habang nanunuod ng tv. Nagpaalam akong aakyat na pero hindi ko sinabing aalis ako mamaya. Mamaya nalang pagdating ni Beth at baka hindi ako payagan ng mga magulang ko. Actually si daddy papayagan ako no'n. Pero si mommy lang talaga ang mahigpit sa kanilang dalawa. Kaya hirap akong magpalaam kay mommy. Sana lang talaga ay payagan ako mamaya kundi ay hindi ako makakasama sa kanila. Pagdating sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo na. Kaagad akong naligo pero mabilis lang. Ayaw ko kasing umalis ng bahay na hindi naliligo. Nakakahiya naman kay Calev kapag may naamoy siya sakin. Maya-maya'y natigilan ako. " Kailan pa ako naging consious at bakit ako mahihiya? Hindi ko naman siya boyfriend." Pagkausap ko sa aking sarili habang naliligo sa loob ng banyo. Nang matapos maligo ay kinuha ko ang tuwalya sa sabitan saka pinunas sa katawan bago tinapis. Paglabas ko ng banyo ay narinig kung tumunog ang cellphone ko kaya nagmamadali akong lumapit doon at tinignan kung sino ang tumatawag. Natigilan ako ng makita ko ang pangalan ni Calev sa screen. Hindi ko naman malaman kung sa sagutin ko ba o hindi. Para kasing nahihiya ako dahil katatapos ko lang maligo at nakatapis lang ako ng tuwalya. Sumingit naman ang isip ko. Gaga, hindi ka naman niya makikita. Tawag lang naman iyon, hindi videocall. " Ay, oo nga pala." Sambit ko ng ma-realize ang sinabi ng utak ko. Pero patay na ang tawag kaya napailing na lang ako at lumapit sa kabenet para kumuha ng masusuot ko. Pambahay lang muna ang sinuot ko para hindi halatang planado ang alis namin ngayun ng mga kaibigan ko. Hindi ko rin alam kung nasa baba na ba si Beth o ang ibang kaibigan ko dahil sabi nila ay sabay-sabay kaming pupunta sa bar. Sinilip ko ulet ang cellphone ko at nakita kung nagtext si Calev kaya tinignan ko ang text niya. " Tuloy pa ba tayo?" Tanong niya sa text. Alam na niya na medyo mahigpit si mommy at hindi ako sigurado kung mapapayagan ako ngayun. Kaya naman nagtatanong siya kung tuloy kami ngayun. Napakagat ako sa ibabang labi bago nag-reply sa binata. " Wait lang, pinagpapaalam pa ako ni Beth. If hindi ako mapayagan ng mommy ko. Ang mga kaibigan kona lang ang pupunta." Reply ko saka naupo sa kama at si Beth naman ang tenext ko. " Saan kana? Nasa bahay kana ba sis?" Hindi ako makababa, mamaya na lang pagdating ng kaibigan ko. " Nandito na kami. Kasama kona sila, nakaligo kana ba?" Tanong naman ni Beth sa text ko. " Ah, okey. Oo tapos na." Reply ko naman sa text. " Good, pasok na kami." Ako naman ay nag-ayus na ng sarili. Pero hindi na ako nag-make up. Tutal naman ay gabi na. Nag-ayus lang ako ng kaunti. Maya-maya'y natigilan ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya mabilis akong tumayo mula sa kama at lumapit sa pintuan. Pagbukas ko ay nakita ko si Ivy at Alice. Welcume naman sila sa bahay dahil magkakaibigan na kami since high school. At kilala sila ng mga magulang ko. " Bakit?" Tanong ko agad sa kanila. Hindi naman nagsalita ang dalawa at pumasok sa loob ng kwarto ko. Pero mahahalata sa mukha nila ang lungkot. " Mukhang hindi ka papayagan ni tita, sis." Si Alice. " Ayaw?" Anang ko sa kanila. Medyo nalungkot ako dahil gusto rin naman lumabas kasama ng mga friends ko. Nagkibit balikat si Ivy at Alice. " Hindi namin alam. Pero sa nakikita ko sa reaction ni tita parang ayaw niya." Sabi ni Ivy. " Sabi ko sa inyo eh. Pinayagan lang nila ako noong nakaraang linggo kasi birthday ni Beth." " Sayang naman." Malungkot na sabi ni Ivy habang nakasimangot. " Anong magagawa ko?" Sabi ko sa kanila. Hindi ko naman pwede ipilit ang gusto ko dahil ayaw kung magalit sila mommy at daddy sakin. Kahit sabihin na subrang bait ng mga magulang ko. Ayaw ko silang abusuhin at baka hindi na nila ako payagan. Malungkot ang mga mukha namin tatlo habang inaantay si Beth kung papayagan ba ako ng mga magulang ko. Maya-maya'y may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at pumasok si Beth dahil hindi naman nakalock ang pintuan ng kwarto ko ng mga oras na iyon. At tumili ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD