Nandito kami ngayon sa waiting area ng morgue kung saan dinala si Daddy. He is dead on the spot and doctors couldn't do anything to save him. I am with my spacing out mother and Tita. Matapos magwala ni Mommy sa nakita ay bigla na lang siyang natulala at hindi na nagsalita pa. Si Keeper ay dinala sa isang hotel at pinabantayan ko. Maging ako ay tahimik buong oras matapos ang pag-iyak. Galit at poot ang tanging nararamdaman ko. Tignan ko si Mommy. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito sa noo. "Babalik ako sa villa, Tita. Pakitignan na lang po si Mommy." "Bakit ka babalik doon? Hindi safe at baka bumalik ang may gumawa sa Daddy mo." "I can't just stand here without doing nothing. I'll look for something that could help us find who did this. I'll make them pay. I promise," madii

