Kabanata 7

3214 Words
Nilikot-likot ko ang aking paa habang nakaupo na naman sa counter top. Matapos mag-aya nitong lalaking ito na magkwentuhan daw kami sa mga buhay-buhay namin ay inutusan ko siyang magluto ng tanghalian namin. Nag-isip ako ng pwedeng pag-usapan namin. We can't ask questions because it will be deducted to the wins we have made earlier. Dapat willing ang isa sa amin na mag-share ng kung anong maibabahagi ng hindi tinatanong. "You know what, quit being an army. Try mong mag-apply ng chef. Mas bagay ka roon." Sarap niya kasi- I mean ng mga luto niya. Tinampal ko ang sariling bibig kahit hindi ko naman iyon nasabi ng malakas. Ang kilos na iyon ay nagpalingon kay Tres sa akin. Walang expression niya akong tinitigan bago binalik ang atensyon sa niluluto. Sa ilang araw na magkasama kami ay medyo nawawala na ang pagkabwisit ko sa kaniya. Nagiging crush ko na nga sya sa lagay na ito dahil sa palagi niyang pagluluto. Basta kasi marupok ako. Sinubukan kong igalaw-galaw ang braso ko at wala na akong nararamdaman na kahit ano roon. Iniangat ko ang sleeve ng damit para tignan ang sugat sa likod ng benda. Tuyo naman na ang sugat at medyo magaling na. Kailangan ko lang lagyan ito ng ointment para hindi magpeklat. Kumunot ang noo ko nang mapansin na ilang araw na niyang suot ang damit na gamit niya ngayon. "Ligo-ligo rin pag may time ano?" Pang-aasar ko sa kaniya. Sinipat niya ang sariling damit. "I don't have any clothes left." Oo nga pala. Sa ilang araw na inilagi niya rito ay malamang ubos na ang binigay kong mga damit sa karton. So kasalanan ko pala kung bakit hindi pa siya nagbibihis? "Is it bothering you?" Inamoy niya ang kaniyang sarili. Hindi naman siya mabaho. Sa totoo lang ay mabango nga eh. Hindi ko alam kung bakit siya mabango. Nasa balat niya na siguro. Grabe talaga ang mga alien, pawis ang pabango. "I'll take a shower later then if it's making you feel uncomfortable." Mabilis akong umiling. "You don't smell that bad. Pero kung maliligo ka mamaya magbababa na lang ako ng damit ulit." "Is this your dad's shirt?" Tanong niya sa damit na suot niya ngayon. "Ibabawas ko ba iyang tanong mo ngayon sa napanalunan mong chances?" Tumawa ako dahil bigla niyang binawi ang tanong. I chuckled. "Kidding. No, it's not my father's" "Your boyfriend then?" Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Baka sa mga pinsan ko noong dumalo sila sa 18th birthday ko. I just found that with the box I gave you under my bed." "Including the necklace?" Tanong niya. Nagbago ang kaniyang tono sa pagtatanong. Bigla kong naalala iyong gabing galit na galit niya akong tinanong kung saan galing ang kwintas na iyon. "Yes, including the necklace." Binitawan niya ang sandok at sinandal ang dalawang kamay sa lababo at tumingala. Madilim ang expression ng muka niya. Marahas din ang paghinga niya. Nilaro ko ang mga daliri ko at hindi iyon pinansin. "It's my mother's necklace," bigkas niya kaya napatigil ako. "Ows? Hindi nga?" gulat kong tanong. "It is." "Sira, baka pareha lang." "My initial is engraved in it." Napanganga ako. Hindi ko talaga alam kung bakit naroon iyon sa ilalim ng kama ko. Pumikit siya ng mariin at kumuyom ang kamao. Tinignan niya ako at halos mapatalon ako sa galit na namumutawi sa mga mata niya. "What?" Tanong ko. Bakit siya galit sa akin. Hindi ko naman ninakaw iyan! Kung gusto niya bawiin niya. "Perhaps you have this because you killed her?" Madiin niyang tanong. Napasinghap ako sa kaniyang pagsigaw. Bumaba ako mula sa counter top. "Gago ka ba? Ni hindi ko nga kilala iyang nanay mo!" Sigaw ko pabalik. "You've been left here because you killed the one who created the Hyacinth world. Aminin mo na. " Gusto ko tuloy bawiin ang sinabi na nababawasan na ang pagkainis ko sa kaniya. "I almost forgot everything because of you. Damn, almost. Nawala sa isip ko na ang kaharap ko ngayon ay ang pumatay sa nanay ko." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Pwede ba tigilan mo ako. Wala akong alam sa pinagsasabi mo. Nabagok ba iyang ulo at kung ano-ano ng pinagsasabi?" "It's the order. Kill the only girl living in this world because of unforgivable sin she committed," pahayag niya at hinilamos ang kamay sa muka pataas sa buhok. Nagtagis ang panga niya. Binasa ko naman ang labi ko ng sariling laway at huminga ng marahas. "What sin? Ano nga ba ang kasinungalingan na sinabi sainyo ng napakagaling na Presidente niyo?" I looked at me like so blankly. "It's not a lie. I just confirmed it myself." "This is my question from the race I won. Anong kasinungalingan ang sinabi ng presidente niyo tungkol sa akin." Wala akong paki noong una kung anong pinaratang sa akin pero ngayon ay meron na. Ngayong halos maging bayolente ang lalaking nasa harap ko ngayon at inaakusahan akong pinatay ang nanay niya. "It's not a lie," sabi niya at hindi sinagot ang tanong ko. "Answer my question." "I am the son of the late president. Alam ng lahat na pinatay mo ang Nanay ko. She's the epitome of kindness, why did you kill her?!" So iyon ang pinakalat nilang ginawa ko kaya ako nandito sa mundong ito at nag-iisa. Siya ang anak ng lalaking iyon? What a coincidence. Palagi ang tatay niya sa laboratory namin noon para kamustahin ang mga researches na natrabaho namin. Alam ko lang ay may anak siyang lalaki pero hindi ko kelan man nakilala kaya it's really a coincidence na nagkakilala kami sa mundong ito. Tungkol naman sa nanay niya ay totoong hindi ko kilala. Kung totoo ngang scientist din ang nanay niya ay paniguradong makikilala ko dahil ako ang nagha-handle ng mga list noon. Kilala ko ang lahat ng Scientist namin kahit pa sa labas ng bansa. Walang apelyidong Mrs. Auxtero akong nakilala. Auxtero pala ang last name mo. Tres Auxtero. Or is that even your true name? Binalingan ko siya. "Believe me, I don't even know who your mother is. I'll never kill a person if it's not for self defense," Pagpapaliwanag ko pero mabilis niya akong sinalungat. "She's a scientist too. She created the new world and you wanted to claim it to be your work that's why you killed her." Tumawa ako ng malakas. Mas kumunot ang noo ni Tres. "They really made me the villain huh? Ang gagong tatay mo lang ang kilala ko. I have nothing to do with your mother." Nagtagis ang panga niya sa narinig. "Stop lying." "It's the truth. Your father is my father's friend. Siya ang nagpopondo ng mga financial need sa laboratory. Siya lang ang kilala ko," pagpapaliwanag ko. Sa totoo lang ay hindi ko kailangan magbigay ng explanation sa kaniya pero ipagtatanggol ko ang sarili ko sa pagkakataong ito. "Then how will you explain the necklace? Hindi mo siya kilala pero nasa iyo ang kwintas niya. Damn, just confess! I will not do anything to you!" diin pa niya. "Tanga mo naman. Hindi ka ba nakikinig? I don't know where I got that. Even the clothes and box itself. Your mother didn't created that world. I am the one who made it." Ngumisi siya. "Where's your proof?" Tanong niya. Kinagat ko ang ibabang labi at matalim siyang tinitigan. "You know what, I don't need to prove anything to you. Hindi ko kilala at pinatay ang nanay mo, hindi ko alam kung saan galing ang kwintas na iyan. Period. Don't expect me to explain one by one to you. Believe