"May we talk, Keeper?" Nakahiga na si Keeper matapos siyang pagpahingahin ni Mommy. Natapos na rin siyang i-check at mukang ok naman na at walang problema sa kaniya. Hinintay kong umalis sila Mommy at Daddy para makaayos ng masinsinan ito. Umuwi na rin si Xion dahil natagalan na ang dapat na pagdaan lang nito rito. Nilingon niya ako at tumango. Umakto siyang uupo mula sa pagkakahiga pero pinigilan ko. "Pwede tayong mag-usap ng nakahiga ka. Kailangan mo pa rin magpahinga." "Tungkol ba 'to sa ginawa ko?" "Tungkol sa dahilan kung bakit mo ginawa. You really were determined to end your life there. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para kay Mommy na makita kang sinubok patayin ang sarili?" Natigilan siya sa sinabi ko. "She saw me?" "Yes. The way you stabbed yourself is the las

