Kinabukasan ay bumalik kami ni Tita sa City. Ginamit ko ang lumang sasakyan ni Daddy sa garahe. Kahit luma ito ay maganda at maayos pa naman. We can't always take a bus. Kailangan may service na. Wala kaming nadalang kahit anong technology bukod sa cellphone namin. Kailangan namin ang laptop. Pagpupursigihan kong hanapin ang footage dahil iyon na lang ang pag-asa namin. "Where are we heading to?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung saan kami unang pupunta. "I'll buy a new phone first and then, sa Rawls tayo para kunin ang mga gamit. Pagtapos sa bahay tayo." Nilingon ko siya dahil sa huling sinabi. "Babalik tayo sa bahay niyo? Are we doing a suicide now?" "We can't always run. Nag-iisip ako ng plano para makipag-negotiate sa kaniya. We will trick him until we got our evidence."

