"Kanina pa tayo naglalakad pero wala pa rin akong makitang daan," hinang-hinang sabi ni Dice. Nakahukot na sa paglakad habang nakatamlay ang mukha. "Ako nga kahit makakita lang ng isang bahay matutuwa na ko," sabi naman ni Hanon, gano'n din ang itsura kay Dice. "Tanong lang, bakit hindi kayo ang nagkagustuhan?" pamwisit na tanong ni Daddy at tinignan naman siya ng dalawa. "Natanong ko lang naman." Bumalik si Daddy sa paglakad. "Seb, hindi ka pa ba pagod?" mahinang tanong ko habang abala ang iba sa kanya-kanya nilang usapan. "Okay lang ako. Ikaw ba? Ayos ka lang ba diyan?" "Bakit concern ka pa sa akin? Eh, ako nga 'tong maganda ang pwesto." "Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang kakaiba. Lalo na kapag may sumakit sa'yo." Tumigil sila sa pag-uusap nang marinig 'yon ni Dad

