"Napakahalaga ng araw na ito para sa mga magtatapos na mag-aaral dahil ito ang huling araw sa kanilang grade year. Sana, mas maging responsable kayo sa pagtapak sa susunod na pahina ng buhay niyo–" "Anak, smile!" Ngumiti ako sa camera. Nagsisimula na ang seremonya. Mahaba pa ang speech ng principal sa harap kaya kinuha iyong pagkakataon ni Mommy para kunan ako ng maraming litrato. Tuwang-tuwa sila. Nasa likod si Keeper na mukang nababagot sa nangyayari. Nagsimula kaming magmartya paakyat ng stage para kunin ang certificate at medalya. Mabilis lang akong natawag. Hindi ako umani ng maraming award dahil hindi ko naman ginalingan sa mga gawain. Alam nila Mommy iyon. Ayos na sila na nakatapos ako. People who know me knew how smart my brain is. No need to prove to anyone. Ang kaklase kon

