"Humawak ka." "Natatakot ako," pikit matang sagot ko kay Sebastian nang iyakap niya ang mga braso ko sa malaking pating. May nadaanan silang parte kung saan ay walang salaming nakaharang. Kanina pa sila kinakausap ni Dice habang ang iba naman ay abala sa pagtingin sa paligid namin. Hindi na ko makahinga at sobrang sakit na rin ng mga mata ko. Pakiramdam ko, konti na lang ako at talagang hindi ko na kakayanin pa dito sa ilalim ng dagat. "Sinabi na kasing 'wag kang magsasalita," kunot nuong sabi ni Sebastian saka kunsumido akong binigyan ng hangin. "Dalian na natin," sabi ni Daddy nang makita ang paghihirap ko. "Magtiwala ka. Ako ang bahala sa'yo, hindi ka nila sasaktan. 'Wag kang matakot." Nilagay ni Sebastian ang isang kamay niya sa ulo ko saka ako tinitigan nang sobrang seryoso k

