Pasukan na pero hindi ako nag-enroll. Anong pang rason ng pag-aaral kung alam ko naman na ang lahat. Hindi na importante ngayon ang pag-aaral dahil mawawala na rin naman ang lahat kapag natapos na ang project sa Hyacinth. Kailangan kong sundin ang gusto ni Tito. Hindi ko pwedeng unahin ang galit ko dahil baka mapahamak lang sila Mommy. Bumalik na kami sa bahay. Tito assured me that he wont do anything. Pumapasok na si Keeper sa regular school pero kasama nito si Mommy. Nag-resign na si Mommy sa trabaho para matutukan si Keeper. Ngayon ay empleyado na lang ako ng Rawls. Walang magawa ang pagkakadiskobre ko ng footage dahil nakatali ang mga kamay ko sa ngayon. Ngayon ay nasa laboratory ako kasama ang ibang scientist. Nag-e-experiment ang lahat para sa inutos ni Tito. Sa totoo lang ay h

