Humaba ang nguso ko sa nabasa. Napaka-bossy talaga ng lalaking ito. Walang sweetness sa katawan pero ok lang. Mas nakakadagdag nga ata ang ugali niyang 'yan sa appeal nito. Rumason ako na magbabanyo para makaalis dahil habang nag-uusap sila Tito at Tita tungkol sa isang bagay na hindi ko alam. Xian kept Keeper accommodated so I got no problem leaving her. Nakaalis ako ng hindi na nag-uusisa pa si Keeper. Dumiretso ako pagdating sa entrance gaya ng sabi ni Xion. Walang tao sa pasilyo kun'di ang nag-iisang lalaking pakay ko. Nasa dulo siya at nakahilig sa pader. I smiled at the sight of him and came near him. Habang papalapit mas nasisilayan ko ang signature look niya na poker face lang. Diretso ang linya ng labi niya at walang mahimigan na humor. Ngumisi ako sa kaniya sabay kaway. Sinag

