13 BAR

1083 Words
Chapter 13 KAIA ROSE POV NAGLAKAD AKO PATUNGO sa gate ng subdivision, malapit lang naman. Sumakay ako ng taxi papunta sa bar, kinakabahan at nanginginig ang mga kamay ko. Sinong hindi kakabahan kung kami lang dalawa ang magba-bonding ngayon diba? Dati, kasama ko ang mga kaibigan ko, pero ngayon, wala, ako lang. Pagdating sa lugar, nakita ko agad si Calev sa labas ng bar, nakatingin sa paligid, tila nag-aantay. Nagulat siya nang makita akong nag-iisa. “ Asan sila? ” Tanong niya, nakatitig sa akin. “ Wala. ” Sagot ko, medyo nahihiya at naiilang dito. “ So, tayong dalawa lang?” Tanong niya, ngumiti. Ang puso ko, parang tumalon sa dibdib ko. “ Ahm, hindi sana ako pupunta, pero nakakahiya naman sayo kung hindi ako sisipot diba? ” Sambit ko, may tipid na ngiti. Kinakabahan ako, ramdam ko ang init sa pisngi ko. “ Pero nandito ka na. Tara?” Masaya niyang inabot ang kamay niya sa akin. Pilit akong ngumiti, at dahan-dahang pinatong ang kamay ko sa kanya bago ko ito hinawakan. Habang naglalakad kami papasok sa bar, ramdam ko ang kuryente sa pagitan namin dalawa. Mas mabilis ang t***k ng puso ko, siguro dahil magkahawak kamay kami, o dahil dalawa lang kami. Ngayun lang kasi niya hinahawakan ng ganito ang mga kamay ko kaya siguro kabado ako malala. Pagpasok namin sa loob, naamoy ko agad ang halo ng alak, pabangong cocktail, at usok ng sigarilyo. Ang musika, kahit malakas, parang background lang sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin. Lahat sa paligid ay nagbibiruan at nagtatawanan, pero para sa akin, ang mundo ko, puro siya. “ Kumusta? Kaka-alis mo lang ba?” tanong niya habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa VIP room. “ Oo, medyo na late lang. Kasi traffic." Sagot ko, pilit na ngumiti, ramdam ko ang init sa pisngi ko. Naiilang ako sa kanyang titig, pero hindi ko maalis ang ngiti na kusang lumalabas sa labi ko. Ramdam ko ang kanyang kamay sa akin habang naglalakad kami. Hindi ko mapigilang higpitan ng konti ang paghawak ko sa kanya. Ang t***k ng puso ko, mabilis at hindi pantay. Siguro dahil kami lang dalawa sa bar o pareho lang na excited sa gabi. Napansin ko kung paano siya tumitig sa paligid, tila hinahanap ang pinakamagandang pwesto para sa amin. Ang kanyang presensya, parang liwanag na naglalabas ng init sa paligid ko. Bawat hakbang namin, ramdam ko ang tension, kaba, at excitement na hindi ko kayang itago. “ Huwag kang mag-alala, magiging masaya tayo.” Sambit niya pa, at ngumiti ng malapad. Nakakabighani ang ngiti niya, at hindi ko mapigilang tumugon ng mahinang tawa. Paglapit namin sa vip room, may halong kaba at kilig na hindi ko kayang itago. Ang mga ilaw sa bar, halos naglaro sa kanyang mga mata, at para bang gusto kong tumingin lamang sa kanya buong gabi. Huwag lang sana ako makagawa ng mali mamaya, dahil lang sa nararamdaman ko. Baka pagsisihan ko, kapag nagkataon. Habang umuupo kami, naramdaman ko ang banayad na pagdampi ng kanyang kamay sa aking braso. Para bang sinasabi nito, Huwag kang mag-alala, andito ako. Hindi ko alam kung ito ba ay excitement, kaba, o parehong lang, pero sigurado akong ang gabi na ito ay magiging kakaiba at masaya dahil kaming