Tahimik kaming dalawa habang kumakain ng hapunan. No one dared to speak. Tanging kalansing lang ng aming kubyertos at plato ang naglilikha ng ingay. Matapos namin madiskobre ang nakasulat sa libro ay wala na kaming nasabi sa isa't-isa. Pareho kaming nag-isip ng nag-isip hanggang wala ng nasabi. Sa huli ay napagpasyahan naming kumain na muna para sa hapunan dahil baka na drain na ang utak namin sa nalaman at gustong malaman. Hanggang ngayon ay ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko. Bakit hindi ko maalala na isinulat ko iyon. Sino ang nagtanggal. Kanino galing ang dugong pinangsulat ko at higit sa lahat ay sino si Tres sa buhay ko. Is he my acquaintance? bestfriend? Lover? Isa lang ang sigurado. Malaking part ng buhay ko ay may kinalaman si Tres. Kilala ko ang sarili ko, I wont write

