Kabanata 5

3144 Words
Itinapon ko sa aking cart ang mga pagkain na trip kong kainin at lutuin. Halos mapuno ito ng mga chichirya at noodles. Mabibilang mo lang siguro ang ang healthy foods kaya mas dinagnagan ko pa para hindi niyo na mabilang. Napatawa ako sa naisip. Ininulak ko ang cart para mapunta naman sa mga delata pinuno ko na ang espasyong natitira sa cart ko ng delata. Nilingon ko ang lalaki nang dumaan siya dala rin ang sariling cart. Tumaas ang kilay ko at pinadaanan ng tingin ang cart niya. Puno ng karne- Oo buhay pa ang mga karne kahit ilang taon na ang lumipas. Ito ay dahil may nilalagay ang ilang kompanya sa karne para magtagal ang buhay sa loob ng freezer. Swerte lang niya dahil nasaktohan niya na gano'n ang karne rito. Madalang kasi ang ganiyang klase ng karne. Mayroon pa siyang dried na gulay at kung ano-anong spices. Kinumpara ko iyon sa mga kinuha ko. Malayong malayo ang akin sa mga pinili niya. Tumigil siya para tignan ako at ang cart ko. He just gave me the mocking look and I grinned. Itinuloy niya ang pagpunta sa kabilang aisle so I minded my own business. I am done filling my own so I pushed the cart at the entrance. Balak kong uwi na pero nakakita ako ng gummy worms sa isang estante kaya tumigil ako para kunin iyon. Binuksan ko ang garapon para kumain at gagawin ko itong pagkain sa paglalakad pauwi. Nangasim bigla ang bibig ko sa asim na hatid ng kinain na gummy worm. Pinuno ko ang bunganga bago nilagay ang garapon sa ibabaw ng cart. Balak kong maunang umuwi at iwan ang lalaki pero narinig ako ng peste kaya mabilis siyang sumunod. Next thing I knew, katabi ko na siya. Hindi ba kaya nitong gumalaw ng hindi nakasunod sa akin? Binilisan ko ang pagtulak at paglalakad pero mas inabante niya lang ang cart niya para makasabay sa akin. Kumuha ako ng maraming gummy at pinuno ang bunganga. Nakita kong nilingon niya ako at hindi ko siya pinansin. I chewed more. Maya maya pa ay inabot niya ang garapon mula sa akin. Kumuha rin siya ng pagkain ko bago binalik sa cart ko. Pumikit ako ng mariin sa inis. Sinamaan ko siya ng tingin. I suddenly regretted that stole a piece of his ship. I want him gone! Dapat ba na ibalik ko na iyon para by tomorrow wala na siya? Nag-isip ako habang ngumunguya. Not fair with me. He will be happy to wave his hand while leaving while I am groaning in frustration because of his pestering schemes. Hindi kita hahayaang umalis dito. That's your punishment. I'll stop every way you could do to leave this planet. "You seems like thinking of evil things," sabi ng lakaki kaya nginisian ko siya. "Masisisi mo ba ako? I'm speaking with the devil," sagot ko bago marahas na inagaw sa kaniya ang garapon dahil kinuha na naman niya. "H'wag mo na nga akong kausapin, pwede?" "You are all alone here, not talking to someone. Aren't you bored? You should be grateful." Sinubo niya ang gummy worms. "I talked to myself and I'm not bored. At bakit ako magiging grateful sa pamemeste mo? This is my world now, I have so much thing to do so boredom isn't a problem." I lied. I don't have so much to do. I have plans on doing things but I just found myself being too lazy on doing it. Kelan ba ako sisipagin gawin ang mga iyon? Tama siya. Sobrang dami ngang pwedeng gawin. Sa sobrang dami walang matapos. "I've read your notes." Aniya na ikinalingon ko at nanlaki ang mata. "Naki-alam ka sa gamit ko," I stated. "It was on your sofa." Hindi ako nagsalita pero patuloy ko siyang pinapatay sa paningin ko. "There's so much thing you want to do. Written few years