"I'll be the first one to know your results, kaya tatawagan na lang kita kapag natanggap ko na." Nasa loob na kami ng kotse ngayon at bumabyahe pauwi ng bahay namin. Ngumuso ako sa gusto niyang mangyari. "I-send mo na lang ang number ko para sa akin na dumiretso. Bakit kailangan pang dumaan sa'yo. Manager ba kita?" "Bestfriend mo ko. Kailangan alam ko ang lahat sa'yo." Ngumiti ako. Balik na kami ni Xian sa dati. I got my bestfriend back. Sana lang ay makalimutan niya na ang nangyari noon. Nahihirapan ako kapag naiisip iyon. Hinatid ako ni Xian sa bahay. Pinalitan na lang namin ng ibang araw ang pagpunta niya ulit sa bahay kahit pa sinabi ko naman na pwede pa namin ituloy ang movie marathon. Pinilit lang niyang magpahinga ako at 'wag ng maging makulit pa kaya sumunod na lang ako.

