Day off ko ngayong araw sa Rawls. Actually I can always take my off since Tita Triana will not let anything happen to our company. Napakalaki na ng naitutulong sa akin ni Tita. Ngayon ay siguradong tinututukan nanaman niya ang gamot ko. Ngayon ay nasa grocery ako para bumili ng pagkain. Dadaan ako sa mamaya sa Rawls para dalhan si Tita ng makakain. Dinagdagan ko na para sa ibang staff. Habang namimili ng mga bilihin natigil ang kanta sa buong store at napalitan ng balita. Natigil ako dahil tungkol ito sa Hyacinth. "Kailan man ay hindi talaga tayo binibigo ng ating vice president na si Mister Arnold Auxtero. Mula sa mga imbensyon ng kaniyang asawa na nagbigay ng malaking tulong hanggang sa mga foundation na bumubuhay sa ilang kababayan at ito! Ito na ikakagulat ng lahat." Humigpit ang