ago but nothing has been done." I remembered putting the date when I'd made the list. Bakit mo nga naman kasi nilagyan pa ng date, Secresia? Ano ka, gumagawa ng diary? "Me as well haven't done anything in your list. Gusto ko ring gawin iyan. Want me to accompany you?" He said like he's mesmerizing something about good scenario. "Umuwi ka nalang. Doon mo 'yon gawin sa mundo niyo. I could give you a copy of my list if you want." I winked at him and grinned widely. "You know I can't do that," sabi niya. He's looking at me intensely. "I know you can fix my ship. I can't seems to find for a signal to interact with my colleagues. And base from my observation, you are involved with everything that happened." So, you are being a smart guy, huh? Akala ko madali ka lang maloko, hindi pala siya bobo. That's tough. "Is that why you are always following me? Even offering to help me accomplish my list? Boom! You just expose your agenda." I smirked. "Yes," sagot niya. "Sorry to burst your imagination but I didn't do anything in your ship or even your signal," Pagmamatigas ko. Yes, I did blocked the signals from that world here. Ginawa ko iyon para hindi siya makahingi ng tulong sa mga kasamahan niya. As I promised. I wont let him leave. I even fabricated his last location so If ever they will search for him they will look at the other side of this world. "I saw you entered my ship when I passed out." Nagkibit balikat ako sa sinabi niya. "Masama ba? Gusto ko lang makita kung anong itsura sa loob ng sasakyan mo," sagot ko pabalik. He glared at me. Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako. Wala siyang sinabing kung ano kaya bumuntong hininga ako. "Akala ko matalino ka. You should know by the first second you shot me, I wont let you leave this place." Kinuha ko ang garapon at kumuha ng gummy worms. Pinuno ko ulit ang bunganga ko nito. "Well, I can stay here if that's what you want," he said. Yabang? Wala ka naman mapapatunayan. Pasasakitin mo lang ang tyan ko kakatawa. "Suit yourself," sabi ko na halos hindi pa masabi sa dami ng pagkaing nasa bibig. Yeah, stay here and let's be miserable together. Pagdating sa bahay ay winagayway ko ang kamay ko dahil sa pagkangawit na nakuha sa pagtutulak ng cart. Medyo malayo kasi ang pinagkuhanan namin ng mga grocery. I don't use cars because that will add pollution. Hangga't makakaya ko ay binabalik ko ang dating lusog ng mundong ito. Ngayon pang wala na ang mga taong sumira ng kalikasan. I even massaged my neck while resting on my sofa. Nagpresinta ang lalaki na siya na ang mag-aayos ng mga grocery. I just let him. Sige, pagudin mo ang sarili mo riyan at magtrabaho para sa akin. I closed my eyes because I suddenly felt tiredness that wants me to fall asleep. I let myself sleep. Putting my guard down because I know he won't kill me. Hindi siya makakaalis dito kung wala ako. It was a good sleep. Sobrang sarap na tulog kaya paggising ko ay madilim na ang apat na sulok ng bahay. Nakahiga na ako sa sofa at may kumot na nakapatong sa akin. Tanging ilaw lang sa kusina ang nakabukas at naroon ang lalaki. Tanaw na tanaw ko siya mula sa sala na nagluluto ng kung ano. Napapikit ako agad nang maamoy ang kaniyang niluluto. Tinignan ko ang oras. Mag aalas-syete na ng gabi. Tumayo ako para silipin ang flower field kung nakabukas ang mga ilaw nito. Napakagandang liwanag ang sumalubong sa mga mata ko. Napangiti na naman ako. Ang ganda talaga nila. Ang lalaking iyon siguro ang nagbukas ng ilaw. I have my wireless switch here that controls every lights that surrounds me. Naglakad ako papalapit ng kusina at sinubukang silipin ang kanyang niluluto pero naka harang siya kaya umupo nalang ako sa counter top. Kumuha ako ng mansanas na green at kinagatan. Galing ito sa farm ko. Ako mismo ang nag-harvest. Lumikha ng ingay ang pagkagat ko na ikinalingon ng lalaki. "Am I included in your dish?" Tanong ko He nodded. "You actually don't need to cook. Madami akong pinamalengkeng delata." Kumagat ulit ako sa masanas. "Stop your bad habits. Try cooking for yourself a worthy and healthy meal," sabi niya. "No need for me to do that. You can do it for me." He sighed. Kakatulungin kita. Be good to me mister because I am the key for you to leave. Hindi kita paaalisin hangga't hindi ako satisfied. I placed my both arms at the back part of the counter top. Nag-cross legs pa ako at sumipol-sipol. Tumunog ng mahina ang tiyan ko, tanda na ako'y gutom na. Mabango kasi ang niluluto niya. Matagal tagal na rin mula ng nakatikim ako ng pagkaing niluto. I mean matagalang luto, the whole year na mag-isa ko rito ay puro lang ako ready to eat foods. Tinignan ko ang pigura ko sa salamin mula sa sala. Pumayat ako ng sobra. Para akong taga rampa sa isang fashion show na kailangan halos makita na ang buto. "Every food in this world is yours. Magpataba ka." Ngumuso ako. "Sige, I will pretend to be grateful for your fake concern. Sasabayan kita sa act mo hanggang sa makumbinsi akong tulungan ka sa ship mo," I playfully said. "I'm not playing to gain something in return. I'm sincerely concern." "Hmm, even your cooking is sincere?" Tanong ko. "Yes," sagot niya. Hinalo niya ang ginigisa. Nag-flex ang mga muscle niya sa kamay. Pinagmasdan ko ang mga galaw niya. Mukang marunong talaga siyang magluto. Tinulak ko ang sarili pababa mula sa counter top kaya napalingon siya sa ingay ng pagbaba ko. Lahat ata ng gagawin kong galaw ay lilingunin niya. Pumunta ako sa lalagyan ng mga plato at kubyertos para ayusin ang pagkakainan namin. Nakakahiya- wait, I thought you'll make him your slave? Bibitawan ko sana ang pagkakahawak sa plato pero nakatingin siya kaya no choice kundi ituloy ang pagkuha ng mga ito. Halos tuktokan ko sarili ko. I should not work! Siya dapat lahat dahil siya ang may kailangan! Naglagay ako ng tig-isang plato sa mesa at tig-isang pares ng kutsara at tinidor. Bumalik ako sa lababo para kumuha ng baso at lalagyan ng tubig. Nilubos ko na kaya sumandok na rin ako ng kanin. It's automatic rice cooker. It cooks on a time I set. "Your rice cooker is great. Less work," aniya. "Thanks," sagot ko "Napansin ko sa bahay mo, puro advanced equipments. You're an inventor?" Tanong niya. Nilapag ko ang kanin sa mesa at umupo sa upuan. "I'm a scientist and supposed to be doctor." sagot ko. Tumango siya. "Where's your family?" Saad nito at nilingon pa ako. I pointed my index finger up. He made a confused expression. "They died? Or did they leave you here?" Tumawa ako. "Both," sagot ko. That made him even more confuse. "Ano bang pinagkaiba kung saan sila napunta? Kahit saan ang tungo nila, They still left me." "Wala ba akong makukuhang maayos na impormasyon tungkol saiyo?" He said. "H'wag na, baka ireport mo pa sa head niyo ang makakalap mo sa akin." Ayaw ko lang talagang magkwento sa kaniya. Hindi ako takot na makakuha siya ng impormasyon sa akin. "Gusto ko lang na may pag-usapan tayo." "Saka na. Kapag sinipag na ako." I sighed when he removed his eyes from looking at me. Nakita ko ang litrato sa sala na malamang nakita niya kaya nagtatanong