dalawa lang. “ Ano gusto mo inumin? ” Tanong agad sakin ni Calev habang inaabot ang menu book sakin. “ Ahm, cocktail lang muna." Sagot ko, medyo kinakabahan, pero napangiti rin ako. Parang simpleng bagay lang, pero ang puso ko, tila tumatalon sa bawat tingin niya sa akin. " Sige." Aniya at omorder nasa waiter na pumasok sa loob ng vip room. Tapos ay inantay namin ang order namin na drink. Habang nag-uusap kami, halata ang comfort niya, pero may konting pagka-reserved, parang sinusubukan niyang huwag maging sobra habang magkatabi kami sa mahabang sofa ngunit may pagitan naman. At kahit ganun, tuwing nagkakatinginan kami, parang may kuryente sa pagitan namin dalawa. Naghain ang waiter ng mga inumin namin. Sabay kaming humigop, at ramdam ko ang medyo init sa pisngi ko habang hawak ang baso at nakatingin sa kanya. Naiilang parin talaga ako kahit tuwing weekend kami nagkikita at minsan naman ay nagkakausap sa text. Ganito siguro kapag crush mo ang isang tao. Maiilang at mahihiya ka, lalo na't kami lang ang nasa loob ng VIP room. “ Tahimik ka ata ngayon, Kaia,” wika niya, halatang natutuwa sa reaksyon ko. At ang sarap pakinggan sa tuwing sinasambit niya ang pangalan ko. “ Ahh, hindi lang ako sanay, ewan ko ba." Sagot ko, at tumawa ng mahina. Naiilang ako, pero hindi ko mapigilang maging masaya. " Bakit naman? Nagkikita naman tayo, minsan." " Siguro dahil dalawa lang tayo dito sa loob ng room. Nasanay lang akong kasama ang mga kaibigan ko." Ani ko habang hindi masyado makatingin sa kanya. “ Bakit? Iniisip mo bang kakainin kita?” tanong niya na may kasamang pilyong ngiti sa labi, habang 'yung mga mata niya ay parang nanunukso. “ Hindi, baliw ka.” Napatawa ako, pilit, para lang maitaboy ’yung kakaibang kaba sa dibdib ko. Pero kahit anong tawa ko, hindi ko maikakaila ’yung biglang init na gumapang sa katawan ko matapos niyang sabihin ’yon. “ Don’t worry, hindi ko gagawin ’yon sa’yo, Kaia.” Mahinang sabi niya, sabay abot sa kamay ko. Napaatras pa ako nang bahagya nang maramdaman ko ulet ’yung kuryenteng dumaloy mula sa haplos niya, parang saglit lang pero umabot sa dibdib ko. Mas lalong tumitindi ang init na nagsisimula sa pagitan namin dalawa dahil sa mga pasimple niyang hawak sa kamay ko. O ako lang nakakaramdam no'n? Nagtagpo ang mga mata namin, at para akong natigilan. Hindi ko alam kung hihilahin ko ba ang kamay ko o hahayaan siyang manatili ro’n. Bakit ba ganito? Simpleng hawak lang, pero parang may kung anong binuhay sa loob ko. “ Relax, Kaia, hindi ako mangangain, promise.” May halong tawa sa tono niya pero ’yung mga mata niya, seryoso pa rin at doon ako tuluyang kinabahan. Ngumiti ako nang pilit, pero sa loob-loob ko, parang ako ang gustong umatras, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Kaya naman tuluyan na akong lumayo sa kanya para mawala na ang init na aking nararamdaman. Bahala na siya kung ano ang gusto niyang isipin pero lalayo muna ako sa kanya. Bahagya naman napangiti si Calev sabay inom ng alak niya. At hindi na nagpumilit pang lumapit sakin. Mukhang naisip niyang naiilang ako sa kanya. At uminom na lang kaming dalawa habang nag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD