School days are slowly approaching but I don't have the will to welcome it. Hanggang ngayon ay hindi pa ako enrolled kahit pa pinilit na ako ni Mommy na gawin. Xion is asking for it too but I kept on ignoring him. Wala pa akong oras na pagtuonan ang kahit ano ng pansin bukod sa sakit ko at ang kaso ni Daddy. Ni hindi ko na nga alam kung anong course ako tatahak. Nabalitaan ko naman na habang naghihintay ng board exam si Xian, magtatrabaho siya sa kompanya nila. Si Xion ay palagi lang daw nasa bahay sabi ni Tita. Hindi ko naman tinanong, kinukwento lang niya. Mag-iisang buwan na rin mula ng mamatay si Daddy pero wala pa kaming lead. Mas naabala pa ako dahil wala ng mag-aasikaso sa Rawls kun'di ako. Nagulat nga ang mga empleyado roon nang idineklara kong ako na ang papalit sa Daddy. May

