Kabanata 6

3337 Words
Nagdaan pa ang ilang mga araw na hindi nawawala sa paningin ko ang lalaking iyon. Halos araw-araw siya na nakasunod sa akin sa flower field. Hindi naman siya tumutulong sa pag-aayos ko kaya inis pa rin ako sa kaniya. Dapat ay tinutulungan niya ako dahil siya ang may gawa nito. Nakakapikon talaga ang lalaking ito. Minsan ay sinusubukan pa rin niyang ayusin ang sasakyan niya pero hindi talaga gumagana. Pati ang paghanap niya ng signal ay bigo rin siya. So the next day he really gave up fixing it. He always does his usual routine which is to cook our food. Iyon lang ang mga gawa niya bukod sa pagsunod nang pagsunod sa akin. I hugged my pillow as I woke up in a cold rainy day. Tumingin ako sa labas ng bintana. The sky is dark and the rain is pouring just fine. Hindi malakas ang hangin kaya diretso lang ang pagbagsak ng ulan. Gusto ng mga halaman ko ang ganitong klaseng panahon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga para lumapit sa bintana at buksan ito. Napasinghap ako nang mabuksan ko iyon. Cold breeze hugged me. Ang sarap ng lamig na hatid nito kaya ilang minuto ko sigurong ninamnam ang malamig na simoy habang nakapikit. I smiled. It's my favorite season of the year. morning while raining. Maraming alaala ang bumalik sa akin habang nakapikit. My mother is preparing for our thick sweaters and lecturing us about wanting to go outside with our tiny umbrellas. I love how her champorado tasted like the best snack I would always asked for. Sobrang saya namin. sa sobrsng saya hindi napaghandaan na pwede pa lang mawala ito ano mang oras. Binaybay ko ang paligid. Umaga na pero madilim pa ang paligid. Kinagat ko ang ibabang labi nang panibagong malamig na hangin ang humampas. Sinapo ko ang dibdib dahil sa kirot na naglandas doon. Kirot na hindi ko alam kung saan galing. It's not about remembering my happy moments, it's something else. Biglang nagbadya ang malakas na hangin kaya naihangin ang buhok ko patalikod. The pain is still there. Pinikit ko ng mariin ang mata ko at inisip kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Hindi ito para sa pamilya kong nawala. Para ito sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ito. I have been always feeling this kind of pain every once in a while. Pain came rushing like it's burning my heart. Bigla na naman pumatak ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi at napahawak sa pader sa naramdamang panghihina. Ang sakit lang. Not physically, but emotionally. Pinakalma ko ang sarili. Sumighap ako ng malalim at minulat ang mata. Bayolente na ang hangin kaya sinara ko na ang bintana dahil umaangi na sa loob. Pinunasan ko ang aking luha. Naluha na pala ako. Napapadalas ata ang pagluha ko. Umiling ako sa sarili para hindi na maisip ang naramdaman kanina. Kinuha ko ang pares ng aking tsinelas at humugot ng sweater sa closet bago lumabas ng kwarto. Nasa taas pa lang ako ay tanaw ko na si Tres sa baba. Kinapa ko ang aking muka para i-check kung may unnecessary things ba na naroon. Nakakahiya naman kasi sa bwisita. Mukang wala naman kaya inayos ko na lang ang aking buhok sa paraan ng pagsuklay gamit ang mga daliri. Nilingon ko ulit si Tres. Pinipilit niyang isiksik ang malaki niyang pigura sa maliit na sofa. Halos malaglag siya sa kinahihigaan habang nakapatong ang manipis na kumot sa kaniya. Malamig na ang klima kaya bumaba ako at dumiretso sa controller para buksan ang heater. Hindi pa ako nakuntento kaya binigyan ko pa siya ng isa pang kumot. Pinatong ko sa kaniya ng dahan-dahan at maayos. I suddenly felt pity even though he looked ruthless. Dumireto ako sa kusina matapos kumutan siya. Naghanda ako ng dalawang mug para sa paggawa ng hot chocolate. Humuni ako ng kantang narinig ko sa utak ko habang naghihintay sa tubig na pinakulo. Nabagalan ako sa pagkulo kaya kumuha na ako ng dalawang cup noodles para sa almusal at nilagay iyon sa mesa. Nang matimpla ang hot chocolate ay dinala ko ang dalawang mug sa sala para manuod ng TV. Binaba ko ang mug sa center table at inilapit ko sa pwesto niya ang kaniya. Naagaw ng tulog niyang muka ang atensyon ko, hindi ko alam bigla na lang akong lumapit sa kaniya. I squatted in front of him and took my time to look at his face. Napakakinis ng muka niya. Magandang pilik mata at manipis na makapal na labi. Ngumuso ako at iginilid ang ulo para suriin pang mabuti ang itsura niya. I touched my heart. It's the same feeling whenever I look at him. The feeling of longing. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magmulat siya ng mata. Nagkatitigan kami kaya napakurap-kurap pa ako. Hindi na ako nakagalaw pa kaya nahuli niya ang panunuri ko sa kaniya. Nag-iwas ako agad ng tingin at tumayo ng tuwid. Umupo siya mula sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata. His hair is now messy and his eyes are puffy like the usual look when you woke up. Inabala ko naman ang sarili sa pagbukas ng TV pagkatapos ay nanuod. Hindi ko na siya nilingon pa ulit. I started watching a news about rainy weather with the same time and date but not the year. Wala lang. Gusto ko lang magmukang normal ang lahat. Na nasa loob lang ako ng bahay. Kasama ang mga magulang at kapatid na nagpe-prepare ng breakfast sa kusina. Nasa loob lang ng kani-kanilang bahay ang mga tao dahil umuulan at ang iba naman ay nasa trabaho. I turned my head to the kitchen and I saw how we were back then. Keeper were in the counter top watching Mom who were cooking and Dad was sipping his coffee while reading news through his tablet. While I am here on sofa, watching the news as I always do. Kumurap ako,nawala ang mga imaheng iyon at napalitan ng madilim at walang buhay na apat na sulok ng bahay. I sipped on my mug and watched the TV. Napansin niya ang kumot na binigay ko. Pati ang mug ng hot chocolate na nasa tapat niya. "That's yours," pagkumpirma ko. Tumango lang siya at hindi nagsalita. Napatingin siya sa bintana bago napatulala roon nang saglit. Pareho ba kaming gustong-gustong pagmasdan ang langit na umuulan? It's just so calming. Kaya nga puro malalaking bintana ang bahay namin dahil gusto ko nasasaksihan ko ang lahat. Liwanag man o ang pagdilim ng langit. This house is old. Ito ang una naming bahay bago kami nagpasya na lumipat sa City. This house serves so many memories of our childhood. Sunod naman niyang sinuri ang pinapanood ko at kumunot ang noo niya. "You are weird," sabi niya. "Yes, I am." I smirked at him and sipped again. Tinitigan niya lang ako. Naging paborito na niya atang tanawin ang muka ko. Alam ko naman na maganda ako. No need to make it obvious. Pagtumitig pa naman siya para kang nanakawan ng kaluluwa dahil hindi mo mababasa kung anong nasa utak niya. Kung gusto ka ba niyang patayin o hubaran. Kinagat ko ang dila ko sa naisip. Why would you think of that! Kumurap-kurap ako at pinatay ang TV. Bigla akong tumayo, pumunta ako sa kusina dala ang mug. Kinagat ko ang daliri at pinilit na kinalimutan ang inisip. Iba kasi ang mga titig niya. Parang he's looking through my soul. Reading what's inside of me and analyzing my thoughts. Nakarinig ako ng yapak kaya nagbusi-busy-han ako. Binuksan ko ang automatic vacuum para magsimulang linisin ang kusina. Ni-ready ko na rin ang mainit na tubig na gagamitin sa cup noodles. Una niyang nakita ang cup noodles sa mesa bago ang pinapainit kong tubig. "We'll eat noodles for breakfast?" Tanong niya. Tumango ako. Bumuntong hininga naman siya. "Move and sit there. I'll cook," matigas niyang ingles. Gumilid ako agad dahil bigla siyang lumapit. Natakot akong magdikit ang balat namin kaya lumayo ako agad. That made him look at me. "Ok naman na ako sa noodles. Go cook your own." Sa aktong lalagyan ko na ng mainit na tubig ang cup noodles ay bigla naman niya itong kinuha at tinapon sa basurahan ang laman. Dalawang cup noodles ang tinapon niya. Sinimangutan ko siya. "Nagsasayang ka ng pagkain," asar na sabi ko. "There's a lot of food. I told you, you should eat normal food. Wait there, I'll cook." I have no choice but to follow him with a pissed face. Ang bossy nito, parang siya ang tatay ko. On the other hand, gusto ko ang mga luto niya. Magaling siyang magluto. "I should really keep you here forever, don't you think? Para may taga luto ako for the rest of my life," pang-aasar ko. "I can't," mabilis niyang sagot. Kinagat ko ang labi ko. Surely, he doesn't want to stay here for so long. Baka may girlfriend siya sa Hyacinth? "It's all up to me kung makaka-alis ka rito o hindi. Kaya galingan mo pa ang pagsuyo sa akin." Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. Sabi na e, He's being nice so he will receive my help in the end. Go ahead, do that. Sasakyan ko na lang ang trip mo pero hindi ako mahuhulog sa trap mo. "I told you. I'm not doing this to win your help. I'll just wait till you decide to hand over your help sincerely. " Tumango-tango ako na parang nakumbinsi niya pero hindi ako maniniwala sayo. Everything has a purpose. Mahirap ka ng paniwalaan. "What are you gonna make for breakfast?" "Salad," simple niyang sagot. "American salad? Those salad that has leaves? Yuck, no way. I rather eat the noodles you threw in the garbage bin," said in full disgust. Tapos ang gagamitin niyang ingredients iyong mga dried leaves? That's gross. Ang dami naming ing-grocery tapos pakakainin niya ako ng d**o? Amerikano ka nga. Amerikanong hilaw. "Hindi mo ba kaya ang filipino breakfast? Marunong ka naman magtagalog a." Binuksan niya ang ref at may kinuha sa freezer. "Nasanay lang ako sa American food since our current country in Hyacinth is in USA. Also, I live in USA here too back then. Pumupunta lang ako sa Philippines tuwing bakasyon because my Mom and Dad are Filipino citizens. What filipino dish do you want?" Tanong niya habang nakatingin sa binuksan na cup board. "Fried rice, hotdog, egg and bacon please." Tumango siya. "Alright." Binalik niya sa ref ang mga kadiring gulay na gagawin niya sanang salad. Kumuha siya ng dalawang itlog, bacon at hotdog sa ref. Naglabas naman siya ng isang buong gloves ng bawang at sibuyas. Hiniwa niya ang lahat ng iyon ng mabilisan bago nilagay sa plato. Pinainit naman niya ang pan para sunod sunod ang mga pagluluto niya. Amazing that I have my own raw ingredients right? Bukod kasi sa pagtatanim, nag-aalaga rin ako ng mga hayop para sa ilang basic needs gaya ng itlog at prutas. Para naman akong bata na nanunuod ng cooking show. Nakapalumbaba pa ako at sinusundan ang mga galaw niya. Mabilis siyang kumilos. Siguro ay chef siya. Next thing I know, luto na ang mga ni-request ko. Hinain niya ang lahat sa harap ko. Ang amoy ng sinangag na kanin ang nagpakalam ng sikmura ko. He even prepared the plates and silverware. Hindi na ako tumayo dahil siya na ang nagtrabaho ng lahat. Kakain nalang ako. I smiled as I looked at the food. I grabbed a bite on the hotdog using my hand. Hindi pa umuupo si Tres dahil nagto-toast pa siya ng bread. Hindi ko na siya hinintay at kumain na ako ng kaniyang niluto. Toasted bread na nga iyan tapos ito-toast pa ulit. Hindi ko na naman napansin na nakatitig na naman siya kaya sunod-sunod ang subo ko. Nang nahagip ng tingin ko ang muka niya ay muntik na naman akong maubo sa ngiti niya. Ganyan ba siya katuwa na nasasarapan ako sa mga niluluto niya? Was I too obvious that I liked his dishes? Dinahan dahan ko ang pagkain para hindi ako magmukang patay gutom. Tumunog ang toaster indicating na ok na ang