me or not I don't care." Naglakad ako ng marahas para iwan siya at umakyat na sa taas pero hinigit niya ang braso ko bago pa ako makaalis. Nagmura siya bago umiwas ng tingin. "My mind don't want to believe you but my heart does," sabi niya gamit ang madiin at naguguluhang boses. Tinitigan ko siya sa mata. His eyes was full of something I can't figure out. Nawala ang galit sa mga mata niya at napalitan ng kung ano. Namatay pala ang Nanay niya. Base from his reaction someone killed his mother. Hinampas ko ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Hindi niya iyon binitawan at nilapit ako sa kaniya. Napaliyad ako patalikod dahil ang lapit ng kaniyang muka sa muka ko. "I am seeing something that involves you. I've seen your face just before my father showed your picture. It's not just a mind trick. It's a memory of you that played in my head every night." Nagmura ulit siya at halos mapunit ang labi ko sa pagkakakagat ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Nag-isip ako ng posibleng eksplenasyon sa sinabi niya pero wala akong makapa. "Baka hindi ako-" bago pa ako matapos ay pinutol niya na ako. "It's you! It's clear and still vivid in my head. Ikaw ang nakita ko. What were you doing in my head? Did you inject something to me to give glimpse of your appearance- no, that's not possible. We never met." Exactly! Ano ba ang pinagsasabi nitong lalaki na ito. Napakatalino ko naman kung kaya kong gawin iyang inject-inject niya. Gusto ko tuloy matawa sa pinagsasabi niya. "Stop your nonsense. Don't involve me with what happened in your life. Your father is the only one I met in your family. It's your father who did wrong things to my family. He stole my invention and killed my father!" Sigaw ko. Bumilis ang paghinga ko at naalala ang mga nangyari. Nag-umapaw ang galit sa puso ko. "Ngayon isisisi niya sa akin ang pagkamatay ng asawa niya na kelan man ay hindi ko nakilala?" Dugtong ko pa at marahas siyang tinulak. Nabitawan niya ang kamay ko bago napaatras. "I am the one who f*****g made that world. It's damn me! Kinuha niya ang lahat. The documentations, the records, the cctv video, he made it all clean. Kung pinatay ko nga ang asawa niya, with his capabilities I am dead by now. Pero bakit niya ako iniwan lang dito? Lahat ng criminal na mas masahol pa sa akin ay isinama sa mundong iyon. Why leave me here? It's because I am a threat to his business. Ako lang ang kayang magpabagsak sa kaniya." He didn't say anything. He just intensely watch me shouting my heart out. Sa sobrang galit ko ay tumulo ang luha ko pero hindi ako tumigil magsalita. "I did nothing wrong yet I suffered In anyway you couldn't imagine. I have no one. The only one that fought for my life was myself. I am the victim here not you nor your rubbish father." Iyon ang huli kong sinabi bago siya iniwan. Umakyat ako sa kwarto ko at doon tumulo ang sunod-sunod na luha. I remembered Daddy's word while looking at the CCTV camera. He knew that I'm gonna find out the video of him being killed so he said 'I love you' between his breath. Ang tatay ni Tres ang paulit-ulit na sumaksak sa Daddy ko habang tumatawa ang mga tauhan nito. Now I can't unseen the fact that his son is inside of my house telling me stupid things. Nakita niya na ako sa isip niya bago pa kami magkakilala. Hindi ko alam kung ginagago ba niya ako o hindi e. Hindi ko makita ang tama. May alaala siya tungkol sa akin. Bigla kong naisip ang mga araw na napapatitig na lang ako sa kaniya. Having the feeling of longing even though I don't even know or like him. Pagtinitignan ko siya ay parang kilala