siya ngayon. Ngumiti ako ng mapakla at tumulo ang isang luha. Pinatay ng lalaki ang kalan kaya mabilis kong pinunasan ang luha mula sa kaliwang pisngi. He appeared infront of me and place a plate with the dish he cooked. Mukang masarap. It's a steak. Sumandok ako ng kanin sa plato ko at kumuha ako ng luto niya. Inulam ko iyon sa kanin. Siya naman'y steak lang ang kinain. Amerikano nga pala 'to. Walang kanin-kanin sa kaniya. First time ko ulit nakakain nito kaya nasarapan ako ng sobra. Sunod sunod ang subo ko sa pagkatakam. Napansin niya iyon kaya napaangat ang dulo ng mga labi niya. He smiled. Napatigil ako pansamantala sa pagnguya nang makita ang ngiti niya pero hindi ko pinahalata at nagpatuloy sa pagkain. Mas gumwapo siya sa pagngiti. Hindi intensyon pero naibalik ko ang paningin sa kaniya kaya nakita ko na naman ang ngiti niya. Nakaramdam ako ng kaba kaya naiubo ko ang nasa bibig ko. Nanlalaki pa ang mata ko dahil sa muka niya naibuga ang mga pagkaing laman ng bibig ko. "s**t, I'm sorry! " Tumayo ako para kumuha ng tissue para punasan ang mga kanin na nasa muka niya. Nakapikit ang isa niyang mata na nalagyan din. Tinanggal ko lahat ng kanin sa muka at damit niya. Namula ako sa nagawa ko. Nang matapos kong tanggalin ang lahat ay umupo ako ng maayos sa upuan ko. Nakaiwas ako ng tingin at namumula. Nakakahiya ang nagawa ko. I bit my lower lip. "It's fine. Go finish your meal," Pangbabasag niya ng katahimikan. Nilingon ko siya wala na ang ngiti niya at nagsimula na siya ulit kumain ng steak niya. Tumango ako at kumain na ulit. Dahan dahan na ang pagkain ko at sakto na lang ang sinusubo. Halos kulangin ang laman ng rice cooker sa dami ng kinain ko. Ito ang unang pagkakataon ulit na nakakain ako ng madami. "Muka nga talagang di ka kumakain." He ate the last piece of his steak before drinking water. I burped. Hindi pa nga ako nakakainom ng tubig ay dumidighay na ako. Hinawakan ko ang tiyan sa sobrang busog. Salamat sa lalaking ito nabusog ako. Kinuha niya ang baso ko at sinalinan ako ng tubig. Ininom ko agad ang binigay niya. "Thanks," I genuinely said. Hindi ako kumilos. Hinayaan ko siyang ayusin ang mga pinagkainan namin. Alam na niya kung saan ilalagay ang mga plato para malinis. Alam na rin niya kung anong pipindutin. "What's your name?" Tanong ko. "Tres," he casually said. Walang pag-iisip na nangyari. Mabilis niya akong nasagot. Oo nga pala. Iyon ang nakalagay na pangalan niya sa suit. "And you? Or even just your alias if you don't want to tell me your name." "Secret," saad ko. Narinig ko ang buntong hininga niya. That's my short name. I'm not playing here pero iyon ang iniisip niya kaya napangisi ako. "If you don't want to tell me any name--" pinutol ko siya sa pagsasalita. "Secret. My name is Secret." Natigilan siya at tumango tango siya. Iniwan niya ang dish washer at umupo sa upuan sa harap ko. Nangalumbaba ako at kumuha ng toothpick para linisin ang ngipin ko dahil tingin ko'y may naiwang steak na naka singit. "Anong plano mong gawin bukas? Fix your ship perhaps?" I said between my cleaning session. Umiling siya." Kahit anong ayos ko hindi magagawa iyon." "Malay mo magka-miracle. Biglang umandar mag-isa iyang sasakyan mo." "I don't believe in miracle." I rolled my eyes on him. Kumuha ako ng ubas sa ref. Hinugasan ko iyon bago nilagay sa plato. I started eating and I didn't offered him to have one but knowing his attitude of course he'll offer himself. Kaya kumuha siya ng ubas kahit hindi nagpapaalam. Sinimangutan ko siya. "Iyan ba ang special talent mo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lang. Ilang araw pa lang kaming magkasama pero nasanay na ako sa kakapalan ng muka niya. He threw a piece of grape and catched it with his mouth. I found it childish but I want to try it too so I got my own and threw it on the air then catched it using my mouth but it didn't end well for me. Dumiretso ang ubas sa lalamunan ko na naging dahilan para mabulunan ako. Hinampas ko ang dibdib para mailabas ang ubas pero hindi ito nakatulong. Bigla akong kinapos ng hininga at pinilit kong makasagap ng hangin pero mahirap dahil sa nagbarang ubas. Nabigla si Tres sa mga galaw ko kaya bigla siyang tumayo. " You're choking," aniya bago pumwesto sa likod ko. Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at bigla akong iniangat pataas habang binibigyan ng diin ang tyan. He's doing a first aid. Ilang beses pa niya akong inangat at hindi na talaga ako makahinga. I felt like dying and I was ready to meet my dad but the grape came out of my mouth. I grasped for an air. Inubo ubo pa ako habang hinihingal. Napahawak ako sa mesa sa panghihinang naramdaman. Napamura ako. "Are you fine now?" Kumuha siya ng tubig at mabilis ko naman iyong ininom. Para akong tinakasan ng kaluluwa. Nagpasalamat ako ng mahina sa ginawa niya. Pinunasan ko pa ang tagaktak na pawis na ngayon ay panay ang tulo. "Don't do that again! You freaking scared me!" Hingal niyang sabi. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Something that a person could never fake. I just know it. Alam ko kung nagsisinungaling ang isang tao. Kinagat ko ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Sumubo nalang ako ng ubas at dahan-dahan na ang pagnguya. Bumuntong hininga siya at hinilamos ang mga palad sa muka na parang problemadong problemado. Marahas siyang tumayo sa kinauupuan at iniwan ako sa kusina. Hindi ako nakapagsalita sa inakto niya. Galit siya. Pero bakit? Dapat matuwa siya sa nangyari dahil ang pagkamatay ko naman talaga ang una niyang trinabaho. Ohh, yeah, I get it now. Mababawasan nga pala ang chance niya na makaalis sa mundong ito kapag nawala ako. Tumawa ako ng payak. Hindi ko na itinuloy ang pagkain kaya iniwan ko nalang ang ubas sa mesa at nilisan ang kusina. Walang tao sa sala pero bukas ang main door kaya baka lumabas siya. Sinubukan ko siyang silipin mula sa bintana. He's nowhere to be found to I started marching at the stairs. Pumasok ako sa kwarto at itinapon ang katawan sa kama. Huminga ako ng malalim at tumunganga sa ceiling. Nag-isip isip muna ako bago napagpasyahang magpalit ng damit pangtulog. Sinilip ko rin ang aking sugat at nilinis. Naghilamos ako ng malamig na tubig para medyo mawala ang mga iniisip. Ngumuso ako sa repleksyon ko sa salamin bago lumabas ng banyo. Sinuot ko ang salamin dahil iche-check ko muna ang computer ko bago matulog. Pag-harap ko sa monitor ay wala namang bagong impormasyon ang naroon maliban sa mga taga Hyacinth na ngayon ay sinusubukang kontakin ang lalaking iyon. They are at the other side of the world just like where I wanted them to go. Hindi niyo mahahanap si Tres. I inputted something to block other signals from here to 1000 kilometers radius. I even programmed my computer to inform my watch whenever there are army near my place. Tinanggal ko ang salamin at tumayo na para matulog. Humiga na ko bago kinumutan ang sarili. Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok. I fell into a deep sleep and woke up in a new sunny day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD