Chapter 09
KAIA ROSE POV
PALABAS NA KAMI NG BAR dahil uuwe na kami at alas tres ng madaling araw. Times up na at baka hinihintay na ako sa bahay ng mga magulang ko.
Nakaalalay naman sakin si Calev habang naglalakad palabas ng bar. Napaka-gentleman niya talaga, kanina pa siya ganito. Kaya naman kinikilig ang mga kaibigan ko at sinasabing bagay daw kami ni Calev. Panay lang ang ngiti ng binata na para bang natutuwa sa mga kaibigan kung makakapal ang mukha, charot.
Hindi ko lang sila pinapansin at kunyare ay naiinis pero kinikilig na rin. O lasing lang ako.
"Uy, maraming salamat pala huh? Ang laki ng binayaran mo kanina." Sabi ko kay Calev habang nahihiya. Hindi niya tinanggap ang pera na binigay ko kanina na pinaghati-hatian naming magkakaibigan. Nakakahiya naman kasi dahil ang dami naming inorder kanina. Ilang bucket ang inorder namin with food na para bang wala ng bukas kaya ang laki ng binayaran niya kanina.
"Wala 'yun. Sabi ko naman sayo diba? treat ko." Nakangiti niyang sagot sakin. Ang ganda niya talagang ngumiti. Mas lalo siyang guma-gwapo sa harapan ko. O baka lasing lang talaga ako haha. Ano ba 'tong nangyayare sakin. Nagkakagusto na ata ako sa lalake.
"Pero umabot ng 30 thousand ang binayaran mo kanina." Kapagkuwan ay giit ko parin sa kanya. Nahihiya talaga ako.
Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko para matigilan ako.
"Okey lang 'yan. Treat ko naman." Sabi niya na hindi ata napansin ang pagtigil ko.
" Sige." Ani ko at mukhang napansin na ata ni Calev ang reaction ko.
" Sorry."
"Okay lang. Sige na, uuwe na ako. Mag-iingat ka sa pag-uwe mo." Paalam ko sa kanya ng makarating kami sa labas ng bar.
Nakangiti naman siyang tumango sakin. "Kayo rin." Sabi pa nito.
Tumango naman ako saka pumunta sa kotse ni Will dahil siya ang maghahatid samin sa bahay namin.
Nakasakay na ako sa kotse ni Will pauwe samin, ng mag-vibrate ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ang cellphone mula sa sling bag ko. Tahimik naman ang mga kaibigan ko dahil mga lasing na.
Natigilan ako ng makita kung si Calev ang nag-text sakin kaya binasa ko ang message niya.
CALEV;
- Pasensya kana kung pinisil ko ang pisngi mo kanina, galit kaba?"
Tanong niya sa text.
Napalingon naman ako sa paligid at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nabasang text ni Calev. Bakit parang iba ang nararamdaman ko? Bakit parang kinikilig ako sa simpleng text niya?
Pero inawat ko ang aking sarili na mapangiti. Hindi ako puwedeng magpadala sa simpleng text niya. Hindi ako puwedeng mainlove sa kanya at baka masaktan lang ako sa huli. Kaibigan lang ang gusto ni Calev at hindi girlfriend.
"Hindi, bakit naman?" Reply ko sa text niya. Totoo naman eh, hindi ako galit, nagulat lang ako sa ginawa niya kanina. First time lang nangyare sakin iyon ng may humawak sa pisngi ko, bukod sa daddy ko at kuya ko.
CALEV;
- Akala ko galit ka. Next time, hindi kona ulet gagawin iyon sayo. Baka hindi kana sumipot."
Hindi ko napigilan mapangiti. Bakit parang nag-aalala siyang hindi ako sisipot sa bar?
" Sira, ang babaw ko naman kung gano'n." Reply ko sa kanya at hindi ko napigilan mapangiti. Pero agad ko rin pinigilan ang sarili ko dahil kanina pa ako ngiti ng ngiti at baka mapunit na ang labi ko sa kakangiti. Mabuti na lang ay tulog na ang mga kaibigan ko. Mamaya'y makita pa siyang nakangiti at asarin lang siya.
Nang dumating na ang sasakyan ni Will sa tapat ng bahay namin, huminto na iyon. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Akala mo wala ng bukas kung makapag-inom kanina.
"Thank you, ingat kayo." Sabi ko naman kay Will ng nasa labas na ako ng sasakyan at bumalik sa pagkakatulog ang mga bruha. Halatang mga lasing na.
"Welcume, sige bye." Sabi nito. Medyo may alam nasa tagalog si Will dahil tinuturuan siya ni Beth pero may pagka-slang parin ang salita niya.
Ilang buwan palang naman kasi ang lalake sa Pilipinas.
Nang mawala na ang sasakyan sa harapan ko, kinuha ko ang susi sa bag para hindi na ako mag-doorbell at hindi na maisturbo sa pagtulog ang mga magulang ko.
Nang makapasok sa loob ng gate namin, nilock ko ulet iyon saka naglakad patungo sa bahay habang hawak ang cellphone at ka-text parin ang binata.
CALEV;
- So pupunta ka parin?"
" Oo naman, pupunta parin ako. Sayang ang libre." Pagbibiro ko sa kanya sa text. Napangiti ako habang tinitext siya, parang bata sa excitement.
CALEV;
- Sure, walang problema."
Napangiti naman ako. Akala ko, na-offend siya sa biro ko kaya nag-text ulit ako.
"Joke lang, hindi kana mabiro." Reply ko sa kanya. Dahil abala ako sa pagtetext, hindi ko napansin si mommy na pababa ng hagdanan. Medyo madilim sa hagdanan namin, at ang liwanag lang ay galing sa labas ng bahay.
"Mommy!" Gulat na sambit ko, parang tumalon ang puso ko sa takot.
"Sino ba 'yang katext mo at hindi mo ako napansin, Kaia?" tanong ni mommy sakin. Hindi agad ako nakapagsalita at huminga ng malalim bago sumagot.
"Si Beth, mommy." Tugon ko. " Bakit gising pa kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Nauuhaw kasi ako. Kakauwe mo lang ba?"
"Opo." Sagot ko, sabay halik sa pisngi niya at nagpaalam na agad para hindi na magtanong pa si mommy. "Tulog na po ako. Goodnight, mommy." Paalam ko pa.
Dumeretso ako sa kwarto, hinubad ang sandals at kumuha ng pang-tulog sa kabinet bago nagbihis at nahiga sa kama. Sinilip ko ulet ang cellphone kung nagtext pa si Calev.
"Naka-uwi kana ba?" tanong ko sa kanya sa text.
CALEV;
- Yeah, nasa bahay na ako. Malapit lang naman ang bahay ko sa bar."
"Wow, sana all. Samantala, kami ang layo," Biro ko, nakahiga pa rin ako sa kama. Hindi pa ako makatulog dahil katext ko pa siya.
CALEV;
- Paano ba kayo napunta do'n?" Tanong niya sa text ko.
" Si Beth. Birthday niya kasi at nilibre niya kami do'n. Doon niya naisipan uminom kaya nakilala ka namin."
CALEV;
- Hmmm, mabuti na pala. Kasi nagkaro'n ako ng bagong kaibigan."
" Yeah, new friends, kami din naman." Reply ko sa kanya. Hindi ko namamalayan ang oras at panay parin ang text namin dalawa.
Namalayan ko lang ng makita ko ang oras sa cellphone ko.
" Hala! 5am na. Papasok pa ako mamaya. Goodnight na. Tulog kana rin, bye," Sabi ko sa text. 10am ang pasok ko mamaya sa office at 8am ako umaalis sa bahay para hindi ako matrapik. Ilang oras na lang ang itutulog ko. Sana lang h'wag akong antukin sa trabaho mamaya.
CALEV;
- Sige, goodnight sa time mo, Kaia."
Hindi na ako nag-reply sa binata para makatulog na ako. Kaya lang parang nangangati ang palad kona gusto ko parin siyang replyan. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
Kapag nag-reply pa ako, magrereply lang siya at hindi na talaga matatapos hanggang sa hindi na ako makatulog pa.