Chapter 01
KAIA ROSE POV
NAGYAYA ANG KAIBIGAN KUNG si Beth na pumunta ng bar dahil kaarawan niya ngayun. Siya naman ang magbabayad kaya sumama na ako. Kasama niya ang boyfriend niyang afam kaya malakas ang loob niy'ng magyaya sa isang exlusive bar.
Mapera kasi ang jowa niy'ng afam. Nakilala lang niya sa isang dating site.
Atsaka wala naman akong pasok kinabukasan kaya ayus lang. Sa isang kumpanya ako nagwowork dahil nakatapos naman ako ng pag-aaral. Maganda ang trabaho at maganda rin ang sahuran.
Balak ko sana mag-ibang bansa dahil sa nangyayare ngayun sa Pilipinas. Kaya lang ayaw ng mga magulang ko dahil bunso ako sa magkakapatid. At mabuti na lang ay maganda pasahod sa pinagtatrabahuhan ko kaya hindi na ako nagpumilit na mag-ibang bansa.
Pagdating sa bar kung saan magce-celebrate ang kaibigan kung si Beth ay nando'n na ang birthday girl kasama ng boyfriend niya. Nauna na sila at kami namang tatlo ang magkakasama. Sina Ivy, Alice at ako.
Mga close friends lang ni Beth ang mga imbitado kaya ang kaunti lang namin ngayun.
Binati kami ng boyfriend ni Beth na si Will. Kaya naman binati rin namin siya kasabay ng pagyakap. Then pumasok na kami sa loob ng bar.
Napaawang agad ang labi ko ng makapasok sa loob. Grabe ang ganda sa loob ng bar at mukhang mayayaman lang ang makakaafford nito. Parang nalula ako sa ganda at laki ng bar.
1st time ko lang kasi makapasok sa ganitong bar dahil 'di naman ako mahilig pumunta sa mga ganitong lugar, ngayun lang. Hindi katulad ng kaibigan kung si Beth dahil sa boyfriend niya.
Lumalabas naman kaming magkakaibigan pero hindi kami pumupunta sa bar. Ngayun lang, dahil kadalasan ay sa mga mall lang kami habang nagwi-window shopping char.
At hindi rin naman kami mahirap dahil may kaya sa buhay ang mga magulang ko pero hindi ko afford ang ganitong bar kahit may pera pa ako.
" Ang ganda no?" Mahinang siko sakin ni Ivy dahil siya ang katabi ko sa paglalakad. Kagaya ko ay hindi rin afford ni Ivy ang ganito. Si Ivy ang pinaka-mahirap samin kahit may maganda rin siyang trabaho.
" Oo nga eh. Grabe mukhang mahal dito." Komento ko naman habang nililibot ang tingin sa paligid. May nagsasayaw sa gitna ng dance floor habang patay sindi ang ilaw. Sa ibang part ng bar ay hindi naman patay sindi ang ilaw kaya nakikita ko kung gaano kaganda ang loob ng bar.
Subrang ingay rin sa loob ng bar at ang lakas ng tugtog. Sabagay, bar nga diba? Kaya maingay. Ngayun lang kasi ako nakapasok sa ganito'ng lugar kaya hindi ako sanay.
" Okey lang 'yan. Afam naman ni Beth ang gagastos nito." Nakangisi naman na singit ni Alice samin.
Masayang-masaya ang bruha dahil palibhasa ay libre.
Pumunta kami sa dulo ng bar na mayroong mga couch. Hindi ko alam kung anong tawag doon. Basta naupo kami at omorder agad ang mag-jowa. Tinanong pa kami pero sabi namin ay bahala na sila.
Hindi naman ako mahilig uminom, umiinom lang ako kapag may okasyon lang.
Habang omoorder ang dalawang mag-jowa ay tahimik naman kaming tatlo at tumitingin parin sa paligid.
Nang matapos omorder ang dalawa ay tumingin sila samin at nagsalita si Beth.
" So birthday ko naman ngayun. Kaya dapat happy-happy lang tayo, girls. Baka mamaya ay bigla na lang kayo magyaya para umuwe agad." Parang nagtatampo na saad nito samin at nagpaparinig.
Ako ang pinapatamaan niya kasi ako 'yung mahilig umuwe kapag may tama na ako ng alak.
" Oo na. Hindi na ako magyaya Umuwe." Pairap ko naman sagot sa kanya. Kapag kasi may okasyon ay ako ang unang umuuwe. Lasing na kasi ako.
" Yown!" Masaya nitong sigaw at sumayaw pa nga ang bruha. Kaya nagtawanan naman kami pati na rin ang jowa niya. Hindi pa lasing 'yan pero gano'n na siya umasta.
Makalipas ng ilang sandali ay dumating na ang inorder nilang alak at nagulat ako dahil ang dami nilang inorder na alak.
" Ang dami naman." React ko habang nakatingin sa kaibigan ko.
Napasimangot naman si Beth dahil sa naging reaction ko.
" Kita muna. Nagrereklamo ka kaagad. Hindi pa nga tayo nagsisimula."
" Ito naman. Nag-react lang eh. Sige umpisahan na natin." Kapagkuwan ay sabi ko para hindi na humaba ang diskusasyon namin dalawa.
Nagsimula na nga kaming mag-inuman na magkakaibigan habang lumilipas ang oras. Subrang saya namin, nagtatawanan, nagkukwentuhan.
Nagsasayawan pa nga at nagkakantahan na tila nasa videoke bar. Wala kaming pakialam sa paligid dahil masaya kami at masaya ang birthday girl. Atsaka maingay naman sa loob ng bar at wala rin pakialam samin ang mga tao doon.
" Wohhh! Inum pa tayo." Sigaw ni Beth habang may hawak na bote at sumasayaw ng nakakaakit. Titig na titig naman ang boyfriend nito sa kanya na tila nag-iinit base sa mga mata nito.
Nandidiri at parang kinikilabutan ako sa kanilang dalawa habang nagkakatitigan. Siguro kung wala kaming tatlo baka naglampungan na ang dalawa at nagkantūtan na. Malibog pa naman ang babaeng 'to.
Napailing na lang ako saka tumungga sa bote.
Patuloy parin sa pagkanta at sayawan ang mga kaibigan ko ng makaamoy ako ng mabango'ng amoy. Subrang bango niya kaya napalingon ako para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng pabango na 'yun.
Paglingon ko ay nakita kona lang ang likod ng isang lalake. Hindi ko nakita ang mukha niya.
Pero base sa likod niya ay mukhang gwapo ang lalake. Kapagkuwan ay napailing na lang ako at napangiti ng mapagtanto ang iniisip. Kailan pa ako nagka-crush sa lalake? Jusko.
Nagpatuloy kami sa pag-inum ng alak habang nagkakasayahan ng may lumapit samin na waiter. Hindi pa naman ako masyadong lasing dahil paunti-unti lang ang iniinom ko. Mahirap ng malasing.
" Hi, maam. May gusto po'ng magpakilala sainyo." Sabi ng waiter sakin.
" Huh? Sino naman kuya?" Gulat kung tanong sa kanya habang nakatingin rin ang ibang kasama ko sa waiter.
" Ayun po oh." Turo niya sa isang lalaking nakaupo sa isang VIP room habang nakatalikod samin. Salamin ang dingding ng vip room kaya kita ang nasa loob nito.
Kaagad naman akong tumanggi dito. " Ayaw ko nga."
Hindi ko kasi kilala ang lalake at baka mamaya manyakis pa 'yun.
" Girl, mukhang gwapo si kuya. Puntahan muna." Sabi ni Beth sakin at mukhang lasing na ang bruha dahil binoboyo na ako.
" Ayaw ko nga. Mamaya mangyakis ang lalake na 'yun." Mariin na tanggi ko sa kanya saka bumaling sa waiter. " Pakisabi, Kuya. Hindi ako nagpapakilala sa hindi ko kilala."
" Ah, sige po maam." Saad nito at umalis na.
" Gaga 'to, imbes magkaka-lab life kana ay pinakawalan mo pa." Sabi naman ni Ivy sakin.
" Sa ayaw ko nga eh. Ikaw, baka gusto mo." Pairap na singhal ko sa kanya.
Pinagtutulakan na nila akong magka-boyfriend dahil sa aming apat ay ako na lang ang walang boyfriend o nagkakaroon.
" Sayang, mukhang gwapo pa naman ni kuya." Parang nanghihinayang na sabi naman ni Alice. Hindi naman kasi ako nagmamadali. Mamaya ay maling tao pa ang magustuhan ko.
" Edi kayo na. Basta ayaw ko. Bahala kayo diyan." Ani ko saka umayus ng upo sa kinauupuan ko habang nakasimangot. Naiinis ako dahil pinagtutulakan na nila akong mag-boyfriend.
Pero makalipas ng ilang sandali ay bumalik na naman ang waiter at sinabing gusto daw talaga ako makilala ng lalake.
Muli na naman akong binoyo ng mga kaibigan ko kaya wala na akong nagawa at pinuntahan ang lalake sa may vip room habang naiinis.
Ano ba kasing problema ng lalaking 'yun at gusto pa ako makilala? Hindi ba pwede'ng siya na lang pumunta sa pwesto namin at gusto pang ako ang pumunta sa kanya? Masyado namang pa special ang lalaking 'yun tsk.
Naiinis na sabi ko sa aking sarili.