niluluto niya. Nilagyan niya iyon ng butter bago nilapag sa harap ko. Umupo na rin siya at humigop ng hot chocolate niya. Sumandok na rin siya ng kaniyang pagkain pero konti lang. I ate the toasted bread he made and it was good to pair with hot chocolate. "You cook well. Chef ka rin ba?" I asked. Natigilan siya sa pag nguya at nag-isip. Kumunot pa ang noo niya na parang may nakalimutan. "I don't remember where I learned cooking. Maybe because I always watched my Mom cook for me." Tumango ako. "Your girlfriend must be really impressed with your skills." Napagdiin ko ang dalawang labi ko nang maisip ang sinabi. What? Did I just said that? Bakit ako nag-oopen ng personal topic? Ikaw nga ayaw mong mag-disclose ng saiyo e. "I don't have one." Something pinched my heart as I heard that. Tinutok ko ang atensyon sa pagkain. "You obviously don't have a boyfriend since you are all alone here. Or, did he left you?" "Wala," simpleng sagot ko. Sinubo ko ang huling natitirang pagkain sa plato ko. Binaba ko ang kubyertos ko at ako naman ang tumitig sa kaniya. "I want to be fair. Let's play a game. The one who loses should answer any question the winner will ask," saad ko. "You will answer honestly?" Wala namang mangyayari kung makakakuha siya ng impormasyon sa akin. Gusto ko lang din makilala pa siya. May gusto lang akong malaman at tingin ko siya ang way sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag. "Yes, I promise." With that, nagsimula kami sa laro. Naisipan kong maglaro kami ng fighting games sa play station ko dahil tingin ko ay mas fair iyon. Kompyansado ako noong una na mananalo ako sa lahat ng round dahil mabilis ang utak ko pero nakakalaglag panga na halos talunin niya ako sa lahat ng round. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Paano siya ganito kagaling? Hindi pa ako natalo ng kahit na sino! "Ask," utos ko na masama pa ang loob. Bumuntong hininga ako at naghintay ng tanong mula sa kaniya pero umiling lang siya. "Let's play until we got tired. I'll count my wins and you count yours. I will ask when I feel like I need to," aniya. Nagkatitigan kami dahil sa sinabi niya. Seryoso niya iyon sinabi. Walang bahid ng pang-iinis o pang-aasar. May kakaiba sa tingin niya na nakakapigil ng hininga. Minsan ay hindi ko maintindihan ang lalaking ito. May oras na mang-iinis siya. May oras din na seryoso ang buhay niya at cold siya. Parang may personal disorder. Tumawa ako sa naisip. "Fine," pagsang-ayon ko. Sabagay, pwede naming gawing talkshow ang magiging resulta ng larong ito. We can think more of what questions we'll throw to each other. Nagsimula ulit ang laban namin. Walang sinabing kahit ano si Tres at seryoso sa laro. Napapatingin tingin ako sa kaniya kaya hindi ako nakapag-focus sa laro. Natalo ako nang hindi namamalayan. Nang mapansin na natalo pala ako ay halos hindi pa ako mag-react. Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko at inisip kung bakit ba ako napapatitig sa kaniya pero hindi ko alam. His side view is shouting so much. Ang matangos niyang ilong at ang magulo niyang buhok ay nagpalala lang ng pagkagulo ng utak ko. Nilingon niya ako at sinabing, "I won." Kinurot ko ang sarili at doon lang ako natigil sa pagtitig. Nagtaka siya at tinanong ako kung ayos lang ba ako pero umiling lang ako. Binalik ko ang focus sa laro. Sa wakas ay nanalo rin ako kaya napatalon pa ako habang nakaupo. I shouted in joy, lumapit pa ako sa kaniya at hinampas ang braso niya habang inaasar. He just chuckled and bring back his smirk. Naglaro kami hanggang sa magsawa kami. Talagang magaling siya sa larong ito. Hindi ko na iyon kinwestyon pa. Naging masaya ako sa tatlong pagkapanalo ko. Nakakalumo lang na natalo niya ako ng fifteen times. Kinalawang na siguro ako kaya mas nanalo siya. Hindi ko sasayangin ang tatlong tanong ko kaya hindi ko muna iyon gagamitin. Nag-unat ako habang nakaupo nang mabitawan ang controller. Hinimas ko pa ang nangawit na leeg bago tumayo. Nangalay pa ang paa ko kaya para akong napilay ng inapak ko iyon. Walang naramdaman kaya muntik akong tumumba. Maya-maya pa ay nagdulot na ito ng kiliti kapag ginagalaw. Ngumiwi ako para pigilan ang sariling gumalaw. Nanlaki ang mata ko nang makita si Tres na papalapit at nakangisi. Napansin niya ang nangyari sa paa kong nangalay. I shouted no but it was too late. Hinampas niya ang paa kong nangalay at tumawa ako na may kasamang pasigaw sa kiliti na naramdaman. Dalawang beses niyang natapik ang paa ko bago ko siya naitulak. "Bwisit ka!" Sigaw ko. Sinubukan kong igalaw ang daliri sa paa kaya medyo nawawala na ang pamamanhid. Ilang minuto pa ay tuluyan na itong nawala. Mapang-asar na ngisi ang iginawad sa akin ng lalaking ito. Kinuha ko ang controller at itinapon sa kaniya. I caught him off guard so the controller hit his face and it's my turn to give him the annoying smirk. I even laughed my heart out. Tumingin ako sa oras. Magtatanghalian na. Naubos ang oras namin sa paglalaro lang. Balak kong umakyat na sa taas pero hinawakan niya ako sa braso. "Let's watch a movie." Hindi ako agad sumagot. Kunwari ay nag-alinlangan pa ako kahit gusto ko naman ang idea. "It's just that, I've never been watched any movie in my entire life," saad niya at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko. Gaano ba ka busy ang buhay nito at simpleng movie lang ay 'di pa niya nararansan makapanood. Ang lungkot naman ng buhay niya. Naging dahilan iyon para gustuhin kong mas kilalanin siya. Napaisip ako sa sinabi niya. Sabagay, wala naman talaga akong gagawin sa taas kung hindi magbasa lang. It would be nice to watch a movie while raining. Hindi rin naman kami makakalabas dahil sa bayolenteng hangin. "Make our snack. I'll play a movie," Utos ko. Tumango siya. Nagkanya-kanya na kami sa mga gawa. Binuksan ko ang isang application sa TV para tignan ang mga movie na naroon. There's a lot so I don't know what to choose. "What genre do you prefer?" Sigaw ko mula sa sala para marinig niya. "Anything will do," sagot niya pabalik. Should we watch thrill movie? Horror? Suspense? Cause Romance is not in my list. It's not my thing. Masyadong corny. I picked a thrilled movie. Saktong pagdating niya ay ang pag-play ng movie. Binigyan niya ako ng plato ng clubhouse sandwich at mga gummy worm. Inilapag niya rin ang juice. Sa akin lang ang ginawa niyang sandwich dahil juice lang ang dinala niya at umupo na siya sa sofa. "You didn't made your snack?" Umiling siya at nakatuon na ang atensyon sa palabas. Hindi na ako nagsalita pa dahil mukang ayaw naman niyang makipag-chikahan. The story lasted for about one and a half hours. Ilang beses akong humikab dahil hindi ko trip ang palabas. Para kasing tanga 'yong bidang babae. Tatakbo na nga lang ay madadapa pa. Halos patayin ko ang TV sa inis pero pagnililingon ko si Tres ay nawawala sa isip ko ang pagpatay dahil tutok na tutok siya sa pinapanood. Ni hindi nga ata kumurap ang sira-ulo para lang mapanuod ang buong scene. Nang matapos ang palabas ay ang nasabi niya lang ay, "That was a great movie." Ngumiwi naman ako dahil iyon ang pinaka pangit na pelikulang napanood ko. Puro takbuhan at nakulong lang ang bida. Baka pagpinanuod ko siya ng mga movie na mas maganda pa ay sambahin niya na ang TV. Sinuklay ko ng aking kamay ang buhok patalikod dahil pakiramdam ko ay gulo-gulo na iyon. Nilingon ko ng labas. Mas dumilim ang langit at nagsisimula na ang pagkulog ng kalangitan. Tumayo ako sa pagkakaupo. Inubos ko ang laman ng aking baso bago nag-unat ng katawan. "What should we do next?" Tanong ko. "Let's talk about our lives," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD