"I promise to make you live in a new world that I will create." Hinaplos ko ang buhok ng kapatid na hanggang ngayon ay nakaratay sa higaan. Isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin siya gumigising. Ginagawa ko na ang lahat ng makakakaya ko para matapos ang imbensyon. Binubuhos ang lahat ng oras para sa bagay na iyon. Halos hindi ko na nga pasukan ang mga klase ko dahil gusto ko paggising ni Keeper maipapakita ko na sa kaniya. Palagi akong sinasamahan ni Tita Triana sa pag-aaral. Alam na rin nila ang nangyari sa kapatid ko kaya madalas ang pagbisita nila sa clinic. Sa school palagi akong sinasamahan ni Xion. Naging ok na rin ulit kami ni Xian dahil siguro naawa sa akin tungkol kay Keeper. Tulad ng gusto ni Tita, walang nakaalam ng pagtrabaho ko sa imbensyon. Gumagawa ako ng wala