ko siya. Noong mag-isa ko sa mundong ito, palagi akong nakakaramdam ng parang kulang. May gustong maisip pero hindi pumapasok sa utak. When I saw him removed his head gear something pinched my heart. Parang nakita ko ang isang bagay na matagal kong ginustong makita. Kaya naging desidido akong manatili siya rito. Oo nagalit ako dahil sa ginawa niyang pagsira sa mga halaman ko pero bukod doon ay alam ko sa sarili ko na sinira ko ang ship niya para mag-stay siya kasama ko. It's like an instinct telling me that I should keep him with me. Pero bakit ko nararamdaman iyon. Sigurado akong kelan man ay hindi ko siya nakilala. My memories are complete. Walang kulang sa alaala ko mula pagkabata hanggang ngayon. Did someone erased a certain memory from me? I believe it's possible to do because we did studies about that. Tumayo ako para pumunta sa aking computer. Hinanap ko sa aming record ang tungkol sa teknolohiyang maaaring makapagtanggal ng alaala. Proposal lang ito at hindi pa subok. Hindi ko alam kung naituloy ang pag-aaral dito pero sigurado akong may ganoong klaseng bagay. Kumunot ang noo dahil walang nahanap. It should be here since all of the data that passed through me was encoded. Sigurado akong may na-review akong ganoong bagay pero ngayon ay wala na sa data ko. Pero mahirap paniwalaan na nawalan ako ng alaala dahil walang bagay na namali. Sunod-sunod ang pangyayari sa buhay ko. Pati na rin ang mga nangyari bago at matapos kong gawin ang mundo. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang mahinang katok mula sa pinto. It's Tres for sure. Pinag-isipan ko kung papapasukin ko ba siya o hindi. Sa huli ay sinabi kong, "Pasok." Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tres. Ayan na naman ang pakiramdam na nasa puso ko kada makikita siya. It's hurting. "I'm sorry," aniya bago lumapit sa akin. "Tama ka. Nonsense nga ang mga sinabi ko. I've seen a loop hole for my mother's death before I landed here. There's a part of me believe you and there's my mind telling me not to because you have my mother's necklace and you might just telling me stories." Iyon ang malaking tanong. Bakit nasa akin ang box na iyon. There's great chance that I really have a missing memory. Ako at ang pamilya ko lang ang pumapasok sa kwarto ko. Walang logic kung bakit may maglalagay ng kwintas- yes, maybe it is to pin point the blame on me because I have the necklace but if the president really wanted me to pay for the 'crime' I committed, this necklace should have been discovered by the police just before they leave. Hindi eh. Umalis na lang sila bigla. Walang point kung ang tatay niya ang nag-utos na ilagay ito sa ilalim ng kama ko. And with clothes? "Sabihin mo sa akin kung anong naaalala mo." Gumalaw ang kama ko dahil umupo sa roon paharap sa akin. "Hindi ako nagsisinungaling sayo. Ano bang point kung gagawin ko iyon. Andito naman na ako at nag-iisa. Nasa taas na ang mga kalaban ko and I don't see you as my opponent either." That's the truth, the father's wrong doings should not be blame to the son. Muka namang wala siyang alam tungkol sa pagitan namin ng tatay niya. His only concern is his mother. "Let's see what we can do with your concern." Para sa kaniya ito at para sa akin. I want to know if my speculations are true. Hindi ko muna sasabihin sa kaniya ang mga naiisip ko. Not until I prove it my self. Binasa niya ang labi gamit ang dila at pinagdiin ang dalawang labi saglit. Nag-isip siya at tumingin sa labas bago itinuon ang atensyon sa akin. "I saw you with a book. You were smiling at me while reading some phrase." "What book?" I asked. "I don't know the title because you have it covered with your arms. One thing for sure, it has a cute gold pin that looks like a book mark." "And," dugtong pa niya. Tumayo naman ako para lumapit sa mga libro ko. I use pins for my book marks. Bumilis ang t***k ng puso ko habang kinakalkal ang mga libro ko. Dinala ko ang mga libro sa kama. I even brought my pins. "Try finding the book and pin you've seen," I said between my breath as I place the books on the floor dahil hindi na kasya sa kama. "That's a lot of book. Have you read all of that?" Tumango ako at kinuha pa ang mga natitirang libro. Umabot iyon hanggang ulo ko kaya nanakit ang braso ko sa bigat. Binagsak ko ang lahat sa lapag. That's it. Una niyang ineksamin ang box ng mga pin ko. He hold it one by one trying to figure out what pin he saw. "Ang daming pin. Magkakamuka pa. Hindi ko alam kung saan dito." Ngumuso ako at tinignan ang mga iyon. "Muka lang silang magkakamuka pero they have different features like this. It has a ruby butterfly, and this it's a blue moon.. try remembering the feature you had seen." Nag-iwas siya ng tingin. Kumunot pa ang noo at pilit inalala. Maya-maya pa ay bigla siyang napatingin sa box. "May bukaklak sa dulo- no, it's a succulent. Succulents with purple stones." I have that! Hinanap namin ang pin na iyon. Binuhos ko ang laman ng box at inisa-isa ang mga pin. Nahilig ako sa pangongolekta ng mga pin para sa mga librong binabasa ko dahil gustong-gusto ko ang pagbabasa. Sa sobrang nakahiligan ko ay halos lahat ng nagregalo sa akin noong 18th birthday ko ay may kasamang pin. Ang iba ay customize, ang iba ay pinili sa sikat na brands. Nakalimutan ko man kung sino ang nagbigay ng pin na iyon, malinaw naman sa alaala ko na meron ako no'n. "Found it," aniya habang hawak ang pin na tinutukoy niya. So, I was really a part of his life back then? Hindi pwedeng coincidence nanaman. Saktong-sakto ang paglalarawan niya sa pin. "The book. Hanapin mo iyong libro, kahit kamuka lang." "It's a black book," aniya. Napanganga ako. Halos lahat ng libro ko ay itim. "Kahit letter lang." Kinagat niya uli ang labi at na-distract ako sa ginawa niya. Iniwas ko ang tingin at nag-focus. "There's a 'law' word and M under it." Law.. "Law of Motion and Attraction!" I exclaimed. Hinanap ko ang libro. I am certain I have that book. So we really met. Kilala niya ako. Nakita niya na ako and I was talking to him. We searched and searched in a pile of books. Pero inisa-isa na namin ay wala kaming nahanap. Kinagat ko ang hintuturo at inisip kung may naiwan pa bang libro sa kung saan. "It' not here," saad niya at binagsak ang katawan sa kama ko. No, I have that book. Mabilis akong tumayo nang maalala ang librong nasa loob ng drawer sa bedside table. Natulala ako nang mahanap ang libro. I touched it like it's been a long time since I touched it. Hindi ko naaalala kung ano ang laman ng librong ito. Ang alam ko lang ay meron ako nito. Binuksan ko ang libro at sinundan iyon ng tingin ni Tres. I tried flipping the pages to see unnecessary thing. The first part is clean not until I found the middle part. "Remember Trexion," basa ko sa nakasulat. Tumayo si Tres sa pagkakahiga at mabilis na lumapit sa akin. Kinuha niya ang libro at binasa ang nakasulat gamit ang dugo. The blood turned brown. I just knew that It is a blood. And the one who wrote was me. Remember Trexion -Secret Sino si Trex- "Trexion is my real name," aniya bago ako tinitigan. "Your name is Secret. You wrote this. We already met at sigurado na akong magkakilala tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD