bc

YOU BROKE MY HEART ( SPG )

book_age18+
179
FOLLOW
2.1K
READ
family
HE
office/work place
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

“Sa bawat gabing kasama kita, unti-unti kong nakalimutang bawal pala kitang mahalin.”

No Boyfriend Since Birth si Kaia Rose, hindi dahil walang nagkakagusto sa kanya, kundi dahil takot siyang masaktan.

Sanay siyang manood lang ng love story ng iba, hanggang sa dumating si Kirk Calev.

Isang lalaking hindi niya inaasahang magpapakaba sa kanya sa unang pagkikita pa lang.

Mula sa simpleng bar night, naging routine na ang tuwing weekend nilang inuman.

Sa bawat tawanan, titigan, at tagpong tila walang mali, unti-unting nag-iba ang t***k ng puso ni Kaia.

Hanggang sa may mangyari sa kanila, isang bagay na hindi niya akalaing magpapabago sa lahat.

Hindi man malinaw kung ano sila, pero malinaw sa kanya ang nararamdaman niya.

Kaso paano kung sa dulo… siya lang pala ang nagmahal?

" You broke my heart. " Bulong ni Kaia, habang unti-unti siyang natutong magmahal ng lalaking hindi niya dapat minahal.

chap-preview
Free preview
BLURB!
--* NEW BOOK MGA MEMA. ITO AY BAWAL SA MGA BATA. SAPAGKAT MAY MGA SALITANG HINDI PWEDE SA MGA BATA. KAYA KUNG WALA KAPA SA EDAD NA 18 AY HINDI KA PWEDE DITO SALAMAT. SANA MAGUSTUHAN NIYO MGA MEMA. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH si Kaia Rose. Hindi dahil walang gusto sa kanya, kundi dahil mapili siya sa lalaki. Ang gusto niya, ‘yung katulad ng tatay niya, mapagmahal, tapat, at marunong magpahalaga. Ayaw niyang masaktan gaya ng ate niyang si Kira na niloko ng boyfriend noon. Kaya kahit 24 years old na siya, wala pa rin siyang boyfriend. Wala pang first kiss. Wala pang experience sa sēx. Pero ayos lang, masaya naman siya sa pamilya at mga kaibigan niya. Para sa kanya, darating din ‘yung para sa kanya sa tamang oras. At kung hindi man dumating, handa siyang maging matandang dalaga at alagaan ang mga magulang niya. Pero isang gabi, dumating si Kirk Calev sa buhay niya, ang lalaking hindi niya inaasahang magpapatìbok ng puso niya, at magdudulot ng sakit sa huli. Nakilala niya si Calev sa isang bar habang nag-iinuman silang magkakaibigan. Nilapitan siya ng waiter at sinabing may isang gwapong lalaki sa VIP room na gustong makilala siya. Ayaw niya sana, hindi siya ‘yung tipong basta-basta nakikipagkilala. Pero binuyo siya ng mga lasing niyang kaibigan kaya wala siyang nagawa. Paglapit pa lang niya, natulala na siya agad sa lalake. Gwapo. Mabango. Maayos manamit. Gentleman pa. Hindi niya alam kung bakit mag-isa ito, pero nang magkakwentuhan sila, naging kumportable agad siya. Wala itong ginawa sa kanya kahit medyo lasing na siya. Magalang, tahimik, at totoo sa sinasabi. Kaya nang hingin ni Calev ang number niya bago sila maghiwalay, binigay niya, partly dahil sa alak, partly dahil… ang bango niya, grabe. Lumipas ang mga araw, at naging magka-text sila. Masaya kausap si Calev. Sweet sa tamang paraan. Hanggang sa nasanay si Kaia na palagi itong kausap. Hanggang sa nasanay siyang hanapin ito. Hanggang sa unti-unti, nahulog na siya dito. Kapag nagyaya si Calev mag-bar, sumasama siya, pero palaging may kasamang kaibigan. Nahihiya pa siyang mapag-isa rito. Pinapayagan naman siya ng mga magulang niya dahil nasa tamang edad na siya. Isang araw, niyaya ulit siya ni Calev mag-bar. Ang kaso, busy lahat ng mga kaibigan niya. Kaya silang dalawa na lang. Nang gabing iyon, uminom sila hanggang madaling-araw. At dahil parehong lasing, nagpunta sila sa hotel malapit sa bar. Doon, may nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya pinilit ni Calev, kusa niyang ibinigay ang sarili. Siguro dahil gusto rin niya ang binata, siguro dahil lasing siya, o baka dahil matagal na niyang pinipigilan ‘yung nararamdaman niya. Simula noon, palagi na silang lumalabas ni Calev. Palaging sa bar. Palaging nauuwi sa hotel. Palaging may nangyayari sa kanilang dalawa. Walang nakakaalam, ni ang mga magulang niya. Ang akala ng lahat, kasama niya ang mga kaibigan niya. Pero hindi. Si Calev ang dahilan kung bakit nagsisinungaling siya sa mga magulang niya. At kahit walang label, masaya siya. Kasi ramdam niya na gusto rin siya ni Calev kahit walang sinasabi. Hanggang isang araw, sinabi na rin ni Calev na gusto siya nito. At umamin din naman siya. Paano pa ba siya magpapanggap, eh mahal niya rin naman ito? Simula noon, naging officially na sila. Masayang-masaya siya, pati mga magulang niya, tuwang-tuwa na sa wakas may boyfriend na siya. Umabot sila ng isang buwan. Nag-celebrate pa sila ng monthsary sa isang restaurant. Pero habang kumakain sila, biglang may babaeng lumapit at sinabunutan siya. Nagwala dahil sa galit. Napatigil si Kaia sa narinig. Napatitig kay Calev, at doon niya nakita ang takot sa mga mata nito. Parang gumuho ang mundo niya. Umiiyak siyang umalis, hindi makapaniwalang niloko siya nito. Ilang araw siyang hindi nagparamdam sa binata habang umiiyak. Hanggang isang araw, dumating si Calev sa bahay nila, umiiyak, humihingi ng tawad. Pinatawad niya ang binata. Pero hindi na siya nakipagbalikan pa dito. Kasi kahit mahal niya, mas matindi ‘yung sakit na ginawa nito. Pero makulit si Calev. Palagi pa ring pumupunta sa bahay. Hanggang sa sinabi nitong titigilan siya nito kapag may boyfriend na siya. Kaya naman sinagot niya si Limuel, officemate niyang matagal nang nanliligaw. Akala niya, titigilan na siya ni Calev, P pero hindi. Patuloy itong nagpaparamdam. Patuloy siyang ginugulo ng binata. At dahil doon, madalas silang mag-away ni Limuel. Nahati ang puso niya, sa lalaking mahal niya pero sinaktan siya, at sa lalaking mahal siya pero hindi niya kayang mahalin. Hindi niya alam kung saan hahantong ang lahat. Mahal pa rin niya si Calev, pero alam niyang mali. Ano kaya ang ending ng kwento nina Kirk Calev at Kaia Rose? Tuklasin sa mga susunod na kabanata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
308.8K
bc

Too Late for Regret

read
279.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
136.7K
bc

The Lost Pack

read
384.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
145.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook